Chapter 18 - Alumni Homecoming

1.5K 8 1
                                    

               Maaga syang umalis at ako, kinakabahan na talaga! Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin.

6pm ang umpisa pero 4pm pa lang, nasa parlor na ako. Tama lang naman ang dating ko. Mag-uumpisa na at hindi ko pa rin makita sina Ira, Jean at pati ang iba ko pang ka-batch.

“Kriz?!”

Sa wakas nakakita rin ako ng classmate ko! “Ira!”

“Kriz, ikaw nga! Shocks! Nag-iba ka!”  

Niyakap ko sya, “Ah! Na-miss kita! Kamusta ka na Ira? Si Jean, aattend ba?”

“Oo nasa restroom lang sya. Tara puntahan natin! Hoy! Magkwento ka naman. Kelan ka bumalik galing sa… Korea nga ba yun?” Habang papunta kami sa restroom nagkekwento ako sa kanya pero hindi ko maisingit ang tungkol kay Warren. pagdating namin sa restroom, “Jean, guess what! May kasama ako!”  

“Sino naman yun? Si Kriz na naman? Hay naku lolokohin mo na naman ako!” Pumasok na ako sa loob at napatingin sa akin si Jean, “Kriz?!” 

“Yes?!” Nag-iritan kami sa loob ng restroom!

“Kriz bakit ka ba umalis? Biglaan yun ah!” 

“Biglaan nga eh. May sasabihin nga pala ako sa inyo,” Nang sasabihin ko na engage na ako, biglang inanounce na magsisimula na ang programa kaya pumunta na kami sa hall.

“Hey Kriz, tara dun!”  

“Saan?”  

“Dun sa iba nating classmates. Andyan yung grupong sosyal at sina Jazper… ay!” Siniko ni Jean si Ira nang sinabi nya ang pangalan ni Jazper. “Sorry ha?”  

“Ano ka ba, ayos lang. Ang tagal na nun ah!” Biglang sumingit sa usapan si Jean.

“Umalis kang hindi man lang kayo nag-uusap. Grabe ha, pero promise nung umalis ka halatang apektado si Jazper. Di ba Ira?”   

“Oo, lagi nga syang absent.” 

Huminga ako ng malalim, “Sinubukan ko naman syang tawagan, yun nga lang walang sumasagot.” Nagkatinginan sina Jean at Ira.

“Ira, tanda mo pa ba? Di ba nanakawan ng phone si Jazper nung mga panahong ‘yun? Tanda mo pa?” 

“Ay oo! Siguro kaya hindi mo sya ma-contact!”

Bigla akong napatahimik. Naalala ko ang hiningi kong sign. Kapag sinagot nya, hindi ako tutuloy sa Korea. “Well, Kriz tara na. Tinext na ako ni Ms. President. Let’s go?!” 

Ayoko pa sanang pumunta pero, “Sure,”

Kinabahan ako habang papalapit na kami. Nakita ko na ang barkada nya, pero wala sya dun. “Listen classmates,” Si Ira gagawa na naman ng eksena. “Magugulat kayo sa sasabihin ko!”

“Ano naman yun?”  

“Well Kriz is here!” Nagpakita na ako sa kanila at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

“Oh my gosh! It’s Kriz nga!” Nilapitan nila ako at kinamusta. Hindi ko akalaing ganun sila kasaya sa pagkakakita nila sa akin. Lihim kong hinahanap ko si Jazper pero wala talaga sya. Nahihiya naman akong magtanong, baka kung ano ang isipin nila. Bumalik kami sa table namin para kumain.

“Jazper! Pare may sasabihin kami sa’yo!” 

“Siguraduhin mong matutuwa ako ha! Kapag hindi, akin na yang pagkain mo!”  Nagtawanan sila, “Teka lang, bago nyo sabihin sa akin ang sasabihin nyo, sino yung katabi nina Ira na babae?”

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon