Chapter 30: Once

2.2K 56 0
                                    

Chapter 30: Once

Tanya's Point of View

It's Saturday. Hindi ako sanay naag weekends at walang gala sila Kuya kasama si Chris. Madalas kasi na weekends ang time para makapag catch up sila.

"Tanya" napalingon ako sa nagsalita at napatigil sa pagkain ng tanghalian

"Oh Jude!" Sabi ko

"Si Gurang?" Tanong niya

"Nasa kwarto niya" sabi ko. He nod

"Sige thanks" aniya at inakyat na si Kuya. Ngayon ko lang ulit sila makikitang magkasama. Naawa ako sa kanila pero mas naawa ako kay Nathan.

Lagi nalang siyang mag isa...

Yung mukha niya, para siyang may malaking problema.

What is happening to them? They supposed to help each other! Not to ignore each other! Because they need one another!

But I guess sarado pa ang isip nila. Parang ako lang dati. Sarado ang isip ko at hindi ako nakikinig kahit kanino noon.

Pero sa tingin ko, I'm not yet ready to face her. I feel like when she will come to my life, may mawawala na naman sa akin. At maaring si Kuya ang mawala dahil ma hahati ang atensyon niya sa amin. At hindi ko kayang mangyari iyon. Hindi ko kakayanin. Si Mama at Kuya nalang ang meron ako. At hindi ko kakayanin na kunin siya sa akin ng babaeng iyon tulad ng ginawa niya kay Papa. Oo, sinisisi ko siya.

Kaya kung ako sa kanya, manatili nalang siya kung nasaan siya. Wag na wag siyang papasok sa buhay namin ni Kuya. Dahil hindi ko kakayanin na mag pigil.

I won't let anyone ruin me and Kuya again. She already did once, and I won't let her do it twice. Never.

"Tanya" nagulat ako ng makababa si Kuya at Jude

"Oh my god!" Tanong ko

"Tulala ka na naman dyan! Alis lang kami ni Jude" sabi ni Kuya at tinapik ang lamesa

"Kayong dalawa lang?" Tanong ko

"Oo bakit?" Tanong ni Kuya

"Eh paano sila Mark?" Tanong ko. Sumimangot na naman siya.

"They have their own lives" sabi ni Jude at nauna ng lumabas

"Sige na Tan! Alis na kami" sabi ni Kuya. Tumango lang ako at umalis na si Kuya

Ano bang nangyayari sa kanila?

I'm calling Ate Gretch but I stopped when I remembered what I did. Hindi pa pala kami okay...

Why did I did that?!

Gretchel's Point of View

"Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa ni Mark?" Tanong ko

"Nasaktan kasi ako sa ginawa niya" ani Juls at pinunasan ang luha niya "sabi niya kasi, hindi daw ako ang kailangan niya"

"Baka naman nasabi niya lang yun dahil sa confusion or sa pagod? Eh diba kakaayos niya lang ng problema sa kumpanya nila?" Sabi ko

"At ano? Ngayong maayos na ang lahat, kailangan niya na ulit ako?" Sigaw ni Julienne. Bakit ako ang inaaway niya? Ako ba si Mark?! "Gretch, I want to be someone He can be with when he is in pain or in happiness"

"I know Juls. But what did you do?" Tanong ko

"I did not do anything wrong!" Aniya

"Yes Juls. You did NOTHING. Julienne hindi sa lahat ng panahon si Mark ang iintindi sayo. You said you want to be with him when he is in pain right? Then you should have stayed beside him. You need to understand na may malaking siyamg problema at hindi man niya sabihin pero kailangan ka niya Julienne. He needs you because He loves you" sabi ko

Napayuko naman siya at pinunasan ang luha niya

She sighed "You're right. Ang sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko iniisip na may problema si Mark. Ang inisip ko lang ay nasaktan ako. Pero hindi ko naisip na maa nasaktan ko siya dahil iniwan ko siya sa panahon na nag iisa siya." Sabi niya. She smiled at me "Thanks Gretch! I'm so lucky you are my bestfriend!" Sigaw niya

"Hahaha! Syempre! Kaya Go na Girl! Kausapin mo na ang iyong 'MAHAL' " Pang aasar ko. Pinalo naman niya ang braso ko

"Thanks again Gretch! Bye!" Sigaw niya at umalis na

Baliw!

The Five Bad Boys And The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon