Chapter 6: Me Myself and I
Pumasok ako ng school kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pinili ko na wag sumabay kay Kuya. Kaya pumasok akong mag isa.
Pag kaupo ko sa upuan ko ay kinausap agad ako ni Mish.
"Tanya okay ka lang ba?" Tanong niya. Tinignan ko siya
"Bakit mo pa tinatanong yan? Tanga lang ang magtatanong ng ganyan sa akin" sabi ko at umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag kagulat niya sa naging sagot ko.
"A-ano bang nangyari?" Tanong niya
"Wala naman" sabi ko "Tinalikuran lang ako ng mga importanteng tao sa akin" sabi ko
"You mean yung Papa mo?" Tanong niya
Tumango ako "Oo isa siya dun. Pero marami pang iba" sagot ko
"Sino naman?" Tanong niya
"Bakit ba ang dami mong tanong?!" Sigaw ko sa kanya
"Tanya ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya. Tinignan ko siya
"Bakit?! Tatalikuran mo rin ako tulad nila?!" Sigaw ko
"Tulad nila?! Sinong nila?! Can you please explain?! Para naman maintindihan kita" tinawanan ko lang ang sinabi niya.
"Ako?! Maiintindihan mo?! Mga kaibigan ko nga at Kapatid ko di ako maintindihan eh! Ikaw pa kaya?!" Sigaw ko
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya. Halatang pinipilit niya maging kalmado
"Just shut up! Di mo rin naman ako maiintindihan!" Sigaw ko
Napailing nalang siya
Natapos ang ilang klase ng hindi kami nag uusap ni Mish. I don't care though. Dahil sa huli ay tatalikuran niya rin naman ako. Just like what they all did.
Am I not enough? Bakit nila ako tinatalikuran? Bakit nila ako iniwan?
Naglalakad akong mag isa ngayon dahil may kailangan daw gawin si Mish.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Ellaine, Yannie at Celine. Iniwas ko ang tingin ko at dumiretso sa paglalakad.
"Tanya..." tawag ni Ellaine pero hindi ko iyon pinansin.
Simula nung tinalikuran niyo ako ay inalis ko na sa isip ko amg pagkakaibigan natin...
Hindi ko kailangan ng kaibigan...
Kaya kong mabuhay mag isa...
~~
Since that day nawala na ang dating Tanya...
Dahil ngayon nag iba na ako...
Dahil ngayon hindi ko kailangan mg ibang tao.
It's just me myself and I....
Flashback ends...
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. It's Sunday today.
Hindi ko na tinignan kung sino ang caller. Sinagot ko na agad ito.
"Hello?"
["Jusko po! Impakta!"]
Teka! Si Russ ba to? Tinignan ko ang caller. Siya nga
"What is it?"
["Wow! Taray na ah!"]
"Just tell me why did you call?!" Sigaw ko
["Gusto lang kita kamustahin. I tried to talk to you, pero lagi kang umiiwas o kaya naman ang snob mo"] aniya
"May sasabihin ka pa?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys And The Bad Girl
Teen FictionThe Five Bad Boys and Me 2 (Completed) The Five Bad Boys and The Bad Girl By: MsYoon_30 Tanya is not a simple girl anymore. She became someone that no one expect she'll be... It's a new life for her. New people... Will these people help her in ths s...