Chapter 20: Chocolate
Kumakain kaming tatlo ng hapunan ngayon. Magkatabi kami ni Kuya habang katapat naman namin si Mama
"Kurt, bakit ang aga mo yata ngayon? Usually, kapag kayo ang magkakasamang lima, inaabot kayo ng umaga o kaya naman ay hindi na kayo umuuwi?" Sabi ni Mama
"Ah kasi..." sabi ni Kuya "May pinuntahan si Nathan. Kaya nabagot kami, nag uwian nalang kami" sagot ni Kuya
"Importante siguro yung pinuntahan ni Nathan..." sabi ni Mama
"Psh! Importante daw..." bulong ni Kuya. Hindi siya narinig ni Mama dahil nga magkatapat lang sila at kami naman ni Kuya ay magkatabi
Tinignan ko si Kuya. Napatingin din siya sa akin. Umiling lang siya
Ano yun? Sama ng loob? At kay Nathan?
Pagtapos namin kumain ay nag akyatan na kami sa mga kwarto namin. Nag unat ako at dumapa sa kama.
Saan naman pumunta si Nathan? It's very unusual. Pag sila ang magkakasama ang hirap nilang istorbuhin. It must be very important kaya kailangan niyang umalis.
"Tanya" napalingon ako sa tumawag sa akin. Pumasok si Kuya at naupo sa sofa ko. "What?" I asked
"Yung chocolate?" Tanong niya. Tinaas ko ang kilay ko
"You gave that to me. Kaya inubos ko" sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya
"You ate it all by yourself?! Tanga ka ba?! Uubuhin ka niyan!" Sigaw ni Kuya
"Tanga?! Syunga lang!" Sigaw ko. "Tsaka joke lang noh! Nasa ref yung tira ko. Marami pa yun. Bibigay mo tapos manghihingi ka rin. Ikaw itong parang tanga eh" sabi ko
"Hoy! Kuya mo pa rin ako! Maka tanga to eh!" Sigaw niya. Binelatan ko nalang siya.
"Tanya..."
"Oh?" Sabi ko
"Now that we're okay..." sabi ni Kuya "Will you now talk to everyone?" Napatigil ako sa tanong ni Kuya
"Maybe not now..." sabi ko "After everything that happened, I don't know if I have the courage to talk and apologize to them. I guess I still need time for it" sabi ko
Tumango si Kuya "Okay. But you don't need to worry too much. They understand you. They'll be glad if you'll be with us" ngumiti nalang ako
"Good Night Tan!" Sigaw ni Kuya at lalabas na sana ng kwarto ko ng pigilan ko siya
"Teka Kuya!" Sigaw ko
"Bakit?"
"Si Nathan..." sabi ko "Saan siya nag punta kanina?"
"Someone named Zephyr" napataas ang kilay ko
"Si Zephyr?" Sigaw ko.
"You know her?" Tanong ni Kuya
"I just know her name. She's been following Nathan around the school. Paano siya nakapasok sa school? Are visitors allowed there?" Sigaw ko dahil sa inis
"Someone's jealous" asar ni Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Some visitors are allowed and some are not. Sa ganda ni Zephyr hindi siya pag iisipan ng masama ng guard" sagot ni Kuya
Napatayo ako sa sinabi niya
"Sinasabi mo bang maganda siya ha!" Sigaw ko kay Kuya
Natawa naman siya "ahm oo. Pero mas maganda ka dahil Kuya mo ko. Kaya wag kang mag Over react dyan!" Sigaw ni Kuya at ginulo ang buhok ko
"Kahit hindi kita Kuya maganda talaga ako! Layas na dali!" Sigaw ko at tinulak na siya palabas
Tawa naman siya ng tawa "Goodnight Tan!" Aniya at lumabas na.
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys And The Bad Girl
Teen FictionThe Five Bad Boys and Me 2 (Completed) The Five Bad Boys and The Bad Girl By: MsYoon_30 Tanya is not a simple girl anymore. She became someone that no one expect she'll be... It's a new life for her. New people... Will these people help her in ths s...