Chapter Nineteen

38.8K 571 43
                                    

*this is a very long chapter. Sinubukan ko hatiin sa dalawang part pero hindi keri. masisira ang flow so here it is.*



BUMALIK kami sa cottage namin na gabing-gabi na. Pero sa kung anong dahilan ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Mukhang ganoon din si Martin dahil nang nasa hagdan na ako at akmang paakyat sa kama ay pinigilan niya ako. Nang magtagpo ang aming mga paningin ay kinabahan ako. Narealize ko na may gusto siyang malaman mula sa akin.

Inilahad niya ang kamay. "Mag-usap muna tayo."

Huminga ako ng malalim, sandali lang nag-alangan bago tinanggap ang kamay niya at bumaba ng hagdan. Hinigit niya ako hanggang sa bandang ulunan ng kama. Sumampa ako roon at sumandal sa headrest. Ganoon din ang ginawa niya at pumuwesto sa tabi ko. Mahabang sandali na tahimik lang kami.

Napatitig ako sa silya sa gilid ng pinto kung saan ipinatong ni Martin ang corset na hindi na niya pinasuot sa akin nang umahon kami mula sa tubig. Naalala ko na naman ang mga nangyari sa lover's pool kaya uminit ang mukha ko. Samantalang hindi naman ako apektado na wala akong suot sa loob ng blouse ko habang katabi siya.

Ang sabi sa akin ni Lizzy noon, malaki daw ang pagkakaiba ng naghuhubad ka dahil intensiyon ninyong magtalik ng kapareha mo at ng kakulangan mo ng suot nang hindi naman iyon ang gagawin ninyo. She said that when you can go about a room with no bra and just outside clothing; or without your clothes and just on your undies, it means that you are very comfortable and intimate with the person you are with. At ayon kay Lizzy, kahit daw marami pang lalaking dumaan sa buhay niya o kung ilang beses siyang nakipagtalik sa iba't ibang kapareha, hindi daw madali ang makaramdam ng ganoong comfort at intimacy sa piling ng isang tao.

"Joy," malumanay na basag ni Martin sa katahimikan.

Kumurap ako at nilingon siya. Seryoso ang ekspresyon niya kaya sumikdo ang kaba sa dibdib ko. "Paano kayo naghiwalay? Paano ka napunta sa kalagayan mo nang una kitang makita sa ospital? Breathing but not really living? Sumuko na sa buhay? How can a relationship gone wrong do that to someone as wonderful as you?"

May bumikig sa lalamunan ko at hindi agad nakasagot. Bumabalik kasi ang mga alaala sa isip ko na pilit kong kinalimutan sa nakaraang mga linggo. Nabigla tuloy ako sa pagbaha ng sakit. Mukhang nakita niya sa mukha ko ang nararamdaman ko dahil maingat niyang inabot ang kamay ko.

He laced our fingers together. "Sabihin mo sa akin."

Huminga ako ng malalim. "Halos tatlong buwan mula nang maging regular ang pagkikita namin nang magsimula kong mapansin na iniiwasan na niya ako." Napahinto ako at napatitig sa mukha ni Martin. Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. "This is awkward," usal ko. Paano ko magagawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa huling gabing may nangyari sa amin ni Martin kung wala pang isang oras ang nakararaan ay nasa lover's pool kami at nagtatalik. Nasasagwaan ako. "Pwede bang sa ibang araw na lang natin ito pag-usapan?"

Akma akong kikilos paalis sa kama pero humigpit ang hawak ni Martin sa kamay ko. "Stay here, Joy." Napahinto ako sa pakiusap sa tinig niya at sa determinasyon sa mga mata niya. "Gusto ko nang malaman ngayon. It's fine. Baka kapag pinatagal ko pa... sa susunod hindi ko na talaga magagawa pang pakinggan ang mga nangyari sa pagitan ninyo noon. Kaya ngayon na natin ito pag-usapan."

Umawang ang mga labi ko sa makahulugang sinabi niya. Nagkaroon ako ng udyok na magtanong kung bakit niya nasabi iyon pero... pero nakikita ko na ang sagot sa mga mata niya.

Sa mga sandaling iyon ay hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang mayroon kami ni Martin. Parte pa rin ba ito ng treatment method niya bilang psychiatrist ko? Ang nangyari kanina sa lover's pool at ang mga namagitan sa amin sa mga nakaraang araw, bahagi pa rin ba ng paggamot niya sa akin? Or are we having an affair?

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon