Unexpected Revelation 0.5

2.1K 39 12
                                    

Thomas POV

 

Victonara calling...

Nakakailang tawag na rin si Vic sa akin pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi ako galit sa kanya or kung ano man. Sadyang hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko. After namin mag-usap ni Yeye para akong binuhusan ng napakainin na tubig tapos biglang tapon sa nagyeyelong lawa, ang bigat lang sa pakiramdam. Hindi ko alam kung paano nakayanan ni Yeye tong ganitong pakiramdam ng mag-isa.

Na-aawa, no! more on na-kokonsensya ako sa mga binitiwan kong salita sa kanya. Hindi ko lubos maisip na sa panahon na lagi naming sinisisi si Yeye sa nangyari at nangyayari kay Vic eh siya rin pala sa kabilang dako ay nahihirapan, umiiyak, nag-iisa at nagtitiis. Grabeng sakit at hirap pala ang pinagdaan ni Mika, bagay na hindi ko kakayanin pagnangyari ito sa kung sino man sa pamilya ko. Galit na galit ako kanina sa kung sino mang kumag ang gumawa nun sa kanya. Hindi deserve ni Yeye ang ganunin pero wala na, nangyari na ang nangyari at may anak na rin sila. Valerie, yan yung pangalan ng anak nila. Hindi man raw okay ang relasyon ni Yeye sa tatay ng anak niya ay hindi naman niya raw dito pinagdamot ang pagkakataong maging ama nito kay Val. Sadyang napakabuti pa rin ni Yeye despite all the pain that she encountered.  

tok.. tok... tok...

Babe?

Babe!!! Ano ba... What happened to you? Ba't di ka na sumunod sa... (hindi ko na siya pinatapos ng salita at niyakap na lang siya)

Thomas: Babe... (habang humihikbi pa ako) Babe... I love you okay... (napakunot naman siya ng noo)

Arra: Thomas! Ano ba? (pilit niya inaalis yung mga kamay ko sa braso niya) Anong nangyayari sayo? (may halong pagtataka na sa boses nito)

Thomas: Babe... I lied to you and I'm so sorry about that... Kanina... 

Arra: kanina ano? (kalmado pa rin naman siya)

Thomas: (tumahan na ako) I met someone sa MOA. (tumango lang siya, hudyat na magpatuloy ako) I met Yeye sa MOA kanina. Siya yung kinita ko.

Arra: Yeye? You mean Mika? Mika Reyes? (nakita kong nag-iba ang mood niya) So close na pala kayo ulit? Doesn't mean na okay lang kay Vic yung mga nangyari sa kanila eh okay na rin siya sa inyo? Sa iyo? Vic's your bestfriend Babe! How could you? Kaya ba hindi mo sinasagot tawag ni Vic?

Thomas: Babe, calm down please. It is not what it is that we thought. 

Niyakap na lang ako ni Arra, sobrang swerte ko sa kanya. She never really had the chance to meet Yeye kaya wala daw siya sa posisyon para husgahan ito. Nakilala niya lang si Yeye based on our sharing, mostly pa puro negative pero this girl over here, sobrang laki ng puso at napakalawak ng pag-iisip kaya hindi niya yun seneryoso. Alam rin kasi niyang galit kami kay Yeye kaya kung ano na lang yung mga sinasabi namin dati sa kanya.

To Love is to Destroy (Mika Reyes and Ara Galang Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon