Accidentally Meant to Be

69 5 0
                                    

Suko na yata ko... Ayoko na..

Ang bawat araw na lumilipas ay parang 10 taon. Oh ayan nanaman ang isip ko, oo 1:10 ratio-han pa. Bawat araw parang ang hirap lampasan.

Sabi ko i'll let go pero some part of me is telling me to hold on. Narito na ako, wala na yatang atrasan...pero sana mayroon pa.

"Teacher Ruby, kaya mo yan.. Pag may tanong ka, lumapit ka lang sa akin. 😊"

"Opo Teacher Jun. Salamat po"

Buti na lang, may moral support ako dito sa kasamahan kong guro. Marahil naranasan din niya ang hirap ng isang baguhan. Salamat sir, hindi ko nararamdaman na nag iisa ako.

May ngiting nakikintal sa aking mukha sa tuwing nakikita ko sya, gumagaan ang ang kalooban at nawawala ang stress sa sandamakmak na makukulit na bata at maging ang paper works at kung anu anu pang kailangan tapusin na may kinalaman sa aking trabaho.

Natatapos ang araw na nakakaya ko. At kinakaya ko para sa napiling propesyon.

(Uwian na at mag isa na lang si Ruby sa kanyang classroom, pumasok si Jun)

"Hi teacher Ruby, kamusta ang araw mo?"

" okay naman sir, kinakaya ko po. At nagagamay ko na. Salamat po."

"Oo ganyan talaga sa una.. Pag naka isang taon ka na dito, kayang kaya mo na."

"Aheheh. Salamat po sir sa encouragement. 😊"

"La yun, nanggaling din ako sa ganyan at alam ko ang pakiramdam mo."

Sir.. Sana nga alam mo talaga ang pakiramdam ko.

"Btw, teacher Ruby.. Tips ko lang .........(shares his tips)"

"Salamat po sir"

"Namumupo ka pa dyan teacher, ilang taon ka na ba?"

"Sir 26 po.."

"Ay di naman pala tayo nagkakalayo.. Ako naman 27 pero kaka birthday ko lang nung March"

"Wow sir belated"

"Sayang wala ka pa nun, nakatikim ka sana ng handa. Hahaaha"

" sir bawi na lang next year hahaah"

"Anyway, Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kabila ha. "

"Opo. Salamat."

Nakakapawi talaga ng pagod pag may inspirasyon..

Pero huwag mawala sa akin ang tunay na dahilan ng aking pagpapatuloy sa pagiging guro. Ang makabahagi ng aking buhay sa mga bata para sa kanilang pagkatuto. Maka ambag ng aking kaalaman at maihubog ang mga mag aaral hindi lamang sa isip, maging sa pananaw nila sa buhay... Ay hindi po ito seminar o speech.. Nag sasalita lang ang isip ko. Haaay basta sir, inspirasyon kita .. Puwede namang minsan may kaunting charot sa buhay para sumaya ahahahhaa ❤

Is this a crush? hahahaa.

"Teacher Ruby, tara na.."

"Sir, uuwi ka na po?"

"Oo, sabay ka na.."

Ay..sasabay.

"Sige po"

(Naglalakad sila nang sabay at nagkukuwentuhan palabas ng paaralan.)

Napakasaya ko naman may kaibigan akong ganito sa aking trabaho. Si sir Jun?
Well.. Mabait.. Supportive, hindi mayabang kahit na matagal na sya sa pagtuturo, magaling sa mga bata. Ang cute kaya nun, lalaking malapit sa mga bata..malamang teacher. Hay!
Ako talaga.. Natorete nanaman. Haha joke.

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon