The Modus

107 5 0
                                    

Teka, June 12 ba? Bakit gusto nya ng kalayaan.. Malupit ba? Hindi naman ah..

Kung titignan mo, mabait naman sya, masipag, maka Diyos, maka kakalikasan, makatao at makabansa.. Parang bayani, bayani ng pag ibig. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang pintig ng puso sa sinisinta.
Lahat ng mabuting katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Pero wala ni isa ang sumagot sa kanya ng Oo..tayo na. Mahal kita. Bakit?! Bakit ganyan kayong mga babae? Dahil ba sa hindi sya tall dark and handsome ay friends na lang?

"May magmamahal ba sa akin? Hmm.. Okay lang yan, ayaw nya sakin e. Sige friends na lang kami ni Babe."

Babe na ang naging tawagan nila dahilan sa sobrang close na nila sa isat isa. Nariyan ang laging magkausap, magkatabi sa classroom, pati sa recess magkasama, sa kopyahan sa uwian atbp. Pinagtutuksuhan na nga sila e. Pero talagang friends lang..
Friends with tawagan.

Lakas maka misinterpret ng tawagan na yan noh.. Nabiktima ka na rin ba nyan? 😅

"Sa kabila ng lahat.. Modus lang pala nya yun. Pero ayaw kong isipin na na modus ako"

"Umasa ako ng kaunti na may pagasa kami dahil sa babe babe na yan. Oo babe na! As in baboy..taba. Lalaki akong mataba, maraming taghiyawat as in tagHIYAWat.. Naghihiyawan sa dami, parang pagmamahal ko sayo naghuhumiyaw ang puso ko. Pero hindi pala ako ang tipo mo."

"Nag assume ako"

"Babe tatanggapin ko na na binasted mo ko at friends lang tayo. Sana huwag kang maiilang pag pumasok ulit tayo sa school, pag nakita kita."

Walang maiilang. Pero iiwas.

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon