Love Teams and the Third Wheel

7 3 0
                                    

(Natapos ang performance ng Ray band at bumaba na sila sa stage. Nilapitan ni Reggie ang table nila Ruby at Gelyn.)

"Ma'am.. ikaw nga po yan 😊"
"Oo, wow! galing nyo naman. Dito pala tumutugtog ang banda nyong Ray band "

(Dumaan si Maricelle...)

"Opo ma'am... Eto po pala si Maricelle, bagong kasali sa band namin sya yung vocals... Kapatid ko po"

"Hello.. Ruby nga pala.. Eto si Gelyn kaibigan ko"

"Nice meeting you, friend ka po ni Reggie?"

"Oo.. friends kami.. Ok lang ba kung wag na kayong mapupo sa akin kasi feeling ko ang tanda ko talaga tuloy hahahha"

(Reggie) "Oo nga pala. Haahha. Anyway, kamusta naman siya (tinuturo si Gelyn gamit ang nguso)"

(Ruby) "Ah, naku... nasawi sa pag ibig kaya umiiyak at ..."
(Gelyn) "Wag mu na ikwento Ruby okay lang ako! Huhuhuhu!"
(Reggie) "Okay pala sya nyan 😂"

"Pare!"
(Pumasok si Louie sa eksena kasama sila Joel at Sam upang magpaalam na uuwi na sila)

(Reggie)"Uy pre!"
(Louie)" Mauuna na kaming umu--- (nakita niya si Ruby)"
(Reggie) "Siya yung nakasama natin sa Youth Sawi Fellowship"
(Louie) "OY!"
(Louie) "Sam Joel, mauna na pala kayo..."
(Sam Joel) "Geh Pre!"
(Louie) "Hi... di ko nalaman yung pangalan mo noon"
(Ruby) "Oo nga eh ikaw din kaya.. Nauna ko pa ngang nalaman pangalan nitong si Reggie haha"
(Louie)" Okay na siya ngayon haha"
(Ruby) "Ay talaga!? Naka move on na si Reggie 😂"
(Reggie) "Oh teka lang oh baka nanaman hindi kayo magtanungan ng pangalan ngayon."
(Louie) "Louie nga pala. Louie Gie Robles"
(Ruby) "Ruby.. Rubylane De Leon ... sya nga pala kaibigan ko si Gelyn..."
(Reggie) "Ayan, kumpleto pang pangalan. Hahahah"
(Louie) "Ay! natatandaan kita.."
(Gelyn) "Huh? Ikaw nga din parang familiar ka"
(Louie) "Ah!"
(Gelyn) "Natandaan mo na?..."
(Louie) "Ako yung nabunggo mo nung isang araw tapos ako yung nag sorry tapos humugot ka na"
(Gelyn) "Oo ... natatandaan ko na! (nangiti na siya)"
(Reggie) "Kahusay ni Pareng Louie, daming kakilala ah pero hindi alam kung ano ang pangalan... hahahah"
(Ruby) "Hahaha! nakakatuwa pala ang pagpunta namin dito magkaka alaman pala ng pangalan dito"
(Reggie) "Ibig sabihin desitiny nyo yun makilala sila ngayong araw na ito. Este! kilala na nga pala..."
(Ruby and Reggie) "Hindi lang alam ang pangalan.. 😂🤣😂"
(Reggie Ruby Louie Gelyn) "HAHAHAHA"
(Maricelle) "Uy mukhang masaya yata ang usapan sa table na to ah?"

(Nagkaroon silang lima ng masayang kuwentuhan dahil sa nangyaring pagkaka alaman ng pangalan. Dati pa kasi silang nagkakilala pero hindi lang alam ang pangalan. May ganyan din ba kayong karanasan? Kilala lang sa mukha? Naging masaya tuloy ang pagpunta nila Ruby at Gelyn sa Muzik Bar imbes na tuluyang naging malungkot ay nagkaroon ng bagong pagkakaibigan.)

(Maricelle) "Guys, my birthday is near... its just a week nalang. Gusto nyo ba tutal matatagal na pala kayong magkakilala and nakilala ko naman ang aking kapatid na si Reggie after many years eh why not gumala tayo as one group? Sagot ko na ang transpo gamitin natin ang car ni mama... Ano game?"
(Reggie) "Sige ba! Diba pre!"
(Louie) "Sige... saan ba tayo pupunta?"
(Ruby) "Ok lang ba sa mga mga thrill rides yung ganun"
(Maricelle)" Oo masaya yun! sumakay tayo ng Space Shuttle 😆 at mga nakakatakot na rides para malaman kung sino ang tunay na matapang hahaha"
(Gelyn) "Maisigaw ko yung galit ng aking nadarama sa aking ex"
(Louie)"Yun pala eh ayos! makatulong tayong maka move on si Gelyn... ayos yan"
(Maricelle) "Game na tayo diyan ibig sabihin?"
(Reggie) "Sa amusement park tayo"
(Reggie Ruby Louie Maricelle Gelyn) "OKAAAAAAY!! WOOOOTT!!!" (nag apir apir)

(Maricelle) "Oh eto ah wala nang atrasan."
(Ruby) "Save the date para sa birthday ni Maricelle at Oplan move on ni Gelyn"
(Louie) "At Brother-Sister reunion nila Reggie at Maricelle"

(Nagkapalitan ng numero ang mga bagong magkakaibigan at nagpatuloy pa ang kuwentuhan hanggang sa nagka ayaan na ding umuwi.. Lahat ay excited after next week dahil sa birthday ni Maricelle....)

(POV Louie)
"Pag nagpartner partner sa Amusment Park eh edi
si Reggie at Maricelle... ay! magkapatid yun! dapat hindi sila partner.. hahah dapat kame! ehem."

"Louie-Maricelle 💕
Gelyn-Reggie.... puwede, parehong sawi hahaha😆
Ay si Ruby!🤔🤔🤔🤔 ahmm Siya ang Thirdwheel....

WAHAHAHAHHA..."

"Excited na ko Maricelle... reregaluhan kita" 💕

(Ambisyoso. Assumero)

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon