Chapter 20 - Dilemma

1.5K 13 8
                                    

<----------- pa-vote naman po. hehe. last two chapters. :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nilapitan ko sya at niyakap pero parang may mali.

“Bakit?” Hindi pa rin sya umiimik. “Well siguro pagod ka sa byahe. Hm… Mang Eloy, pakidala na lang po ng gamit nya sa kwarto nya.” Nang kukunin na nya yung mga gamit ni Warren ,nagsalita sya.

“Wag nyong galawin yan. Kriz, kanina pa ako dito. Sinundan kita at nakita ko ang lahat.” Nagulat ako sa mga pinagsasasabi nya.

“What do you mean?”  Kinuha nya yung mga gamit nya.

“Nakita ko kayong magkayakap. It only means na mahal nyo pa din ang isa’t-isa, and because I love you, magpaparaya ako.”

Napailing ako sa sinabi nya. “Ano ka ba?!”

Dinala nya ang mga gamit nya sa sasakyan nya. Hinabol ko sya at pati nga sina Aling Lita nagulat sa mga nangyari.

“Warren saan ka ba pupunta?!” Hindi sya umiimik. Derederetso lang sya.

“Wait Warren! Mag-usap nga tayo! Ano bang problema mo?!” Sumakay na sya sa kotse nya. Hinahampas ko ‘yung sasakyan, “Warren! Bumaba ka nga! Hindi kita magets! Ano ba? Hoy?! Saan ka pupunta?!”

Pagkasarado nya ng pintuan ng sasakyan nya binuksan nya ang bintana. Huminga sya ng malalim, “I’m going back to Korea… alone!”

What?! Tama ba ang narinig ko?! “Ano?! Teka, bakit?”   

“Para maging masaya ka na. Alam ko namang sya talaga ang mahal mo at ako, panakip butas lang. Kung hindi naman tayo inengage hindi ka magpapakasal sa akin di ba?” 

“Anong pinagsasasabi mo? Alam mong hindi totoo yan. Alam mong minahal kita! Walang ibig sabihin yung yakap na yun!” 

“Sigurado ka? Umiiyak pa yata kayo nun.”  

“Warren, believe me! Please!”   

“Sino ba talaga? Ako o sya?” Natigilan ako. Hindi ako makapagsalita hindi dahil sa hindi ko alam yung sagot kundi dahil hindi ko inakalang duda pa rin sya sa pagmamahal ko. “Hindi ka makasagot. It means nandyan pa rin sa puso mo ang lalaking yun!” 

“Wa…” Hindi ko pa natatapos sabihin ang pangalan nya, umalis na sya. Wala akong nagawa. Wala. Walang nagawa kundi umiyak. Umiyak ng umiyak. “Warren… ikaw… ikaw ang pipiliin ko.” Pinuntahan ako nina Ate Ana.

“Kriz, anong nangyari?” tanong nila.

“Warren! mahal kita.” Pagkasabi ko nun, bigla akong nahimatay, kagaya noong una naming pagkikita. Pinagkamalan nya akong magnanakaw ngayon, mali na naman ang akala nya sa’kin. Ito nab a ang huli naming pagkikita?

Saktong tumatawag sa akin si Jazper nang binuhat nila ako at dinala sa loob ng bahay. Sinagot ni Ate Ana ang tawag nya at sinabi nya ang mga nangyari.

“Kriz?” Si Jazper pumunta sya sa bahay. “Ayos ka lang? Ano bang nangyari?” 

“Si Warren, bumalik na sya sa Korea. Iniwan nya ako.”  

“Huh?! Bakit naman?”  

“Nakita nya tayong magkayakap. Iba ang nasa isip nya.” 

“Teka lang,” kinuha nya ang cellphone nya.

“Anong ginagawa mo?” 

“Tatawag ako sa airport para itanong kung anong oras ang susunod na flight papunta sa Korea.”

Inagaw ko ang phone nya. “Wag! Simula nung nagkakilala kami, ako na lang lagi ang nagso-sorry. Pride ko na lang lagi yung bumababa. Pero ngayon. hindi na ako papayag. Kung wala syang tiwala sa akin, mabuti pang maghiwalay na lang kami.”

Binawi nya yung phone, “Ano ka ba?! Ngayon mo pa ba naman papairalin yang pride mo? Alam mo bang future mo ang nakasalalay dito! Kapag hindi ka sumunod sa kanya, iisipin nyang tama lahat ng hinala nya!” Sinubukan ko syang pigilan pero tumawag pa rin sya. “Bukas ang flight mo, nakapagpareserve na ako.”  

“Jazper, hindi ako pupunta! Sya ang umalis dapat sya ang bumalik!”  

“Sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka! Susundan mo sya!”

Sa sobrang inis at lito ko, napaiyak na naman ako. “Sino ka?! Sino ka para sabihin sa akin ang gagawin ko?! Alam mo bang wala kang karapatan?! Wala Jazper! Kasi isa ka sa mga dahilan kung bakit ako umiiyak! Isa ka sa mga taong nakasakit sa akin kaya wala kayong karapatan!”

Ewan ko kung bakit nasabi ko yun. Siguro dahil na rin sa sobrang pagkalito at sa tinagal tagal, ngayon ko lang siguro nailabas lahat ng sama ng loob ko. “Ayoko na. Jazper ayoko na. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya!”

Habang umiiyak ako, niyakap nya ako. Lalo akong napaiyak. “Hindi yan ang Kriz na kilala ko. Kaya mo yan! Bukas pupuntahan mo sya at sasabihin mong sya ang mahal mo. Okay?”

“Ayoko…”  

“Please, para sa akin?”

“Bakit ang bait bait mo pa rin? Kahit iniwan ako ng taong ipinalit ko sa’yo?”  

“Sabi mo nga kanina, nasaktan kita. Kaya ngayon gagawin ko ang lahat para maging masaya ka, kahit sa piling ng iba.”  

“Salamat. Salamat talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.”  

“Ganyan talaga. Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao.”  

------------------------------------------------------------------------------------------

comment naman po kayo. hehe. 

malapit na 'tong matapos. :D

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon