Soon

2.1K 34 6
                                    

Mika's POV

Grabe!!! Mag-mamadaling araw na hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kanina pa ako pabaling-baling ng posisyon dito sa kama ko pero wala talaga. After ko patulugin si Val dumiretso na ako dito pero mag-dadalawang oras na akong ganito. 

Naisipan ko na lang bumangon at buksan ang ilaw sa may study table ko at binuksan na rin ang laptop ko. Mag-checheck na lang muna ako ng e-mails. Bukas na rin pala babalik si Nurse Iris kaya free ako bukas hanggang sa susunod na mga araw. After kong mag-check ng mails ay naisipan kong mag-login sa facebook ko, matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-open nito.

Scroll....

Scroll....

Scroll....

Nang biglang nahagip ng paningin ko ang isang shared photo ni Thomas na may caption na "you're still the prettiest in my eyes". Dali dali kong binuksan yung picture at bumungad sa akin ang mga collected pics nina Jessey, Pia, Mela, andun din sina Cienne, Cams and Carol. Yung iba naman looked familiar halos lahat naman kasi from DLSU kaya kilala ko maybe not by their names but by their faces. Bigla akong naka-feel ng emptiness, kung hindi ba ako umalis noon eh ganito kaya kami ka saya? Naputol ang pag-dadrama ko ng biglang may nag-comment sa isang pics... 

Si Kim, bakit hindi daw siya kasali... Natawa na lang ako kasi imbes na ma-konsensya eh binully pa siya.. Girl bonding daw yun kaya hindi siya invited. Tawang tawa ako dito sa loob ng room ko na mag-isa. I was about to click the like botton kung saan nag-comment si Cienne ng biglang may nag-comment ulit... 

Si Vic....

Matagal rin bago ako nakabalik sa katinuan ko, natulala kasi ako sa comment ni Vic sa pinost ni Thomas at lalo na sa comment nito sa post ni Ate Kim. Wala naman talagang espesyal sa comment niya, nambubully nga lang siya kina Thomas at Ate Kim eh... Ewan ko nga ba dito sa puso ko, bigla na lang nag-skip ng beat... Seeing their comments parang nakakamiss yung ganito... Yung alam mong open talaga kayo sa isa't isa, bagay na hindi ko na magawa sa ngayon.. Alam ko naman na walang galit sa akin si Ate Kim, siya nga sumundo sa akin nung minsan na may modelling commitment ako dito sa Pilipinas pero after noon hindi na ulit kami nakapag-usap.. Nalaman daw kasi ni Mela yung tungkol doon at mas lalo raw nagtampo sa akin dahil hindi man lang daw ako nagpakita sa kanila. Ayoko na madamay pa si Ate Kim sa problema ko sa barkada kaya hindi ko na binalak pang mag-communicate sa kanya dahil kung tutuusin hindi rin naman ako naging full honest sa kanya.. Speaking of honest... napag-isip isip ko na siguro ay panahon na para palayain ko ang sarili ko.. Panahon na para sabihin ko ang tungkol kay Val.. Naaawa na rin kasi ako sa bata, ayaw ko naman siya idamay, hindi niya deserve to lalo na't ayoko rin siya i-deny sa panahon na may magtatanong dahil sa natatakot lang akong magtapat...

To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon