ML o Ako?

19 3 0
                                    

"Double Kill!"
"Triple Kill!"
"Maniac!"

"Savage!!!"
"WIPED OUT"

Yesssss!! Hwoooh mga b*b* kayo! Weaaak!

3:00
4:00
5:00
6:00
7:00

"Tita, uuwi na po ako.. "

"Oh, nakapag usap ba kayo ng anak ko?"

"Tita, hindi po (naluha)"

"Sa tagal nyong magkasama, hindi kayo nag usap?"

"Opo.."

"Impossible naman yata ang sinasabi mo Gelyn?! Alas tres pa lang ay nandito ka na at hinayaan ko kayo sa kuwarto. Wala bang kahit anong nangyari sa inyo?!"

"Tita bukas na lang po ako babalik"

"Sige iha... mag iingat ka."

Dear Diary,

Nakakalungkot naman.. 1st anniversary pa naman namin pero parang Oo... kasama ko siya pero parang malayo siya sa akin. Masakit isipin na akala mo may special na magaganap sa inyo pero mauuwi lang sa ayun naka tambay lang ang pisikal kong katawan sa tabi nya nag durugo kanina pa ang aking puso pero pag nakikita kong masaya siya sa ginagawa niya ay lalo akong nasasaktan. Nasasaktan? Pero ok na din yun, makita ko lang siyang masaya ay OK na din ako.

Sabi ng mga kaibigan ko magpasalamat na lang din ako dahil hindi ibang babae ang kinababaliwan nya.. atleast daw wala siyang iba. Ok atleast I do settle for this!

Congrats nga pala malapit ka nang maging Mythic pero tila ba ang puso mo unti unti nang nagiging malayo na sa akin... pero nakakalito!! Kasi sabi mo nung huli tayong mag usap nang matino ..probbably last month ay Ako lang ang mahal mo.

Yun na nga lang ang pinang hahawakan ko eh! Hindi ko alam.. Bakit pa ba ako nagpupumilit sayo? Dahil ba mag anniversary tayo sayang matagal na din tayo sayang ang mga araw at buwan kung uulit naman ako sa piling ng iba..... ganun ba?

Hindi. Alam ko sa sarili ko kaya ako pilit na kumakapit pa ay dahil ikaw lang ang pinili ng puso kong ibigin.

Masaya daw magmahal.. pero bakit ako nasasaktan? Games lang naman yun ah? Feeling ko tuloy ang babaw ko.. nagseselos ako sa games haha. Sige na, bukas na lang ulit. Matutulog na ko. Good night.

(Kinabukasan..... 3am.)

"Gelyn anak, ang aga aga bakit gising ka na?"

"Ma, #MommyGoals ka talaga.. "

"Bakit naman anak?"

"Yung ibang magulang kasi gusto nila maagang nagigising ang anak nila ikaw naman po gusto nyo pa kong matulog"

"Eh alas tres pa lang kaya anak baka naman humina ang katawan mo... bitawan mo muna yang hinihiwa mo at ang aga mong magluluto jusko! May ari ka ba ng karinderya?"

"Hahaha mama talaga.. "

"Napakasipag mo talaga anak. Suwerte sayo si Raynard."

"Opo.. suwerte nga"

Ang suwerte nya sa akin... kaso ako feeling ko hindi. Pero patuloy padin akong magmamahal sa kanya. Actually etong lulutuin ko ay para sa kanya baka pag natikman nya ito ay magbago na sya sa akin marealize nya kung gaano ko siya kamahal!

Sumali ako sa isang Facebook group na kung tawagin ay "Samahan ng mga girlfriend na mahilig sa ML" baka kasi maintindihan ko kung bakit ganun ang ugali ngayon ni Raynard. Sabi nila, maganda daw ay sabayan ko nalang siya sa hilig nya... para may bonding kami. Naisip ko.. Oo nga. Kaya nag install ako ng ML sa aking cellphone.

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon