Chapter 31: Understand

2.2K 59 0
                                    

Chapter 31: Understand

Tanya's Point of View

Habang nanonood ng Korean drama sa iPad ko ay narinig ko ang boses ni Kuya mula sa baba. Kakarating niya lang siguro.

Pinag patuloy ko ang panonood ng biglang pumasok si Kuya sa loob ng kwarto ko. "Hoy Tanya"

I paused my iPad "Wae?" Tanong ko [Why?]

"Bakit inubusan mo ko ng hapunan?!" Sigaw ni Kuya

"Eh wala ka eh! Tsaka hindi pa ba kayo kumain ni Jude?" Tanong ko. Eh mukhang gumala naman sila eh "Gala kayo ng gala tapos hindi kayo kumain?!"

"Eh sino ba kasing nag sabi na Gumala kaming dalawa ha?!"

"Bakit hindi ba?" Sigaw ko

"Hindi" aniya

"Ha?! Eh saan kayo nagpunta?! Sa outer space?! Mula kaninang tanghali hanggang ngayon alas otso ng gabi nasa labas kayo! Tapos hindi gumala?!" Sigaw ko "Sinong niloloko mo!"

"Wala akong niloloko Tanya!" Sigaw ni Kuya "May inayos kami kasama sila Top" napatigil ako

"Top?? Yung kasama niyo sa Hawks?" Tanong ko. Tumango siya

"Yeah. Kaya hindi kami gumala okay?"

"Sorry na! Sana naman kasi mag text ka na dito ka kakain! Mag paluto ka nalang kay Mama!" Sigaw ko

"Wala si Mama. Gagabihin daw siya" sabi ni Kuya. Napatigil naman ako

"Eh di mag pa deliever ka nalang!" Sigaw ko

"Sagot mo?" Tinaasan ko siya ng kilay "Adik ka?" Sabi ko

"Sabi ko nga ako na eh!" Sigaw niya "Mag papa deliever ako ng pizza at wala akong bibigyan kahit ikaw!" Sigaw niya

Aalis na sana siya ng pigilan ko siya "Teka naman Kuya! Kapatid mo ko!" Sigaw ko

"And so? Ako magbabayad diba?"

"Eeh!" Sigaw ko "Alam ko na! Ako nalang ang tatawag! Pero ikaw ang mag babayad. Game?" Sabi ko

Natawa siya at napailing "Oo na!"

****
Kumakain na kaming dalawa ni Kuya ng pizza ngayon.

"Teka Kuya. Sa Saturday na ang birthday ni Jude ah" sabi ko

"I know"

"Ano daw plano niya?" Tanong

"Party lang sa bahay nila..." sagot ni Kuya habang kumakain

"Kasama ba sila... Nathan?" Tanong ko

Kuya shrugged "I don't know. Pero mag tataka sila Tita Jade kung wala sila dun" sagot ni Kuya

"They don't know na may problema kayo?" Tanong ko

"Yeah"

"Kuya..."

"Hmmm?"

"Hahayaan niyo nalang ba na ganto kayo?" Tanong ko. Napatingin si Kuya sa akin "What do you mean?" Tanong ni Kuya

"Ever since bilib na talaga ako sa pag kakaibigan niyong lima. Nasaksihan ko kung gaano kayo katibay. Kung paano niyo pahalagahan ang pag kakaibigan niyo. At hahayaan niyo lang ba na masira iyon ng misunderstanding?" Napaiwas ng tingin si Kuya "Kuya, ayoko lang na magsisi kayo sa huli. Because I know how it feels. Nagsisisi ako sa ginawa kong pagtataboy sa inyo dati. At mahirap ng ibalik ang dati, Kuya. Kaya sana, intindihin niyo nalang muna amg sitwasyon. Sa tingin niyo ba ginagawa ito ni Nathan dahil sa gusto niya lang? Hindi siya basta basta gagawa ng bagay na ikasisira niyo" sabi ko

"Pero yun ang ginagawa niya" sagot ni Kuya

"Maybe because he doesn't have a choice. Baka kaya ayaw niyang sabihin sa inyo dahil ayaw niya na madamay pa kayo.  Alam niyo ba kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya. May problema siya di ba? At kailangan niya kayo! Hindi niya kayo kailangan para may gawin kayo. Kailangan niya kayo dahil kailangan niya ang mga kaibigan niya na kaya siyang suportahan" paliwanag ko "Kuya, hindi ko kinakampihan si Nathan. Pero kailangan niyo rin isipin ang nararamdaman niya. Okay na ba kayo sa pag hindi niyo pag papansinan sa school? Samantalang dati, hindi kayo mapaghiwalay? And Nathan doesn't chose that Kuya! Dahil importante kayo sa kanya, at kailanman hindi niya pipiliin gawin ang isang bagay na makakasira sa inyo." Sabi ko "Just understand Kuya"

Pagtapos kong sabihin iyon ay umakyat na ako sa kwarto ko. I said that hindi dahil naawa lang ako kay Nathan. Sinabi ko iyon dahil gusto ko na magkaayos sila at alam kong yun din ang gusto nila. Kailangan lang nila intindihin.

Natatawa ako sa sarili ko. Samantalang dati ay hindi ko magawang umintindi. Inisip ko lang lagi ay amg sarili ko, noon. At sana, lahat ng problema at bagay na dadarating ay kaya ko rin intindihin. Dahil tao lang din ako, hindi lahat ng bagay ay maiintindihan ko.

Tulad ng panglolokong ginawa ni Papa sa amin. Because even though how many times I think about it, I just end up feeling the pain again.

It is just hard to understand when you are feeling the pain.

The Five Bad Boys And The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon