Third Journey

18 6 2
                                    

[Bgm: Fool Again by Westlife]

5 years after..

Ella's POV

"Nak,may bisita ka! Baba ka na dali!" Sino naman kaya yun? Nanalamin lang ako at bumaba na.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at kusang tumulo ang luha ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Best friend.."

Best friend..

Ang tagal kong hindi narinig yun..

Nandito si Aeron..

Yung bestfriend kong gusto ako pero hindi ko sineryoso..

Yung bestfriend kong umalis ng hindi nalalaman yung nararamdaman ko..

"I missed you so damn much!" He said as he pulled me into a tight hug. Tumutulo nalang ang luha ko..

Wala na naman akong masabi.

"Wag ka nga umiyak! Sorry hindi na ako masyado nakakapagmessage, you know what happened right? Kaya naging busy talaga ako" His explained. His dad died two years ago at sya na ang nagmamanage ng kumpanya nila. The first year he left was okay, we are always in touch but time really flies so fast naging busy na pareho sa trabaho lalo na sya.

"So,kumusta? Gumaganda ka lalo Ella"

"Ahh, ano. Okay lang. B-bakit ka umuwi?" Im trying to sound normal.

"Ayaw mo ba? Hindi mo ba ako namiss?"

Gusto ko..gustong gusto ko..

At miss na miss na kita.

"Hindi sa ganun!"

"Ikaw talaga. Umuwi lang ako para personal na ibigay to sayo..at sobrang miss na kasi kita!" Iniabot nya sa akin ang isang maliit na envelope.

"A-ano 'to?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam pero halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Ikakasal na ako bestfriend!" Masaya nyang sabi.

Parang sinasaksak yung puso ko. Parang ayoko buksan..dahil baka umiyak ako sa harap nya

"Wag ka malungkot hoy! Bestfriend pa din kita" sabi nya sabay punas sa pisngi ko.

Bestfriend mo pa din ako.. Bestfriend mo nalang ako..

"You will always be my girl after my mom. Open it!" Masaya sya..yung saya nya nakikita ko sa mata nya..

"Ella, ikakasal na ako. Isa to sa pinakaimportanteng mangyayare sa buhay ko at ayokong mawala ka dun.." Gusto ng sumabog ng luha sa mga mata ko. Gusto ko humagulgol sa sakit..

Huli na..

Im too late..

"S-saan? S-s-saang simba..han?"please don't tell me...

"Sa paborito nating simbahan! Diba sabi mo kapag ikakasal na tayo sa mapapang asawa natin dun tayo" the way he talks, he already moved on. It feels like kinalimutan nya na ang nararamdaman nya sakin dahil ang alam nya hindi ko alam..

"Ah oo..kelan to?" Ayokong makita nyang malungkot ako. Masaya na ang best friend ko..dapat masaya ako para sa kanya..

Naalala ko yung pag uusap namin ni Adam..

"Alam mo bang ito ang favorite church ni Aeron?"

"Oo alam ko. Bakit?"

"Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi favorite mo itong church na to"

"Alam mo kung bakit dito nya gustong ikasal?"

"Bakit? Dahil favorite nya dito?"

"Dahil dito mo gusto ikasal. Sa simbahan na to."

"Ha?"

"Gusto ka nya. Ibig sabihin ikaw ang gusto nyang pakasalan."

Akala ko ba ako..

Nagising ka na sa katotohanan..

Umasa ka lang sakin..

Aeron..sorry..

"Ella? Are you okay? Im really sorry kung hindi nako nakakapagmessage minsan. Naging busy talaga ako, tapos pagbalik ko dito ikakasal na ako ni hindi nga ako nakapagpaalam ng maayos nung graduation"

Aware ka pala.. Na naghiwalay tayo ng walang formal goodbyes..

"Okay lang. Buti hindi mo ako kinalimutan?" Pabiro kong tanong para mawala yung kaba ko at hindi mahalatang malungkot ako

"Walang araw na hindi kita naalala. Magmula nung highschool tayo hanggang graduation ng college. Lalo na yung mga happy moments natin.. "

Gusto ko maiyak sa mga sinasabi nya. Ramdam na ramdam ko.. Malinaw pa yun lahat sakin..

"You were part of my life.." Napalingon ako sa sinabi nya..

Were? Past tense..

"And you will always be.." Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Kunwaring tinitignan ang mga nakasulat sa invitation.

"Sinong maswerteng babae ang mapapang asawa mo?"

"Janine ang pangalan nya. Nakilala ko sa US, half-pinay sya. You'll be able to like her." Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"I hope so..pero wala na akong magagawa ikakasal ka na kaya sa kanya saka ko lang nalaman. Sa mismong kasal ko na sya makikilala." Paliwanag ko at ngumiti.

Hinawakan nya ang kamay ako tumingin ng deretso sa mata ko.

"Ella, I really do miss you a lot..I always makes sure your okay I always asked Adam and Mark. Im happy you're doing well. Nagbunga yung rejection mo sakin!Hahahahahaha! Look Im getting married. I hope you'll be able to find yours too. As your bestfriend, my rule will always be a rule I need to know the guy first okay? I am still your bestfriend. Im always your bestfriend. If you need me, make a call like you always do.." Hindi ko na napigilan mapaiyak..

"Lets go out sometime. I gotta go Janine's waiting for me. You are always one of my priority." Humalik sya sa noo ko bago lumabas ng bahay.

For the second time around..nangyare na naman 5 years ago..hindi ako makapagsalita, next thing I knew naglalakad na sya palayo sa akin..

Journey Of A Bestfriend..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon