Mika's POV
Haaayy!! Grabe naman ang kulit lang ni Vic, hindi na talaga nagbago yung isang yon. Yes! Okay na ulit kami ni Vic, I mean, okay na na friends? ulit kami. Well, gusto niya eh at ginusto ko rin. Choosy pa ba ako? Ang totoo nakapag-usap na kami. Nung isang araw lang, two days after namin mag-usap ni Thomas. Sobrang kaba ko noon, akala ko kasi matatagalan si Thomas na kumbinsihin si Vic na kausapin ako. Hindi na rin naman ako nag-inarte nung tumawag si Thomas na okay nga lang raw kay Vic na makipagkita. Ayoko rin naman na mag-gate crash though invited naman ako sa birthday ng Mommy niya. Gusto ko na pupunta ako sa Birthday ni Tita na wala akong poproblemahin na baka magalit or mawalan ng gana si Vic sa mismong birthday party ng Mommy niya. Grabe hindi pa rin ako makapaniwalang papakilala ko na ngayong araw ang anak ko sa buong barkada. Hindi pa nila alam ang tungkol kay Val, ang sabi ko lang na marami na ngang nagbago at isa na doon ang bagong tao sa buhay ko. Akala pa nga ng kambal eh bagong boyfriend or asawa, kung alam lang nila iisang tao lang naman ang hihilingin kong mapangasawa. Malapit na kami ni Val sa Pampanga, nagpahatid na lang kami kay Miko na nagkataong may gagawin rin sa Pampanga. Napag-alaman ko rin na may girlfriend na siya at masaya naman daw sila. Masakit, masaklap pero wala eh... at least friends na ulit kami. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang Victonara ngayon after namin mag-usap. Oo, friends ulit nga kami pero parang may kakaiba. Ewan ko ba doon, para kasi siyang sira. Nagpapaka-clingy na naman though ganun naman talaga siya sa lahat, super maalaga at sweet na friend. Hindi tuloy mawala sa isip ko yung mga nangyari noong nakaraang pagkikita namin.
~~Flashback~~
From: Thomas Torres
Ye, sorry. Male-late kami ni Vic ha... Sobrang traffic naman kasi eh..
Yan yung text ni Thomas. Noong pagkatanggap ko ng text inaamin ko kinabahan ako baka kasi biglang mag-cancel si Vic, kaya medyo napanatag ang loob ko. Okay lang naman na ma-late sila basta matapos lang tong araw na to na nakapag-usap kami. Maya-maya pa nga ay...
Ye? Sorry! kanina ka pa ba?
Si Thomas at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Mika: Ano ka ba Thom? Okay lang naman. Ako nga dapat mag-sorry eh mukhang busy kayo ngayon, naabala ko pa tuloy kayo. (ngumiti ako sa kanya, nakita ko naman na nakahinga siya ng maluwag)
Thomas: Nako! Sinabi mo pa. Sobrang busy nga namin ngayon pero naha-handle pa naman namin yung pressure. (ngumiti na rin siya) So? Naka-order ka na ba? For sure gutom ka na. Mag-lulunch time na rin pala. Wait, order lang ako. (at umalis na nga siya para pumuntang counter. nagpalinga-linga naman ako, paano ba naman wala namang Victonara na nakasunod kay Thomas)
Maya-maya pa ay bumalik na si Thomas dala yung number. Napansin yata niyang palinga-linga ako.
BINABASA MO ANG
To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)
FanficPagpasensyahan na po...