Best Friend

65 5 0
                                    

Jolly person ako.. Kaya pag may pinagdadaanan ako, nahahalata ng mga taong kilala talaga ang ugali ko.

Sayang, dati she was the first person to identify my feelings, kung may dinadala ako. Kung may problema, o minsan kung gutom ako. Di kasi ako talaga nagsasabi pag may problem ako, ang gusto ko, magpasaya sa iba. Ayoko silang mag alala. Pero siya, kahit di ko sabihin alam nya. Bestfriend ko sya.. Babe.

Ngayon, ang hirap na yata maging kagaya ng dati. Bakit ba ganun? Sana pala hindi ko na sinubukan na maging more than friends kami. I just take courage, tutal bestfriend naman kami, wala daw makakasira ng closeness namin. Pero ngayon, iba na. Iba na sya.

Mag isa ako ngayon dito sa row namin, wala pa si teacher. Late nang dumating si Babe. Akala ko titingin siya sa akin, umiiwas na siya. Akala ko uupo sya sa tabi ng upuan ko pero dun na sya sumama sa mga babae nyang kaibigan.

Okay lang yan sabi ko sa sarili ko. Mababago din ito. Sana lang hindi magbago palayo. Babe, bestfriend tayo diba? Sorry kung may naramdaman ako sayo. Dapat pala hindi na ako naglakas loob, kung pag layo mo naman ang kapalit.

Naluluha na ang mata ko pero pinipigilan ko lang. Pinipilit kong ngumiti para mukhang normal padin ang lahat. Lahat ng ala ala natin dito lang sya sa isip at puso ko.

Hirap....

"Pre.. Pre.. Ok ka lang?"

"Oo pre.. "

"Tahimik ka ata, uminom ba kahapon?"

"Naku, hindi ako umiinom diba.."

"Tubig pre! Hahaha. Sama ka samin, mamaya gawa tayo banda. Diba tumutugtog ka ng drums?"

"Oo sa church namin. Minsan invite kita."

"Pre, try ko. Pero mamaya pwde ka?"

"Sige pre."

"Sama ka na ngayon samin.. nag iisa ka diyan. "

"...pre kung anu man yan, nandito kameng tropa mo."

"Salamat Louie"

Natapos ang umaga't hapon ng klase sa school at natapos ang araw na wala ni isang ngiti mula sa kanya. Babe talagang iniiwasan mo na ako. Kahit na nagjoke si sir patungkol sa ating dalawa na pinagpartner tayo sa kanyang halimbawa sa leksyon niya.. Kinilig ang mga kaklase natin at kahit ako nang patago pero ikaw sabi ni Louie NR..as in No Reaction ka daw. Napansin ko nga.

Ang lakas mo nang mailang sa akin. Pero alam mo, kahit anong mangyari, kaibigan padin kita. Ikaw padin si Mitch na bestfriend kong Babe ☺😊

Hahayaan na lang muna kita na lumayo sa akin kung saan ka masaya at di naahihirapan. Pasensya na kung minahal kita at sinubukan ko lang naman na manligaw sayo pero ganun talaga.... Kaibigan mo lang ako.

"PRE!! hahaha tulala !!"

"Kagulat tong si Louie oh. Hahaha"

"Wag mo dibdibin yan, babae lang yan."

"Parang di to nagka girfriend."

"Oo pero para hindi masakit, huwag masyadong seryosohin.... Pero totoo lang masakit din noong iniwan nya ako. Pero bago pa nya gawin na makipagbreak sa akin, alam ko naman na gagawin nya yun"

"Ano ba ang dahilan ng break up nyu ni Rhianne?"

"Pre, parang may iba siya. Lagi syang may ka text na lalaki. Sa totoo lang sila na nung Alfred"

Mga babae talaga.. Ano ba ang hanap nyo sa isang lalaki? Hamu na. Okay na yun. Iniisip kita Babe sana masaya ka ngayon sa bago mong grupo. Ako eto masaya na din sa grupo ni Louie.

"Pre pareho pala tayong sawi."

"Okay lang yan..okay lang yan."

"Oh ano, tara na sa studio, makapag praktis ng banda."

"..teka ano ba papangalan natin sa banda natin?"

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon