Start of Something New

233 21 4
                                    

Wooooooaaaaaahhhhh!! (Pikit mata kong niyakap ang hanging dumadampi sa aking balat)

I can't believe I'm back!! It's been years since the last time I stepped foot on the beach. Kasalukuyan akong nasa Batangas ngayon at kararating ko lang ng Pilipinas mula Europe. My body aches for salty and wavy waters.

Ate Vic! (Napalingon ako sa kung saan nagmula ang boses)

Josh!! (Patakbo nya akong nilapitan at niyakap) Laki mo na ah.. (sabay gulo ko ng buhok nya) ang laki mo na, sinong mag-aakalang tatangkad ka ng ganito??

Pogi rin ate Vic ano? (Sabay pogi sign nya)

Oo naman! Mana ka kaya sa akin. (Pagmamayabang ko sa kanya, natawa na lang sya)

Welcome back ate!! (Sabay ikot nya na tila pinapakita sa akin ang lawak ng lugar) Lahat to naipundar mo para sa sarili mo. Galing mo talaga! (Ang lawak rin ng ngiti ng isang to)

Hahaha.. hindi lang naman to para sa akin eh.. para na rin sa inyo.. para sa pamilya natin.. para na rin makauwi na si Mommy at makapagrelax na.. (ngiti ko rito)

Speaking of Tita pala ate, kanina ka pa hinihintay noon sa loob.. (sabay pagpapakita nya ng napakagandang mansyon sa hindi kalayuan kung saan kami)

Nakapasok na kami sa loob ng bahay, ang lawak pala talaga ng loob. Sa pictures ko lang kasi nakikita ang mga ito habang nasa Europe ako. Kung nagtataka kayo, after mag retire ni Tito Vito sa pagmamanage ng business nya sa London eh ako na ang pinag manage nya dito. Mahirap sa simula kasi wala naman akong alam sa pang mamanage ng modelling agency pero natutunan ko rin naman sya pagkalaunan. Yung resto namin ni Ate Kim naman, ayun lumaki pa sya lalo pero ni-let go ko na ang pagmamay-ari nun. Binenta ko rin kay Ate Kim lahat ng shares ko. Ang dinig ko eh, binenta rin nya yung shares na nabili nya sa akin. Binili ko tong resort na to para maging private getaway ko, ng family ko at ng barkada pero parang malabo pa kaming magkakasama soon. Sobrang busy na ng lahat, may kanya kanya na rin kasing mga priorities sa buhay. Wala pa palang ni isa sa kanila na nakakaalam na nakauwi na ako. Kahit si Ate Kim.

Anak! (Si mama, may suot suot pang apron)

My! Na miss kita (sabay yakap ng mahigpit ko dito)

Kamusta naman ang byahe mo? Saan mga gamit mo? (Sunod sunod na tanong nito)

My, pwede ba isa isa lang? (Kinurot nya lang ako sa pisngi) Una sa lahat, okay naman po ang byahe ko. Sulit po ang pagod sa ilang oras na nakaupo sa loob ng eroplano, ilang oras na upo sa sasakyan at ipit pa sa traffic sa magandang tanawin na meron ang lugar na ito.

Mabuti naman at nagustuhan mo ang ayos ng resort mo. Sandali nga pala anak (giya nito sa akin papuntang kusina) halika na muna dito at makakain ka na. Luto naman na yung ilang putahe, napaaga naman din kasi ang dating mo. Yung iba mong pinsan on the way pa, nagkaasaran kasi kanina kung sinong mamimili ng mga kulang na inumin kaya ayun lahat na sila lumabas.

Bat parang andaming pagkain naman ma? (Gulong tanong ko dito pagkakita ko ng mga pagkain sa hapang, mag lulunchtime na rin kasi) Diba po sabi ko tayo tayo lang?

Tayo tayo nga lang. (Pati si Mommy parang naguguluhan na rin na nakatingin sa hapag) Madami na ba to sayo? (Sabay turo nito sa pagkain) Ilang taon kang nawala dito Victonara, baka magulat ka kung paano kumain yung mga pinsan mo. (Pagbabanta ni Mommy na ikinatawa ko naman, sakto naman at niluwa ng pintuan sa likurang bahagi ng mansyon ang napakagwapo kong kuya.

Bunso!!! (Pasigaw na tawag nito sa akin sabay lapit. Yun din yata ang hudyat ng paglapit ng iilan pa naming kapamilya't kamag-anak, isa isa akong niyakap ng mga ito. Grabe sng dami pala namin pero  may isang taong nasipat ng aking mga mata na ikinagalak ng aking puso na makita)

Hoy bunso! (Sabay siko nito sa akin) Ayos ka lang ba? Para ka namang nakakita ng mult dyan (nakangising pang-aasar nito sa akin, sinamaan ko naman sya ng tingin) Ang sungit mo pa rin (sabay gulo nito ng buhok ko at dli dali itong lumayo sa akin, takot rin mabawian eh)

Ayun na nga, hindi ko na mapigilan ang aking mga paa sa paghakbang, papalapit na ako sa taong kanina ko pa pinagmamasdan. Naluluha ito na nakatingin lang sa akin, sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Masaya ako, oo, masaya ako pero naiiyak ako habang nakikita ko syang naiiyak. Tuluyan na ngang pumatak ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Huling niyakap ko si papa bago ako makarating sa mismong harapan nya. Nakatayo na ako ngayon na mismong harapan nya, nagpapahid ito ng luha habang nakangiti. Pinipilit nyang magsalita pero parang walang anumang salita ang gustong kumawala sa kanyang mga labi. Magsasalita na sana sya ng pigilan ko sya gamit ang aking mga labi. Siniil ko sya ng halik, tuluyan na akong nagpatianod sa aking nararamdaman. Bumalik ang lahat ng alaala, masasayang alaala na meron kami. Hindi ko na rin napigilan ang aking mga luha na kanina pa gustong kumawala. Naguunahan ang mga ito sa pag-agos. Bumitiw na ako sa paghalik sa kanya, mga isang minuto lang naman ang tinagal ng halikan namin, hindi rin naman bastusin ang paghalik ko. Sakto lang na madama nya kung gaano ko sya ka miss. Tinignan ko sya, mata sa mata. Kahit kailan talaga ang mga mata nya parang nangungusap. Nakangiti rin sya, yung ngiti nya na kayang pumawi ng sakit at pagod na meron ako.

Welcome back Victonara! (yakap nito sa akin sabay baon ng mukha nito sa leeg ko, sa pagitan ng ulo at balikat ko tila nahihiya sa mga nangyari. Hindi ko napigilang natawa)

Hahaha.. Namiss kita Ye! (Sabay ng paghigpit ng yakap ko sa kanya) It's good to finally back! (Kumawala na ako sa yakap namin. Parehas kaming naka ngiti at masaya lang)


Wazzzup readers!! Kung meron pa!! Hahaha.. I know it's been ages since the last time na nag update ako.. believe me gustong gusto ko na mag update kaso simula nung nawala yung drafts na meron ako, nawala na rin ako sa sarili kaya hindi ko na alam kung paano tatapusin tong kwento. Salamat ng marami sa mga kumapit pa. Hahaha. Keep safe everyone and God bless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon