The Unexpected

4.9K 59 4
                                    

continuation...

Mabilis ang takbo ni Ara, nagbabakasakaling maabutan niya yung babaeng nakabangga niya. Pagdating ni Ara sa exit ng Araneta ay nagpalinga-linga ito pero bigo siya, hindi na niya mahanap yung babae. Napayuko na lang si Ara pabalik sa loob ng Araneta at pabalik ng dug-out ng may biglang humatak sa braso niya. Laking gulat ni Ara ng makita niya kung sino yun, si Pia pala.

Isa si Pia sa mga matatalik na kaibigan ni Mika na naging close na rin ni Ara. Nakabalik na pala ito galing Australia. Doon na kasi nanirahan si Pia after she graduated from college.

Pia: VICKY!!!! (sabay yakap) I missed you sobra!!! Oh! Ba't tulala ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda? Grabe ka ha...

Ara: O_O!! Pi..Pia? (Utal utal pa niyang pagkasabi). ikaw nga!! Kelan ka pa...

Hindi natuloy ni Ara ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita sa likuran niya...

Anonymous chick: Babe, dito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap sa loob. (Sabay cling sa braso ni Ara).

Pia: O_o Babe? Wait lang! Ano to? Jessy??

Jessy: O_O Pia? Diba nasa Australia ka? Paano? Kailan??

Pia: Girl, relax. Pwede bang isa-isa lang? Pero ako dapat nagtatanong. (sabay lingon kay Ara) What's going on?

Ara: Look Pia, it's been ages. Dami ng changes na nagyari. You going to Australia and us moving forward. Yun lang yun.(Nakakapit pa rin si Jessy sa braso ni Ara)

Bumitaw saglit si Jessy sa pagkaka-cling niya kay Ara.

Jessy: Babe, sige na. Pumasok ka na muna sa loob para naman makapag-shower ka na. Susunod na lang tayo sa party mamaya.

Tumango na lang si Ara, hudyat ng pagsang-ayon.

Nilapitan ni Jessy si Pia at inalalayan ito paupo sa bench malapit sa exit. 

Jessy: Look Pia! I know what you are thinking. Iniisip mo na inahas ko si Mika. That I took advantage of her absence. That's not the case here, alam mo yan. Si Mika ang nang-iwan. Oo, binilin niya si Ara sa atin. Constant pa rin ang communication natin noon, she keeps on asking about Ara pero after two years naging madalang na ang pagtawag niya simula rin ng umalis ka kasabay rin noon ang paghinto ng communication namin, natin ni Mika. The Ara that we used to know also left us. Hindi na siya ang dating Ara na masayahin, palatawa at malambing. Naging matigas siya, alam mo yan. Saksi ka sa pagbabagong yun...

Pinutol ni Pia ang pag-eexplain ni Jessy.

Pia: But that doesn't change the fact that you took advantage over her. I mean, kay Ara. Alam nating matagal mo ng gusto si Ara, Jessy. 

Napayuko si Jessy.

Jessy: Mahal ko talaga si Ara ay hindi... Mahal na mahal.. Kaya ko ibigay sa kanya lahat mabalik lang ang dating Victonara. I am not asking you to understand me pero wala eh... Victonara Galang yan, mahal ko...

To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon