UMALIS ako sa opisina niya pagkatapos kong mangako na oo, babalik ako para sa appointment namin. Ngumiti siya bago ako umalis at pinilit kong gumanti ng maayos na ngiti pero alam kong hindi ako nagtagumpay.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa Hidden Paradise at ang pag-amin ni Martin sa damdamin niya para sa akin. At sa tuwing nakikita ko ang pagmamahal sa mga mata niya... umiinit ang mga mata ko.
Kinabukasan, dahil ayokong magbalik sa dati na nagkukulong sa apartment ko ay nagdesisyon akong lumabas. Mag-isa akong nagpunta sa mall. Naglakad-lakad. Nag-isip ng susunod na gagawin ko sa buhay ko. Tumingin-tingin sa mga boutique at napapangiti kapag naalala ko ang ilang taon kong pagtatrabaho para sa isang sikat na designer na katulad ni Anton. Naalala ko ang mga panahong pinipilit niya akong mag-leave at magbakasyon sa kung saan dahil taon-taon daw akong complete attendance.
Siguro ay ganoon muna ang gagawin ko. Magbakasyon. Siguro dapat ko nang bisitahin ang tatay ko at ang bago niyang asawa na matagal nang naninirahan sa France. Siguro –
Napahinto ako sa isang boutique, kung saan may isang puting dress na nakakuha ng atensiyon ko. Lace ang pinaka-tela. Maganda ang detalye ng pagkakaburda sa bulaklaking disenyo. Mukhang inspired iyon ng wedding gowns. May bumikig sa lalamunan ko at bahagyang napangiti. Sana balang araw, ikasal pa rin ako.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero natagpuan ko ang sarili kong pumasok na sa boutique. Nilapitan ako ng sale staff at itinuro ko ang dress. Isinukat ko iyon. It fit me perfectly. At habang nakatingin ako sa salamin ay narealize ko na bumalik na sa dati ang laman sa katawan ko. Hindi na ako payat na payat. Hindi na humpak ang mga pisngi ko at mas lalong hindi na rin ako maputla. Tama si Lizzy. I look so much better.
Huminga ako ng malalim bago muling hinubad ang bestida. Lumabas ako ng dressing room para sabihin sa sales staff na bibilhin ko iyon nang tiyempo namang may lumabas din sa katabing pinto. Sabay kaming napalingon sa isa't isa. Sabay ding nagulat nang makilala ang isa't isa.
"You?" usal ni Isabella Wilson, ang babaeng ipinalit sa akin ni James.
Humigpit ang hawak ko sa damit na bibilhin ko at itiniim ko ang mga labi ko. Sumeryoso din si Isabella na napansin kong maraming kipkip na damit. "What? Don't look as if I stole your boyfriend or something. Wala akong inagaw sa iyo."
Umangat ang kilay ko. Naningkit ang mga mata niya. "James said he doesn't have anything to do with you. Na ako na ang gusto niya." Bigla ay natigilan siya at dumaan ang sakit sa mukha. Nag-iwas siya ng tingin at napatingin sa malayo. "Until he decided he doesn't want me after all," halos sa sarili lamang niya sinabi iyon.
Noon ko napansin ang pamamaga ng mga mata ni Isabella. "Iniwan ko rin niya," nausal ko.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. "So what? Pareho lang naman tayo. Ang kaibahan lang natin, mas maaga niya akong pinagsawaan. Pero mas okay na ako sa sitwasyon ko kaysa sa iyo na matagal niyang pinaglaruan. At least for me, the sooner it ended, the less pain I have to live with now that it's over."
Hindi ako nakakibo. Dahil tama siya. Mas matagal na relasyon, mas mahirap bitawan at mas masakit kapag natapos. "D-did he do to you..."
Hindi ko man magawang tapusin ang gusto kong itanong ay mukhang nakuha iyon ni Isabella. Dahil lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. "So he did it to you too. Of course he did." Nag-iwas siya ng tingin, may mapait na ngiti na sumilay sa mga labi. "He really enjoyed hurting his partner, huh? That bastard."
She said bastard affectionately. Napagtanto ko na mahal niya si James. Bigla ay nakaramdam ako ng camaraderie kay Isabella, kahit na hindi dapat.
"I know this is weird but I have to ask you something. N-nang iwan ka niya... n-naramdaman mo rin ba na parang hinahanap-hanap mo na ang... sakit? Did you feel like you cannot do it with someone else normally? Did you crave for pain too?" lakas loob na tanong ko.
BINABASA MO ANG
PATIENT X (R-18)
General FictionWhen you get caught in a dangerous game, you will never be the same again. Joy Madrid is a beautiful woman suffering from major depression because of a relationship gone wrong. Mahal pa rin niya si James at kahit na ipinagpalit na siya nito sa ibang...