Envious

10 3 0
                                    

1 message received

Hi Ruby, salamat nga pala nung nakaraan sinamahan mo ako. Basta tnx! May sasabihin kasi ako eh pwde ba tayong magkita?

toot tururut

No problem Gelyn, saan ba?

(Nagkita ang dalawa sa plaza. Medyo hindi gaanong matao duon walang masyadong maingay. --Yun ang akala nila.
Dumating sila na tila nag iba ang ihip ng hangin sa plaza.)

"Bakit ang daming lovers dito?!"

(Nakakaloka! Parang nananadya ang panahon. Ang daming magkasintahan ang nag upo sa bawat benches. Kanya kanyang moment. Kanya kanyang hawak ng kamay... yakap.. kiss.. Yung iba may flowers pang hawak. Sabagay masisisi ba natin sila? Eh napaka ganda ng plaza! Malinis..Maganda ang tanawin perfect pang pictorial for your IG posts 😆)

"Gelyn? Hindi ba parang nakaka asiwa sayo ? Haha??"
"....."
"Gelyn?"
"....."
"Ge???"

"SWEET SWEET PA KAYONG LAHAT DITO! MAG BE BREAK DIN KAYO!!!!!!!!!" (sabay walk out)

(Nung oras na yun parang gusto na lang ni Ruby na bumuka ang lupa at kainin siya nito sa sobrang hiya pero syempre dahil magkaibigan sila ni Gelyn, hindi nya yun pinahalata. Nakitakbo na lang din siya)

"Gelyn anyare sayo?! HAHAHA! Luka ka bakit mo sinigawan yung mga tao doon?"

"Nakakainis! Nakakainis! bakit unfair ng life! kung sino pa tong nagmamahal ng totoo sya pa ang binabalewala!!"

"Sure ka ba na hindi totoong nagmamahal lahat ng nandoon sa plaza? Diba hindi natin alam?! di natin alam buhay nila... Yun lang, wag sana sila madamay sa nararamdaman mo ngayon. Kaso medyo awkward nga yun sayo parang nang iinis noh?! puro sila lovers?!? hahaha"

"Ruby, gusto kong makalimooot!!! Kahit saan ako pumunta naaalala ko lang siya kasi may ala ala kami doon sa mga lugar na yon... Noon! nung mahal pa nya ko't may oras sya sa akin."

"O sige sige gusto mo mamundok tayo."

"ay.. isipin ko. Mag inuman na lang tayo!"

" Hala! mag inuman ba?! Hindi pwede, teacher ako. Baka may makakita sa akin.."

"Gabi naman tayo iinom at saka hindi tayo dito sa barangay natin iinom.. lalayo tayo. Ok ba yun?"

"O ................. sige na nga! Para sayo Gelyn. At saka gabi ha yung hindi tayo makikita hahah. What if.... sa disenteng beer house tayo pumunta?? I mean .. sa bar ganun?! yung walang gumigiling na babae 😆"

"O sige mag sesearch ako" (Kinuha ang cellphone)

"Naku! Umiinom ka ba talaga Gelyn?!"

"Hindi! Gusto ko lang mag try NALULUNGKOT AKOOO! pls Ruby! Samahan mo ako!!! Kahit teacher ka"

"Hahahahah tao din naman ako pero dahil kaibigan kita e sasamahan kita."

"Eto! Dito tayo mag bar! Sa Muzik Bar bale resto din sya ... disenteng tignan 3 sakay ng jeep mula sa atin."

" O sige dyan tayo mamayang gabi .."

(Sumapit na ang gabi at nagpunta sila Gelyn at Ruby sa Muzik Bar... Doon naglabas talaga ng sama ng loob si Gelyn. Umorder sya ng umorder ng inuming nakakalasing.. at si Ruby naman ay kain ng kain ng pulutan..pero umiinom din)

"Ruby, dinadaya mo ko eh! Puro ka pulutan... uminom ka din kagaya ko... Sa pag ibig lang ako talaga na dadaya pero ....letse talagang mga lalaki yan! huhuhu! Bakit hindi mo pa din ako hinahabol?! bakit ganun Ruby?! Bakit hindi man lang nya ko kinokontak kahit Active Now sya sa fb...Hinihintay ko lang naman sya e! huhuhuhu Wala na yata talaga kami!"

(Nariyang umiyak, tumawa, umiyak tapos magagalit.. parang baliw si Gelyn sa mga ginagawa nya. Ganito ba ang nagagawa ng sawing pag ibig sa isang tao? Buti na lang walang gaanong nakakarinig sa kanila dahil sa mga tumutugtog at kumakanta sa performances sa Bar na napuntahan nila.)

"Buwisit na ML yan! bakit naimbento pa!! (uminom pa)"

(Biglang tumahimik ang tugtugan... yun pala ay tapos na ang unang nag perform on stage. Kaya natahimik din si Gelyn na naghahalo na halos ang luha at sipon at beer... )

(Host) "Ladies and gentlemen, let's give it up to our next performer... The Ray Band!"

(Nagpalakpakan ang mga tao in a sosyal way)

(Nagsimula nang umawit sila Reggie at Maricelle kasabay ng pagtugtog nila Louie Sam at Joel.... Natingin si Ruby sa Ray Band... )

(Ruby) "Ray Band....??? Ray... Band.. parang nadinig ko na yung name na yun.. yung parang salamin ... hmmm??? haha?! Ay Oo!! duon sa nakilala ko sa church"

(Naaninag si Reggie...)

"REGGIE! REGGIE!!"

Loveteam And The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon