Chapter 7 - It's Payback Time

1.8K 19 1
                                    

<-------------------- Vote muna. hehehe. Thanks!

_____________________________________________________________________________

“Hello, sa Mcdo daw ang tagpuan ha. 9 am. Susunduin na lang daw tayo ni Kriz.”

“Hay naku siguraduhin lang nya na maganda ‘yung pool ha kasi baka mamaya hindi tayo magkasya. Haha!”

Ganoon ang naging usapan nina Mandy at Bing, ang mga sosyal sa klase.

Kinabukasan….

“Sino pa ba ang kulang sa atin?” Paalis na dapat kami pero wala pa pala si Kim, ‘yung nagyaya. Pero di nagtagal dumating na rin sya.

Sa van kami sumakay. Actually dalawang van ‘yung ginamit para masundo sila. “Kriz, malapit lang ba yung inyo?!”

“Medyo malayo ng konti. Alam mo ba yung subdivision malapit sa seven eleven?” Kahit matagal na akong nakatira dun, hindi ko pa rin tanda ang pangalan ng subdivision namin. “Mang Eloy, ano nga pong subdivision ‘yun?” 

Hindi pa man nasasagot ni Mang Eloy, nasabi na agad ni Mandy yung subdivision kung saan ako nakatira. “O.M.G!!! Dun ka sa subdivision na ‘yun nakatira?! Mayayaman dun ah!”

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Mandy na mayayaman lang ang nakatira dun,  hindi naman kasi ako mayabang.

Si Jazper na lang ang kinausap ko kasi sya ang katabi ko. “Oh andito na tayo…” Nagulat sila sa nakita nila. Malaki kasi ‘yung bahay ni Lolo. Bumaba na sila sa van.

“Tara… dito nyo na lang ilagay ang gamit nyo.”

Sa isang room malapit sa pool ko ipinalagay ang gamit nila. Tapos kumain na kami at pagkakain namin, dederetso  na sana kami sa pool pero nakasalubong namin si Warren. Dahil malakas ang appeal nung lokong ‘yun, kinikilig ang mga classmates ko.

Nagulat sya sa nakita nya, “Anong meron Kriz?” 

“Wala naman. Katuwaan lang.” Ngumiti ako sa kanya.

“Kriz, sino sya?!” Agad na tanong ng mga kaibigan kong babae.

Nilapitan ko si Warren at naisip kong it’s pay back time!! Hindi ko pa nakakalimutan nung ipinahiya nya ako!! Katulong... katulong daw ako!!!

“Warren, sila nga pala ang mga classmates ko…”

Muli akong ngumiti na may halos pang-aasar. Alam kong alam na ni Warren ang plano ko at halatang kabado na sya.

“Mga classmates, si Warren nga pala...

.

.

.

.

.

pinsan ko.”

Nagulat si Warren sa sinabi ko, halatang-halata sa mga mata nya na nagtataka sya kasi hindi ko sya ipinahiya kagaya ng ginawa nya sa akin.

“Friends, una na kayo sa pool. Susunod na ako may aayusin lang ako dito.”

Umuna na ang mga classmates ko at naiwan kami ni Warren.

“Bakit hindi mo sinabi na katulong mo ako? Bakit hindi ka gumanti?!” Tanong agad nya sa akin.

Ngumiti ako, “Kasi alam ko ‘yung feeling ng napahiya. Hindi masaya, nakakainis. Eh ayaw ko naman kasing maramdaman mo yung feeling na ganun.”

Medyo matagal kaming hindi nagsasalita. Pero bigla nya akong hinawakan sa ulo.

“Sira ka talaga!! Pagkakataon mo na yun!! Sige na, enjoy na lang kayo!!” Ngumiti rin sya sa akin. At sa tinagal tagal naming magkasama, ngayon lang nya ako nginitian ng ganun kaya ako, mas lalong napangiti.

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon