Runaway and stay

51 4 0
                                    

Minsan sa ating buhay, napapasama tayo sa lakad ng ating crush, dahil na din sa closeness ninyo. Minsan na iisip mo parang date nyo na yun. Pero ang totoo sinamahan ka lang naman talaga..or sinamahan mo lang siya talaga.
Ako, naisip ko na rin yun minsan sa aking buhay.

Ang tawag dyan, Assuming. Hahaha

Masaya din naman, feels like pero hindi puwede. Hindi naman totoo na kayo. Maaaring kayo pero sa isip mo lang..tapos pag nalaman na nya break na kayo. Hahaha.

Masaya din mag assume pero pag uwi mo sa inyo... wala.. maiisip mo imagination mo lang yun. Mauulit pa kaya?

Hmmm bakit ba kung ano ano iniisip ko eh, may lalakarin lang naman kami ni sir at patungkol ito sa problema ko.

But wait a minute, bakit kaya ang bait nya sa akin? Pati sa ganitong bagay tutulungan nya ako.

Ay! ayokong mag isip ng kakaiba sa kanya.. (pero ginagawa na!) kaya ganun siya dahil He's just being nice maybe?

Nandito na ako sa tagpuan namin hihi ay! napagusapang magkikita lang. Haha, wala pa si sir pero maghihintay ako para na din makalaya na ako sa problema ko at ni nanay sa "mare" nyang hilaw! ay.. soon to be biyenan pala.

Yuck!
Ako? ikakasal kay Raynard eh wala naman akong feelings sa kanya eh. At malamang siya din ayaw nya!

Oo na oo na, may itsura nga si Raynard. Kaso lang itsura lang yun! Ano kung may kakaiba pa la syang ugali? At ayy!! naiimagine ko yung dila nyang palabas labas habang hawak yung gadget nya. Ewan ko kung ano pinapanuod nya. Eeehhh... Napansin ko ha?? Ang daldal na ng isip ko ah dami ko nang chika.. I must be so bored o hulaan nyo ang tagal ko na dito sa meeting place namin. Nasaan na kaya si Sir baka jino joke lang nya ko. Prank? Oo uso yung prank. Tatawa na ba ako? wait. Mag isa nga lang pala ako baka pagkamalan akong baliw ng mga tao sa paligid ko.

Uuwi na ba ako? O mag hihintay pa?

(Broooooommm!)

"Cher Ruby... sorry na late ng kaunti"

"Sir.. ok lang po" (nagliwanag ang mukha)

(Natingin si Ruby sa motorsiklong gamit ni Jun)

"Tara na Cher, sakay"

"Ah, sir... eto po gagamitin natin papunta doon?"

"Oo. Dapat kasi maaga tayo duon at marami ding mga kagaya nating guro ang pumipila duon (naalala na late sya) Ay! sorry talaga. Ako nga pala yun late haha! Kaya mag motor na lang tayo para mabilis tayong makapunta. "

Nakuuuu! ano ba yan! Kakasabi ko lang sa sarili ko na wag akong assuming pero itong puso ko mukhang nag aasume na. Hindi! walang ibig sabihin ang paghawak ko sa balikat nya."

"Ruby, sure ka dyan ka lang kakapit? Baka mahulog ka pag binilisan ko na"

Broooommmm!!

Nakakailang namang humawak sa baywang. Sa balikat na lang nga. Tahimik lang kami sa byahe. Ang layo pala ng pupuntahan namin!
Pero infairness, medyo kinikilig ako sa moment na to. Lalong pumopogi si sir sa paningin ko.

(At nakarating na sila sa bangko kung saan sila manghihiram ng pera "Teacher's Loan" nakuha na din nila ang halaga na kailangan ni Ruby upang makabayad sila ng utang sa mare ng nanay nya)

"Ingatan mo yan ha hindi na tayo gagala pa baka may alam mo na. Mahirap na ang panahon."

"Opo sir. Maraming salamat"

"Ano ka ba? Wag ka sakin magpasalamat. Dito sa bangko ka magpasalamat haha! Kailangan nga ba?"

"Yun nga po sir eh halos wala na kong su swelduhin nito dahil sa kaltas"

"Ok lang yan! Atleast may sagot na sa problema mo at hindi ka na magpapakasal kay ano kay... ano nga ulit pangalan nun?"

"Raynard po."

"Ah. Eh bakit ba ayaw mo sa kanya? Baka naman puwede mong pag aralang mahalin? hahah! joke lang. Kung kailan nandito na ang sagot sa problema mo eh saka ako nagtanong ng ganito, baka ibalik mo pa yung pera sa bangko haha"

"Si Sir talaga! Pero seryoso po. Hindi ko kasi siya kilala ng lubos hindi ko naman po sya naging kaibigan"

"Pero puwede?"

Broooooooooom!

Ou nga no? Bakit sa pagmamahal mahirap ibigin yung tao na hindi mo naman naging kaibigan? Masarap namang mahalin yung taong naging kaibigan mo na sobrang naging close mo. Yung tipong lahat na yata sa buhay mo naibahagi mo sa kanya.... Pero minsan nakakatakot din kasi baka pag sinabi mong mahal mo siya nang higit pa sa isang kaibigan ay magulat ka. Magulat..... As in magulat sa tunay na lagay mo sa kanya.

Na Kaibigan ka lang talaga.

Hindi ko naman nilalahat. May iba naman na nagpatuloy ang pagiging friends kahit na friendzone yung isa. Ay! Ang pag ibig! Nakakatuwa. Walang tamang formula para ma develop ito, iba ibang kuwento, iba ibang storya. May masaya, may malungkot may nakakatakot---nakakatakot na mawala ka.. kaya oo payag na ko, friends lang tayo.

(Matapos ang maraming oras, ligtas na naka uwi si Ruby sa kanilang bahay. Kabababa lamang niya ng motorsiklo ay nakita na nya mula sa malayo, sa kanilang tahanan ay nandoon si Raynard at ang nanay nya na tila yata may pinag uusapan. Masaya sila)

"Ruby, sila ba yun?"

"Opo sir, yun si Raynard."

"Haha. Wala namang hawak na cellphone ah?"

"Sir talaga syempre kausap si nanay eh.. "

"Oh handa ka na bang ipakita yang pasabog mo? Haha! Ibigay mo na yang pera para quits na."

"Opo sir. Salamat."

"Aalis na ako."

"Sir huwag po! Tara muna at mag juice sa amin"

"Naku, nakakahiya naman nandyan pa yung biyenan mo. Haha"

"Sir?! " (medyo nainis)

"Joke lang. Sige dito na lang ako sa labas"

(Pumasok si Ruby sa bahay nila)

"Anak. (nagmano si Ruby sa kanyang nanay)
Anak.. Napagkasunduan na namin na sa susunod na taon ang kasal nyo para mapaghandaan nila ang kasal nyo... ang pamilya na ni mare ang bahala. Diba mare?"

"Oo, Ruby balak kasi namin sa Tagaytay kayo ikasal naku iimbitahin ko naman ang mga kaibigan kong businessman ay! may listahan na din kami ng mga ninong mo at ninang"

(Natingin si Ruby kay Raynard at nakita nya na parang ayaw din niya sa nangyayari)

"Nanay?! Ano ba ito?"

"Anak, eto lang ang sulusyon natin. Mukha namang magiging masayang pamilya tayo."

(Nilabas ni Ruby ang sobre na may lamang pera at iaabot sa kanyang ina)

"Nanay... Hindi matutuloy ang kasalang ito."

"Ha? Nagbibiro ka ba Ruby? Ang nanay mo ay wala nang pambayad sa utang niyo sa aming pamilya."

"Seryoso po ako tita. Eto po ang bayad ni nanay sa utang po niya sa inyo. Nanay, sayo ko iaabot to para makita nyo po tapos paki bigay na lang po"

(Nanlaki ang mata ng nanay ni Ruby habang binibilang ang malaking halaga ng salapi. Gulat na gulat si Raynard at ang kanyang ina.)

"Anak. Paano ka nagkaroon ng ganitong kalaking halaga?"

"Huwag niyo na pong alamin basta po ito ay galing sa marangal na paraan. Nanay, gusto ko na din pong makalaya tayo sa kanila. Hindi ko po mahal si Raynard ayoko pong magpakasal sa kanya kaya eto na po ang bayad"

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon