Partner Number 3

29 4 0
                                    

"CHA 9234"

Ano ba yan, wala naman yata yung partner ko.. Nagtanong na ko sa mga katabi ko. Nakakahiya naman kung wala akong partner.

Pati ba naman dito?! Ipaparamdam talaga sa akin na wala Hahaha.

Wala? Eh diba nga't si Mr.Secret eh gusto ko? (nangilabot ang balahibo ni Ruby)

Eeehh! Choosy lang masyado? Hmm sino nga ba kasi si Mr.Secret? Pag nalaman ko kung sino sya....

Ano nga ba ang gagawin ko?
a.matatakot
b.matutuwa
c.magagalit
d. ma fo fall sa kanya (Eehh?!)

Ay! Ay! ano ba tong iniisip ko! musset!

"Ah kuya? CHA 9234?"

"CHA 9234... "
"Ay partner tayo."

Sa wakas! Nahanap ko na din ang partner ko. Ahaha kung titignan ko tong partner ko eh parang bata pa.. nasa 19 lang ito. Ay! sus bakit ko ba sinisipat tong bata na to?! Ano ba jowang jowa na ba ako?! Nandito naman si Mr. Secret ah hahaha

Nakakainis na din minsan tong sarili ko eh mantakin mo, pati sarili kong utak inaasar ako.

Tamo tong partner ko matapos tanungin yung pangalan ko, hindi naman yata ako nadinig at busy sa kaibigan nyang mukha yatang walang partner.

"Ahh kuya, wala syang partner?"

"Pre! wala pa ba? (Tumingin kay Ruby)
Oo wala pa eh.. naku! Ganun yata talaga naka tadhana na yata siyang mag isa hahaha....walang forever haha"

"Hahaha.. Pano mo naman nasabi kuya? Ang forever kaya mahahanap lang yun pag hindi ka sumuko."

"Sabagay ate.. pag nagtiyaga mahahanap din ang pinapangarap."

"Eh minsan nga yung pinapangarap mo hindi naman yun ang napupunta sayo.. I mean hindi mo ineexpect na mas better pala yung mapupunta sayo."

"Oo nga ate, kaya lang minsan kasama mo na syang ka forever mo pero nawawala ding bigla.. kaya walang forever"

"Ay iba ka kuya ah ... pinaglalaban mo yang walang forever mo. Haha! May forever pero depende yun kung walang bibitaw at walang mapapagod"

"Ate, hugot na hugot ah hahah"

"Hindi naman... 😊 ikaw nga yung kanina pa humuhugot na walang poreber eh!"

"Hahah hindi para sa akin yun! Para don sa kaibigan ko tamo wala pa ding partner"

"Kawawa naman yung kaibigan mo...ano ba ang nangyari sa kanya?"

"Baka sabihin mo chismoso ako pero sige na nga.."

"Ahahahha"

"Parang binasted sya ng nililigawan nya. Eh ayun hindi naman basta napiling ligawan yun, bestfriend sila dati nung niligawan nya."

"Awts! Yan ang hirap sa boy bestfriend at girl bestfriend eh... sa sobrang close eh may isang na fo fall."

"Minsan din kasi tong kaibigan ko hindi nag iingat sa feelings nya dami daming babae eh sa best friend pa talaga. Puwede naman kasing bestfriends lang talaga."

"Kung sabagay. Depende pala yun sa magkaibigan ano? Pero kawawa naman siya hanggang ngayon wala pading partner. Sa Youth sawi fellowship na to eh na sawi din sya 😂"

"Ahahha ang bad mo ate! hahaha naisip ko din kaya yon"

"Tara asarin naten.. hahah joke!"

"Tama hahahha!"

(Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan nila Ruby. Lumipas ang ilang minuto ay wala pading kapartner ang kaibigan ng kapartner ni Ruby. (see part 6) Kaya naisipan na ni Ruby na ipatawag na lang yung kaibigan ng kapartner nya para makasama nila)

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon