Chapter 5: Promises
"Tanya, buksan mo na tong pinto. Nandito sila Nathan" pagkarinig ko sa pangalan niya ay binuksan ko agad ang pinto at lumabas. Nilagpasan ko nalang si Kuya
Pag kakita ko kay Nathan ay agad ko siyang niyakap. Niyakap niya rin ako.
"Tanya..." Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Nako! Kung hindi kami pumunta dito baka nagliligpit pa rin ng kalat si Kurt mag isa!" Sabi ni Ate Gretch. Kumawala na ako sa yakap. Naupo kami ni Nathan sa sofa.
"Kurt, how's Tita Stella?" Tanong ni Nate. Tulala lang ako habang nag uusap sila.
"She's sleeping. Simula kahapon hindi daw siya nagkaroon ng maayos na tulog" sagot ni Kuya
"I still can't believe it! May anak si Tito Richard sa labas! At..." sabi ni Ellaine "May kapatid kayo sa labas"
Nag katinginan kami ni Kuya. Napa iling naman si Kuya. Pinunasan ko nalang ang mga luha sa pisngi ko. Pero tinanggal ni Nate ang kamay ko sa pisngi at siya ang nag punas nito.
"Stop crying baby..." bulong niya sa akin
"Nate paano na kami?" Sabi ko na lumuluha
"Shhh. I'm always here okay? Do you remember what you promised me?" He asked. Kumunot ang noo ko
"Huh?" Tanong ko
"You promised me that you'll always be happy because you want me to be happy, right?" He asked. Tumango ako at lalong umiyak. Niyakap naman niya ako.
"I'm just here Tanya. I'll never leave you..."
****
Days had passed....Sobrang lungkot ng bahay. Para kaming bumalik sa panahon nung iniwan kami ni Papa dati.
Ang iba lang ngayon ay mas masakit. Dahil inulit niya... dahil may anak siya sa labas.
Hindi ko pa rin matanggap na may kapatid kami sa labas.
Hindi ko alam kung paano ko siya tatanggapin o kung matatanggap ko ba siya...
Nagagalit ako... Sobra akong nagagalit dahil iniwan kamin ni Papa para sa kaniya... bumalik nga si Papa pero umalis ulit ito at siya pa rin ang dahilan.
I hate him/her... I'll never accept someone who ruined my family...
"Tanya, nakapag enrol na ba kayo?" Tanong ni Mama pag kauwi namin ni Kuya
"Yes Ma" sagot ko at umupo agad sa sofa.
Si Kuya naman ay dumiretso lang sa ref para uminom ng tubig.
Since the day na nangyari yun, hindi na kami tulad ng dati na maingay at madalas magtawanan at mg usap.
Feeling ko nga ay mapapanis na ang laway ko dito sa bahay.
Pero wala rin akong gana na magsalita at mamasyal.
"Tanya, papunta daw si Nathan at Yannie. May bago daw na kdrama si Yannie. She thinks you'll like it" tumango nalang ako sa sinabi ni Kuya
Umakyat ako sa kwarto ko para mag bihis. Halos isang linggo na kaming ganito. Wala kaming gana na gawin ang mga bagay bagay.This is what we felt years ago when Papa left us and now He left us again, but now, he left us with a big scar.
Sobrang sakit.
Pakiramdam ko ay hindi kami sapat para kay Papa. Hindi ba kami naging mabuting anak para sa kanya?
Is his Illegitimate child better than us? Than me?
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys And The Bad Girl
Fiksi RemajaThe Five Bad Boys and Me 2 (Completed) The Five Bad Boys and The Bad Girl By: MsYoon_30 Tanya is not a simple girl anymore. She became someone that no one expect she'll be... It's a new life for her. New people... Will these people help her in ths s...