Chapter 8: Kuya

3.4K 82 3
                                    

Chapter 8: Kuya

Nakakainis! Monday na naman!

Pumasok na ako sa kotse ko at ipinaandar ito patungo sa school. Nakakabwisit dahil traffic paglabas ng subdivision. This is what I hate.

Di tulad dati na kung traffic man ay hindi ako ang naiistress dahil si Kuya ang nagmamaneho.

Pero ngayon ako nalang. It's fine though. I don't need someone to drive for me. After 35 minutes ay nakarating narin ako sa school. Pag kapark ko ng kotse ko ay dumiretso ako sa locker ko.

Inilagay ko ang mga notes ko na hindi ko naman kakailanganin. Mga past lessons na kasi yan.

Pag kasara ko ng pinto ay bumungad sa akin ang pagmumukha niya.

"Ano na naman ba, Mish?" Sabi ko

"I'm just waiting for you. Para sabay na tayong pumunta sa room" aniya. Inirapan ko naman siya.

"Kailangan ba lagi kang nakadikit sa akin?! Para ka namang mamamatay pag wala ako!" Sigaw ko at nag umpisang maglakad. Sumunod naman siya.

"Aysus! Baka ikaw ang mamatay kapag wala ako!" Tinignan ko siya ng masama.

"Why would I? I don't need anyone to live!" Sabi ko at nag patuloy sa pag lalakad. Ganun din naman ang ginawa niya.

Pag pasok namin ng room ay kaka-unti pa lamang ang tao. Naupo kami sa upuan namin.

"Tanya, can I ask something?" Tinignan ko naman siya at tinaas ang kilay

"What is it?" I asked

"Nung kayo pa ni Nathan..." bakit tungkol sa kanya pa? "Pinag- aantay ka niya? Kasi di ba, minsan mas maaga ka umuwi?" Tanong niya

"Kapag mas maaga ako umuwi, pinapasabay niya ako kay Kuya. Ayaw niya daw kasing nag hihintay ako ng matagal. Kung mas maaga naman siya, nag hihintay siya ng 2 hours para lang mag kasabay kami," sabi ko at umiwas ng tingin.

"Aah. Grabe si Nathan noh! Ayaw kang nahihirapan" aniya. I faked a laugh.

"Dati yun." sabi ko

Bigla naman may pumasok. Katherine.

Naupo siya sa upuan niya.

"Oh Tanya! Ayan na ang kalahi mo oh!" Bulong ni Mish

"Shut Up!" Sabi ko

"Ay Tanya! Pwede bang pumunta sa bahay niyo mamaya?"

"At ano naman ang gagawin mo dun?" Mataray kong sabi.

"Gusto ko na kasing mapanood yung DOTS. May kopya ka nun di ba?" Tumango nalang ako.

Tuwing nakakarinig ako o nakakakita ng related sa Descendants of the Sun, sila ang naaalala ko. Siya ang naaalala ko.

Kung gaano kami kasaya habang pinapanood yun. Naging bonding namin siya.

Kung paano nag effort si Nathan para lang mapanood ko yun at maging masaya ako.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Sir Chiu.

"Today, bagong lesson tayo. Katherine, in order for you to catch up, you need to be tutored," ani Sir "Tanya, I'm asking for your cooperation. Please help Katherine."

I just said Yes. Ayoko nang tumanggi dahil baka ibagsak pa ako ni Sir.

Bigla naman nag salita si Katherine.

"What's your address?" Tanong niya

"Huh?" Tanong ko at napataas ang kilay.

"I said what's your address?! How will I go to your house if I didn't even know what's your adress" oh! That's what she means

The Five Bad Boys And The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon