Youth Sawi Fellowship

38 4 0
                                    

Ray Band, Ray Band....

"Hmm.. Ray Band? Louie seryoso ka?"

Sabagay.. Ray Band parang RayBan na salamin. Salamin upang proteksyon sa mata. Proteksyon upang hindi masilaw, maluha, mapuhing. Puwede din itong pantago sa mata mong mugto sa pag iyak.

Ha? Bakit ako iiyak? Lalaki ako. At saka matatanggap ko din na friend lang kami ni Mitch lalo na't may matibay na akong dahilan kung bakit kailangan kong mag move on.

May iba na sya. Wow parang naging kame.

Eh ano ba kasi ang ibig sabihin ng mga tawagan namin? Yung sweetness nya sa akin? Yung lagi nya akong pinapansin at care. Ano yun? wala lang? As a friend?

OK! Mali na ako. Umasa kasi ako sa tawagan namin. Bakit pa kasi Babe eh puwede namang POGI. Haha!

"Uy! Reggie, ano na? tulala? "

"Ah.. Louie haha hindi no!"

"Madami ka iniisip pre"

(isang kabanda) "Madami nga ba o iisa?"

(Ray band) Hahahhaha

Talaga tong mga to ina alaska pa ako.

"Nga pala Louie, mga par.. bukas may gawain ang kabataan sa church kung saan ako nag da drums. Malaking activity namin ito ever! Pinaghandaan namin talaga. Baka naman gusto nyo sumali?"

"Pre, susubukan ko ha?"

"Ganyan ka naman Louie eh, basta subukan mo ha?"

"Oo pre. Sayang no? puwede sana nating ayain yung mga kaklase natin"

(isang kabanda) "Oo nga si Mitch."

(Louie) "Ops Ops Ops! 😂😂 "

"O sya sya! kita kits mga par!"

(At umuwi na sila sa mga bahay nila. Kinabukasan sa school, nagulat si Louie kasama ang mga ka banda nya sa nakita nila kay Reggie.)

"Mga classmates! iniimbitahan ko kayo sa aming simbahan mamayang 4pm para sa isang malaking fellowship para sa mga kagaya natin. Maganda to! Masaya to!"

(classmates) "Reggie, ano ba yan?"

"Youth Sawi Fellowship"

(nagbulungan ang mga kaklase niya) "Youth Sawi?? Wow! parang ang cool nyan ah!"

(Lumapit si Reggie kay Mitch)

"Mitch, punta ka ha?"

(Nagulat si Mitch na nilapitan sya ni Reggie with stars shining in his eyes na tila nangungusap na sana... pumunta sya)

"Oh.. o.. oo?"

(Nag ning ning ang mukha ni Reggie sa tuwa nang marinig nya ang matamis na Oo ni Mitch...na sumama sa fellowship mamaya)

Ang sarap ng feeling na marinig ang OO nya. 😊😊😊
Sana, yun na lang din naging sagot nya nung sinabi kong mahal ko sya at puwede ko ba syang ligawan. Pero hindi... hindi na bale! Basta aasahan ko ang pagpunta ni Mitch mamaya.

(Ray band) "Pre! Congrats!! hahahha"

Ang saya ko ngayon! Aasahan ko yan.

(Natapos ang oras ng klase umaga at hapon. Oras na ng uwian. Dumerecho agad sa Church si Reggie upang ihanda ang kanyang drums maging ang sarili nya na mag pa pogi. Excited sya sa mga inimbitahan nyang mga kaklase at lalong lalo na ang pagdating ni Mitch)

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon