Chapter 9

2 0 0
                                    

Nakarating sila sa Lake. Nalula kaagad si Pierre sa kagandahan ng lugar nina Kevin. Magkaholding hands sila ni Sienna at si Kristel naman at ang nobyo nito ay iniwan na sila. "Sienna, nagustuhan mo ba ang lugar na ito?"

"Yes, so much. Kaya nga ako nandito eh. Dahil tahimik lang ang lugar. Siguro kung hindi ako nagpakasal sayo baka dito ako napadpad. Matagal na kasi akong ini-imbatahan ni Kristel."

Nalungkot naman si Pierre. Dahil naalala niya na matagal ng kilala ni Kevin si Sienna. Siguro kung hindi nga niya pinakasalan ito ng sapilitan ay baka si Kevin ang asawa nito ngayon. Nakaramdam siya ng selos. At kung hindi siya pumunta dito ay baka nga naidate na ni Kevin si Sienna.

Nakita ni Pierre na seryoso at malakas ang tama ni Kevin sa asawa niya. Hindi niya hahayaang maagaw si Sienna ng iba.

"Masaya ka ba dito?"malungkot na tanong ni Pierre.

"Yes masaya ako dito."kunwari ay sagot niya.

Lalong nagselos ang puso ni Pierre sa sagot ni Sienna. Paano ba niya ito iuuwi sa manila kung masaya siya dito.

"I am going to build a house here. A small house. Para sa atin. At sa magiging anak natin."malungkot pa ring sabi ni Pierre.

"That will be nice. "sagot ni Sienna. Naramdaman niyang hinigpitan ni Pierre ang paghawak sa kamay niya. Habang nakatingin sila sa Lake ay hinalikan siya ni Pierre sa labi. Tinugon naman niya.

Natigil lang sila sa halikan nila ng makitang padating si Kevin. Nakangiti ito.

"O pare, kumusta. Anong masasabi mo sa lugar namin."tanong ni Kevin.

"Very nice pare. I want to build a house here. A small simple house."

"Yes you can pare, remember your investing here. "

Nakikinig lang si Sienna sa usapan nila. Ngayong nalaman niyang ka-share nila Kevin si Pierre dito sa resort ay siguradong mapapadalas ang punta niya dito.

"Kiera is coming here from the US Pierre, remember your ex GF,aatend siya ng birthday ni mommy." Nadulas na sabi ni Kevin kay Pierre.

Napatingin si Pierre sa mukha ni Sienna.

Napasimangot naman si Sienna sa narinig. Saka nagsalita.....

"Ah kaya pala gusto mong mag-invest dito dahil sa EX mo." Nakatingin kay Pierre habang nagsasalita siya.

"Sorry pare at nasabi ko,akala ko kasi alam ni Sienna at saka wala namang masama kung malaman ni Sienna na matagal ng kashare natin si Kiera di ba." Hinging paumanhin ni Kevin.

"No it's ok, wala namang ginagawang masama yung tao. "tiimbagang sagot niya. Pinipigilan ni Pierre ang inis niya sa kaibigan.

Sumimangot na si Sienna. Nakikita sa mukha nito ang selos. Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Pierre sa kamay niya. Saka naglakad palayo kina Pierre at Kevin.

"Nakita mo na ang ginawa mo pare. Lagi mo akong binibigyan ng problema."galit na sabi ni Pierre kay Kevin.

"I thought she already knows. How do I know? Secretive ka kasi masyado. Ikaw rin lang nagbibigay ng problema sa sarili mo pare."sagot ni Kevin.

Hindi nakapagsalita si Pierre sa tinuran ni Kevin. Alam niyang tama ito. Hindi na siya kumibo pa.

Umuwi sila sa bahay nina Kevin na walang imikan. Pati si Sienna. Nahuli sina Kristel ng uwi dahil may gagawin pa ito sa resort. Si Kevin naman ay nagpa-iwan din dahil alam niyang mag-uusap ang mag-asawa.

Pagkababa ng sasakyan ni Sienna ay umakyat siya kaagad sa taas at pumasok sa guest room.. sumunod din si Pierre. Nakita niyang inilalabas lahat ni Sienna ang damit nila.

Say You WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon