Chapter 15 (part 2) - Warlaloo!!!

1.6K 10 2
                                    

<-------------------- ehem. nyahaha!

“Oh Kriz, why? Any problem?”

Nahihiya ako pero kesa naman wala akong tulugan, “Ahm, can I go there?”  

“Sure!” Pumunta ako sa bahay nila at pagdating ko dun, si Ate Kim lang ang tao. Nasa trabaho pa daw si Kuya Wackie.

  Kakatanong lang nya sa akin kung nag-away na naman kami ni Warren nang dumating si Kuya Wackie. “Oh, my bisita pala tayo.”  

“Hello po Kuya. Good evening po.”  

“Hindi mo kasama si Warren?”

Si Ate ang sumagot, “Nag-away na naman sila.” 

“Bakit naman? Ano ang pinagawayan nyo?” 

Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari, “Ah ganun ba? May plano ako,”  sabi ni Kuya Wackie. “Dito ka muna sa’min. Pabayaan mong kaunin ka nya. Ano, ayos ba yun?” 

Ayoko sanang pumayag kasi nakakahiyang makitira pero naisip kong masaya ‘to! “Sige po payag po ako.”

Kinakabahan ako kasi pano kung hindi nya ako sunduin? Ibig sabihin ba nun hindi nya ako mahal? Basta promise kinakabahan ako!

Sa guest room ako natulog. Hindi ko alam na tumawag si Warren kay Kuya.

“Hello Kuya,”  

“Oh bakit?”  

“Kuya, nandyan ba si Krizia?”  

“Oo, ano na naman ba ang pinag-awayan nyo? Ikaw na naman ang nag-umpisa ano?!”

“Hay naku! Nakapagsumbong na agad ang babaeng yun! Sinabi ko lang naman ‘yung pangalan ng ex nya, nagalit na agad! Parang ewan!”  

“Syempre magagalit yun! Kasi naman naghiwalay sila dahil sa’yo! Bakit ba lagi na lang ‘yung ex nya ang pinaguusapan nyo? Five years na kayong magkasama ah! Teka, alam ko na!  Nagseselos ka na!” 

Humalakhak lang si Warren. “Hahaha!! C’mon Kuya! Nakakatawa ‘yung joke mo ah!”

“Hoy lahat na lang idinadaan mo sa biro! Totoo naman. Kaunin mo na ang asawa mo.”

“Kuya, wala pa akong asawa, remember? Pasabi nga pala kay Krizia na hindi ko sya kakaunin. Kung marunong syang umalis, dapat matuto syang bumalik. Sige na bye.” 

Sira ulo talaga si Warren! Ang taas din ng pride!         

“Si Warren?” tanong ni Ate Kim.

“Oo. Ang tigas ang ulo! Ayaw kaunin si Kriz.”  

“Syempre, mana sa’yo… just kidding!”  

“You know what Kim, parang tayo sila before. Tanda mo pa ba nung first year natin bilang mag-asawa? Di ba lagi rin tayong nag-aaway?”    

“Yeah, I can still remember that! Pero parang mas madrama yung kanila. Long time engagement kasi ‘yung nangyari sa kanila. ‘Yung atin, after one month kasal na agad.”

“Well, ikaw naman kasi. Sabi ko sa’yo bawal ma-inlove!” 

“Ang kapal mo ha! Hahaha! if I know ikaw ang unang na-fall sa’kin! Hahaha!” 

Hindi na nila pinag-uusapan ang ex ni Kuya Wackie. Tapos na daw ‘yun at masaya na raw sila sa mga nangyayari sa kanila. Inamin na nilang mahal na nila ang isa’t-isa.

Sa bahay naman namin, “Ang arte mo talaga Krizia!” Parang baliw si Warren, kinakausap ang sarili nya! “Anong oras ka ba babablik? Tsk! Waahhh! Patulugin mo ako!” Pero bigla syang tumahimik, “Teka, nagseselos na ba ako?! Hindi! Hindi! Hindi ako nagseselos!” Madaling araw na nung nakatulog sya.

Kinabukasan, nagkita kami sa school pero hindi kami nagpapansinan. Wala pa rin akong planong bumalik. Bahala sya sa buhay nya!  Aaaaah! Kakainis talaga sya! Ang taas ng pride! Sya na nga ‘tong may kasalanan, ayaw pa ring mag-sorry! Para tuloy kaming bata! Natapos ang araw na hindi kami nag-uusap. Sa bahay pa rin nina Kuya ako umuwi.

“Kuya, umuwi na kaya ako?” 

“Wag!” Sabay pa silang nagsabi ni Ate. “Dito ka lang. Yaan mo sya. Hindi ka matitiis nun,” kaya hindi pa rin ako umuuwi.

Sa totoo lang miss ko na sya! Sobra! Pero kailangan kong magtira ng pride para sa sarili ko. Akala ko tulog na sina Kuya kaya bumaba ako. Gabing-gabi na ‘yun, “Oh Kriz bakit gising ka pa? Nami-miss mo ba sya?” 

“Po?! Hindi ah...” 

“May sasabihin ako sa’yo, kagabi tumawag sya sa akin.”  

“Sino po?!”   

“Sino pa edi ‘yung kapatid ko na magiging asawa mo,” napatawa ako sa sinabi ni Kuya kaya halos hindi na ako makapagsalita. Kapag kasi kasalan na ‘yung pinag-uusapan, hindi na ako makaimik. “Kriz papakasalan mo ba sya?” Sabi ng hindi ako makaimik kapag ganyan ang pinag- uusapan!

“Kung lagi po kaming ganito, hindi ko po alam kung dapat pa kaming magpakasal.”

“Limang taon na ah, hindi pa rin ba kayo nakakapagdesisyon?”  

“Hindi pa po.”  

“Mahal nyo na ba ang isa’t-isa?”  

“Hindi ko rin po alam. Pero siguro kung mahal na ako ni Warren, hindi po nya hahayaan na nandito pa rin ako. Dapat sinundo na nya ako. Isa pa po, siguro kung mahal ko na sya, sana hindi po ako pumayag na pahirapan sya dung mag-isa.” 

Tumayo si Kuya, “Hindi dahil natitiis nyo ang isa’t-isa, hindi nyo mahal ang isa’t-isa. Baka may gusto lang kayong patunayan.”  

“Ano naman po ‘yung gusto naming patunayan?”  

“Siguro pareho nyong iniisip na hindi nyo matitiis ang isa’t-isa. Naiintindihan mo ba ako? Gusto mo munang malaman na mahal ka na nya bago mo sya mahalin. O kaya sya, gusto nyang malaman muna na mahal mo na sya bago nya sabihin sayo na mahal ka na rin nya kasi pareho kayong natatakot dahil sa past nyo. You’re both afraid to take the risk of admitting your real feelings.”  

Siguro ganun na nga ang sitwasyon namin. Alam kong may nararamdaman ako sa kanya na hindi ko naramdaman kay Jazper pero natatakot akong alamin kung ano yun dahil natatakot ako na baka ako lang ang nakakaramdam nun. Hindi ko alam kung ‘yun na nga ‘yung pagmamahal, pero sana ‘yun na nga ‘yun.

              Kinabukasan.

“Warren pwede ba tayong mag-usap?” 

Kakatapos lang ng klase namin nung kinausap ko sya, hindi nya ako pinapansin. “Warren please,” gusto ko nang ayusin ang gulo namin pero umalis pa rin sya. “Warren! Please! Babalik na ako,”   

Humarap sya sa’kin. “So? As if I care.”  

“Ano?” Napapailing na ako, “Bakit ka ba ganyan?” Patuloy pa rin nyang ipinapadama na hindi ako importante. “Kung hindi ka naaapektuhan sa mga nangyayari, manhid ka! Kung wala kang pakialam, ako meron! Hindi ko alam kung bakit pero…”  

“Pero ano Krizia?” Lumapit sya sa akin.

“pero sa tingin ko…” 

“Ano?! Sa tingin mo ano?! Ah! Sa tingin mo mahal mo pa rin si Jazper! Kriz, kung yun lang ang sasabihin mo, don’t waste your time! Alam ko yun! Nararamdaman ko ‘yun!”

Umalis syang hindi ako pinakinggan. “Hindi yun ‘yung gusto kong sabihin Warren. Sa tingin ko… mahal na kita. Pero ngayon sa tingin ko, hindi na importante yun.”  

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon