Palabas na ako ng musuleyo ni Saori nang mag-ring ang phone ko...
MYkhaela Babe Calling...
Tinignan ko lang ang phone ko, hindi ko sinagot at sinilent na lang. It's not that I don't want to talk to her, honestly I am dying to see her right now. Na-mimiss ko na siya... It may sounds overreacting pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.. Ayaw ko lang din sagutin ang tawag niya in front of my ex's grave. Yun lang yun. Respeto lang naman. Noon nag-aalinlangan pa ako kung mahal ko ba talaga siya kaya ko siya hindi maligaw-ligawan, bestfriend ko rin kasi siya.. Kahit din naman siya noong una ayaw niya sa idea na liligawan ko siya o maging kami kasi diba nga naging client niya ako... Unethical daw kasi kaya ganun baka raw transference and counter transference lang yung nararamdaman namin para sa isa't isa.. Hindi mahirap mahalin si Mikhaela, baka iniisip ng iba na kaya ko lang siya minahal dahil sa pangalan niya o sa pagiging psych niya na maaaring nakikita ko lang si Mika sa kanya.. Kahit kailan never pumasok sa isip ko na substitute si Mikhaela ni Mika dahil sobrang layo lang.. Inaamin ko kaya ako na-attract sa kanya noong unang beses kaming nagkita ay dahil sa magkahawig sila ni Mika... Sobrang magkahawig sila, ibang lahi nga lang si Mikhaela. Hindi rin gaanong kaputian si Mikhaela, hispanic version ni Mika yun yung laging sinasabi nila Kim everytime nakikita nila ang picture nito sa gallery ng phone ko. Hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan namin ni Mikhaela bago ko maamin sa kanya na gusto ko siya. Matagal ko na siyang gusto, pero hindi ko lang ma-push yung feelings ko kasi siya mismo ang humaharang nito.. Natatakot siya na baka yun nga, nakikita ko lang si Mika sa kanya. Alam niya lahat ng tungkol sa amin ni Mika, lahat. Walang reservations, wala na ring pretensions. Basta sa ngayon sigurado ako, alam ko sa puso't isip ko na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Kung tungkol naman kay Mika? Naka-move on na talaga ako pero sa totoo lang noong araw na nagkita kami ulit sa resto ko gustung-gusto ko siyang yakapin noon. Na-miss ko naman din kasi siya, tulad ni Saori at ni Mikhaela, naging mag-bestfriends muna kami bago kami naging lovers. Mika will always be specail and she will always have a place in my heart at hindi na yun mababago o makukuha ng iba not even Saori or Mikhaela..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mika's POV
Grabe!!! It's been six months... six months na since the last time that I really had time for myself.. Mag te-three months na rin since umalis ako sa agency na pinapasukan ko as a model. Nakaka-miss din palang maging busy. Well, not that I am not busy now pero iba kasi yung pinag-aabalahan ko noon di tulad ngayon na abala nga ako may halo pang kaba... Kasalukuyan kasi akong nasa tapat na coffee shop ng St. Michael's Hospital dito sa London. Hinihintay ko yung Doctor na ini-recommend sa akin ng kakilala ko...
~~~Flash back~~
Kasalukuyan akong nasa loob ng laboratory ng hospital, hinihintay yung test results na isinagawa kay Val. And yes, si Val ang tumulak sa akin para mag-quit sa pag-momodel, mas lumala kasi yung kondisyon niya. We didn't expect na ganun kabilis ang pag-deteriorate ng health niya though she's a fighter. Since gusto ko rin makabawi sa kanya kaya nag-decide na rin talaga akong siya na muna ang unahin.Ang tagal naman yata ng result... (nakayuko na at halatang nababagot)
...: Miss Aereen?
Mika: Yes? (napataas ako ng ulo at nagulat) Mr. Reed? Of all places, I didn't expect to see you here Sir. (sabay tayo at akmang makikipag-kamay)

BINABASA MO ANG
To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)
FanfictionPagpasensyahan na po...