Chapter 19 - Sino ba talaga?

1.5K 8 0
                                    

<<<----- wee. vote po, if yoou don't mind. hehe.

----------------------------------------------------------------------------------------

Nauna akong dumating sa kanya. Nagkataong nandun din yung adviser naming noong high school kami. Sinabi ko na may hinihintay ako at nang dumating si Jazper, napangiti ang teacher.

“Aba ang mga estudyante ko. Masaya ako dahil kayo pa rin hanggang ngayon kahit na umalis tong si Kriz. Sana ay kayo na nga ang magkatuluyan. Imbitahin nyo na lang ako sa kasal nyo! Hahahaha!”

Nagtinginan lang kami ni Jazper. Nahalata kong pinipigilan nya ang tawa nya, “Bakit ka natatawa?”  

“Hindi mo ba napansin? Ngayon lang tumawa yung teacher natin! Sa tinagal tagal kong nakikita yun, ngayong ko lang nakitang ngumiti yun! Hahaha!”  

“Oo nga no! Hahaha!”

Buti na lang good mood kami pareho. “Pero seryoso Kriz, masaya ako kasi sinabi nyang bagay tayo.” Naging seryoso na rin ako. “Ano ba ‘yung sasabihin mo?” 

“Hm… kain muna tayo. Pwede ba? Treat ko.” Tumango sya. Habang kumakain kami, kinekwento nya yung mga nangyari sa amin dati. Ayoko sanang pag-usapan yun pero nakakahiya namang pigilan sya.

“Kriz tanda mo pa ba nung hindi pa tayo ganun ka-close? ‘Yung lagi tayong nagsasagutan sa klase kasi lagi kitang binabara?”  

“Oo naman! Lagi kang high blood eh!” 

“Gusto ko lang naman na pansinin mo ako,” 

“Ha?” 

“Nagpapapansin lang ako. Hm… effective ba?”  

“Effective naman. Napansin naman kita… dati di ba?”  

Habang nag-uusap kami ni Jazper, tumawag si Warren sa bahay. Nakausap nya si Mang Eloy at sinabi ni Warren na uuwi sya. Tinanong nya kung nasaan ako at nang malaman nya na may pinuntahan ako, dun na lang daw sya dederetso.

Tapos na kaming kumain at medyo madilim na. “Kriz, bakit ka ba umalis?”  

“Family problem.”  

“Ganun ba? Please, sabihin mo sa akin na walang nagbago.”  

“Hindi pwede… kasi meron. Jazper madami… madaming nagbago.” 

“Nagbago ba yung feelings? Kriz, yung feelings ko hindi nagbago.” 

“Siguro madaming nagbago pero… hindi nawala ‘yung feelings ko sa’yo.”  

Ngumiti sya. “’Yun naman pala. Salamat kasi…” 

“Pero hindi na pwede Jazper. Mahal kita pero may mahal na akong iba.” Unti-unting nawala ang ngiti nya.

“Mas mahal mo ba sya sa akin? Sabihin mo lang yung totoo. Kriz, ayos lang. Tatanggapin ko.” 

“Hindi ko alam. Nalilito ako.”  

“Iniisip mo ba sya ngayon?”  

Umiiyak na naman ako. “Oo. Sya lang ang nasa isip ko ngayon. Jaz, engaged na kami at sinabi ko sa kanya na papakasalan ko sya. Hindi dahil sa ‘yun ‘yung gusto ng Lolo nya. Pumayag ako na magpakasal sa kanya dahil alam kong mahal namin ang isa’t-isa.”

Tiningnan ko sya at nakita kong umiiyak na rin sya. “Mahal mo nga sya. Kaya mo bang sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal nyo dahil sa akin?” 

“Huh?!”   

“Hindi mo kaya. Kriz, mahal kita pero susuportahan kita. Hindi ako magagalit kung sya ang pipiliin mo. Ilang taon na ba kayo?”  

“Nung umalis ako, inengage kami sa Korea. Tanda mo ba ‘yung sinabi kong pinsan ko? Sya yun. He’s Warren Sung.”      

“Masaya ako para sa’yo. Mahal mo ako pero mas mahal mo sya. Nararamdaman ko ‘yun at naiintindihan kita.”  

“Jazper sorry… sorry talaga kung naghintay ka.”  

“Ayos lang yun. Ito yung ineexpect ko. Wag kang magalala.Aayos lang ako. Masaya ako kahit sobrang… sobrang sakit.” Tumayo sya, “Sige Kriz aalis na ako. My meeting pa ako ng 8. Salamat… sa lahat.”

Tumayo na rin ako. “Salamat din. Friends?”  

“Oo naman! Kahit nga best friends pa eh.” Iniabot ko ang kamay ko. “Kriz, isa lang yung favor ko. For the last time, pwede ba kitang mayakap? Kahit ngayon na lang, please?” Tumango ako at niyakap nya ako. Pareho kaming napaluha.

Nagkataong kakadating lang ni Warren at nakita nya na magkayakap kami. Ewan ko kung ano ang nasa isip nya basta bigla syang umalis para bumalik sa bahay. “Sige na Kriz. Tama na ang yakap baka magbago pa ang isip mo. Hehe.” 

“Sira ka talaga! Sige na, baka ma-late ka.” 

Bago sya umalis, pinunasan nya ang luha ko.

Nagbyahe ako pabalik sa bahay at nabigla ako nang nakita ko si Warren. Nakaimpake  ang gamit nya. “Dumating ka na pala. Kamusta naman ang meeting?” 

Don't Wake Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon