Chapter 56: PSP

2K 58 1
                                    

Chapter 56: PSP

Ellaine's Point of View

"Parky!!!" Sigaw nila Kuya. Pag pasok namin sa room ni Nathan

"Oy mga g*go!" Sigaw ni Nathan pabalik. Natawa naman kami

Binati naman si Nathan at Tanya. Ghad! Mag kaholding hands sila!

"Si Tita Annie?" Tanong ni Celine

"Umalis na siya. May business dinner kasi mamaya. They need to prepare" sagot ni Nathan

12:30 palang ah!

"Oh Nate! Musta buhay?!" Sigaw ni Kuya at naupo sa may paanan ni Nathan.

"G*go ka" sigaw ni Nathan

"Nathan, basketball tayo?!" Sigaw ni Kurt

"Kuya!" Nagulat kami mg biglang sumigaw si Nathan "Fracture pa si Nathan! Tapos yayayain mo mag basketball?! Ano ka hilo?!" Sigaw ni Tanya

Uhh anyare?!

"Uhh okay..." sagot ni Kurt. Nagkatinginan naman si Nate at Jude. Napangiti lang si Jude

"Nathan, paglabas mo punta tayo sa bar ni Troy. Game ka ba?" Tanong ni Kuya Chris

"Hoy! Masama pa yun! Baka mabinat siya!" Sigaw ulit ni Tanya

"Huy Tanya! Ang oa mo ah!" Sigaw ni Kurt

"Chee!" Sigaw ni Tanya at pumasok sa c.r

"Problema ni Tanya?" Tanong ni Jude

Bigla naman nag isip si Kurt "Patay!" Sigaw niya

"Bakit?" Tanong namin

"Period nyan ni Tanya! Kaya mainit ang ulo!"

"Huh?!" Sigaw nila Jude, Mark, Nathan at ni kuya

"Lagi yang gutom tol!" Sigaw ni Kurt "Pag di mo naibigay yumg paborito naming chocolate, patay ka!"

"Anong chocolate ba yun? Bilhin niyo nga" sigaw ni Nathan

"Hahahaa! Under!"

Pia's Point of View

"Ate Pia, can I aske you a question?" Tanong ng pinsan kong si Jon

"Ano yun?" Tanong ko

"Bakit mo nagustuhan si Kuya Chris? I mean, playboy siya dati right?"

"Well, nung una kasi, napopogian lang ako sa kanya. Pero hindi ko siya gusto nun. Kahit mg crush hindi eh. Kaso nung makilala ko siya. He's very jolly and funny. Tuwing kasama ko siya, hindi ako nabobored. And one day I just found my self wanting to be with him" nakangiti kong sabi

"Is your relationship perfect?" Napangiti ako sa tanong niya

"No Jon. There is no perfect relationship. There will always be issues. Pero kaya kami tumatagal ay dahil magsosorry palang ako, nasa tapat na agad siya ng bahay at may dalang chocolates"

"Ahh so kaya kayo tumatagal ay dahil under sayo si Kuya Chris at takot siya sayo ganun ba?"

"Anong sabi mo?!"

Kurt's Point of View

Umalis muna si Tanya para bumili ng pagkain namin. Pag kalabas ni Tanya ay ibinigay agad ni Chris ang PSP ni Nathan. Naglabasan narin ang kanya kanya naming PSP

"Mabibinat si Nate nyan!" Sigaw ni Ellaine

"Ano ka ha?! Tanya the second?!" Sigaw ni Chris sa kapatid. Nanahimik nalang sila

"Oh game?" Tanong ko

"Game!"

Nag simula na kaming maglarong lima

"Ay! P*nyeta yan!" Sigaw ni Mark

"T*ngina yan!" Sigaw ni Jude

"P*taragis naman!" Sigaw ko

"Sh*t ka!" Sigaw ni Nathan

"Sh*t ka din!" Sigaw ni Chris

"T*ngina mo! Inaano kita Esqueza?!" Sigaw ni Nathan na nag lalaro pa rin

"Minumura mo ko, g*go ka ba?" Tanong ni Esqueza

Nagulat kami ng biglang bumukas yung pinto

"Sh*t si Tanya" mahinang sabi ni Jude

"Patay!" Sabi ko

Nagulat ako ng biglang binigay nila sa akin ang mga PSP nila. What the?!

Nakapasok na si Tanya at napatingin siya sa akin "Kuya!  Nag yayaya ka ba mag laro?! Mabibinat sabi si Nathan eh!"

"Ako?! Sila din eh--" pinutol ako ni Jude

"Hoy Gurang! Idadamay mo pa kami!" Sigas ni Jude

"Oo nga Kurt! Di nga kami pumayag kasi mabibinat si Nathan eh" sabi naman ni Mark

"Di ba Nathan?" Sabi ni Chris na nagpipigil ng tawa

"Oo! Tama ka sh*t-- este Chris!" Sabi ni Nate

P*TA!

"Kuya!" Sigaw ni Tanya

"Ako?!" Sigaw ko

"Hindi... Kami" natatawang sabi nilang apat

T*ngina niyo! Kayo naman talaga eh!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

T*ngina niyo! Kayo naman talaga eh!

The Five Bad Boys And The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon