Chapter 15 (part 1) - Engaged

1.6K 13 2
                                    

               Kahit engagement na namin mamayang gabi, hindi pa rin kami nagpapansinan. Sa paglapit ng engagement naming, tumitindi ang kaba ko at parang kailangan ko ng kamay nya para maging kalmado ako.

Kumakain kami ng tanghalian nang kinausap ko sya, “Warren…” 

“Bakit?”

“Ah, wala.”

‘Yun na ‘yun!  Kahit alam nyang may gusto akong sabihin wala pa rin syang ginawa. Pagkakain naming, inayusan na kami. Hindi kami sabay pumunta dun sa venue kasi sya ‘yung nauna. Pagkalipas ng ilang minute, sumunod na rin ako.  

Once pa lang ako nakakaatend ng engagement party kaya hindi ko masyadong alam ‘yung mga ginagawa dun. Pagkadating ko, nakita ko si Warren. Hinihintay nya ako.  Nilapitan ko sya at kinakabahan na talaga ako!

“Let us all welcome Warren Sung and his future bride Krizia Sung!” hala?! Sung na ang apelido ko! Lalo akong kinabahan!

Bumukas na ang pintuan at sa sobrang kaba ko, hinawakan ko ‘yung kamay nya. Tumingin sya sa akin at mahina nyang sinabi, “Walang tatakbo ha?” 

    Hindi naman pala ganun katagal ang engagement. Sasabihin lang pala sa mga friends at relatives na ikakasal sila. ‘Yung sa amin ni Warren kakaiba. Wala pa kasing date ang kasal namin at baka nga abutin pa ng ilang taon. Sa huli ng ceremony, nagrequest sila ng kiss.

“Hehe. Kiss daw.. hehe anong gagawin natin?”

Nung sinabi ko ‘yun, pilit ang tawa ko. Biglang hinawakan ni Warren ang kamay ko at dun nya ako hinalikan. Akala ko naman kung saan. Kasi kung nagkataong sa ibang parte nya ako hinalikan, patay sya sa akin!

Pagkatapos ng engagement, fiancé ko na sya. Pag-uwi namin sa bahay,  

“Psst!”

Hindi ako tumingin. Aba may pangalan ako! 

“Krizia!” 

“Ano?!”   

“Anong gusto mong itawag ko sa’yo?” Loko talaga ‘to! Nangungulit pa!

“Tawag?! Baliw ka talaga! Matulog ka na! Sabi ni Lolo papasok na daw ulit tayo.” 

“Hahaha! At alam mo bang magkasama tayo sa school?!”

Gusto ko sanang itanong kung anong big deal kung magkasama kami sa school pero baka magkagulo na naman kami kaya tumahimik na lang ako.

Pumasok na ako sa kwarto ko at pinilit kong makatulog pero hindi ako makatulog kaya bumaba na lang ako para uminom ng tubig. Nagulat ako nang nakita ko rin si Warren dun.

“Hindi ka rin makatulog?”  

"Oo,” tumabi ako sa kanya. “Warren, ano kaya ang sunod na plano ni Lolo? Sa tingin mo?”   

“Kasal, pero alam kong matatagalan pa yun. 16 pa lang tayo at isa pa hindi pa natin mahal ang isa’t-isa, di ba?”  

“Bahala na. Kung ano man ang susunod, sana kayanin pa rin natin.”

Inakbayan nya ako, “Basta walang iwanan, kaya talaga natin ‘to!”  

Hindi rin ako nagtagal sa baba kasi inantok na ako. Iniwan ko na sya.

“Krizia, masaya ako. Sobra. Kung alam mo lang…” Ewan ko lang kung anong oras natulog yun basta kinabukasan, may pasok na kami.

 ‘Yung school namin English ang medium of instruction. Okay yun kasi hindi ako marunong mag-Korean tapos si Warren konti lang. Halos magdadalawang buwan na, chineck ko yung email ko, wala kahit isa nag nag-email sa akin. Naisip ko na siguro ayos na ‘yung ganito para at least lesser pain sa aming dalawa ni Jazper.           

Well mabilis ang panahon. Biruin mo kakagraduate lang namin. Grumaduate kami sa school na kami lang ang magkakilala, na kami lang ang nag-uusap, at masasabi kong naging close talaga kami ni Warren. Medyo alam ko na kung paano sya pakisamahan at sa tingin ko alam nya na rin kung paano ako pakikisamahan. College na kami at kahit hindi ko gusto ang course ko, ayos lang. Iniisip na lang namind dalawa ni Warren na kasama ‘to sa nakatadhana sa amin.

Pareho kaming Business Management ang kinuha para kapag graduate na kami ng college, si Warren ang magmamana ng isa sa madaming business ni Lolo at ako, ako daw ang katulong nya sa pagmamanage. Pumayag na rin ako. Wala rin naman akong magagawa.

“Krizia magbakasyon naman tayo!”

Ano kaya ang nakain nito? “Ayoko,”  

“Bakit?! Ako na nga ‘tong nagyayaya!”  

“E ayoko nga!” 

Tinabihan nya ako, “Alam mo bang simula nung dumating tayo dito isang beses pa lang tayong nakakapamasyal!”   

“Ano ka ba naman, fourth year college na tayo. Malapit na rin ang finals natin. Kung magbabakasyon tayo mahihirapan tayong humabol sa lessons.”  

“Kungwari pang ‘yun ang dahilan, ang totoo naman mas gusto mong kasama ay ‘yung Jazper na ‘yun!” 

Wah!!!!!!!! Mag-aaway na naman kami nito! “Oh bakit ibinalik mo na naman ‘yung issue na yun ha?!”  

“Totoo naman ah. Hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Jazper.”   

“Ano na naman ba ang problema? Alam mo bang mag-aaway na naman tayo nyan! Tama na nga! Ayokong mag-away na naman tayo!” 

Tinalikuran ko sya. Aalis na sana ako, “Hoy Krizia wag mo akong tatalikuran kapag nag-uusap tayo!” Hinawakan nya ako sa kamay, “Di ba totoo naman?! Mahal mo pa rin sya kahit halos limang taon na tayong magkasama?!”  

“Bitawan mo nga ako!” Pero ayaw pa rin nya akong bitawan. “Sinabi nang bitawan mo ako!” 

“Sagutin mo muna ako! Tama ba ako?!”  

“Alam mo Warren akala ko kilala mo na ako kasi limang taon na. Pero hindi pa pala! Hanggang ngayon, galit ka pa rin kay Jazper! Bakit ba?! Hindi naman ako galit kay Janet ah!”  

Bigla syang tumahimik pero nagsalita pa rin, “Alam mo ba kung bakit ako galit kay Jazper?! Alam mo ba?”   

Tinanggal ko ang kamay nya, “Wala akong pakialam! Bahala ka na sa buhay mo! Lagi na lang natin pinapalaki ang maliit na problema! Naiinis na ako Warren! Sobra! Pagod na ako!”  Pagkasabi ko nun umalis ako sa bahay. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Medyo gabi na pero ayoko pang umuwi kasi sawa na ako sa awayan namin.

“Ah! Tatawagan ko si Ate Kim… hello? Ate kim?”   

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon