Chapter 4

94 1 0
                                    

Chapter 4

Nasa bus na si Sienna . Hindi matuyo tuyo ang mata niya dahil sa luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi niya.

   "Mahal na mahal na kita Pierre. Parang di ko kaya na mawala ka sa akin pero mas di ko kakayanin na gabi bagi ay nasa piling ka ng ibang babae."

May napapalingon sa kanya , pero hindi niya pansin iyon. Dalangin niya na sa pupuntahan niya ay may bagong buhay na naghihintay sa kanya.

   Natawagan na rin niya ang mga kaibigan niyang kilala niya sa lugar na iyon. Sinabihan siyang magtext lang kung nasa bus station na siya.

Nakilala ni Sienna ang mga kaibigan niya noong nag-aaral pa lang siya. Kumuha siya ng BS Education.May nakahanda na ring trabaho sa kanya. Magtuturo siya sa mga kinder doon. Mayaman ang isang kaibigan niyang si Kristel.

Nakapunta na siya sa Baranggay Mulawin, isang beses at nainlove siya sa lugar. Konti lang ang tao, tahimik at gustong gusto niya maupo sa tabi ng Lake naroon.Nagagandahan siya sa lugar.

Kaya dun niya naisipang  pumunta at naisip niya na mas madaling makalimot sa lugar na maganda at tahimik.

Sagana pa sa mga masustansiyang pag-kain. Mga prutas at iba pa na nakukuha sa ilog at Lake. Mga isda at kung ano ano pa.

Ilang oras pa bago makarating sa lugar ng mga kaibigan niya.

   Dahil sa kaiiyak niya ay napagod din  ang mga mata niya. Nakatulog siya ng mahimbing sa bus.

     Samantala...

Pauwi na si Pierre, 12 am na naman siya umuwi. Nakababa na siya ng kotse niya ng bigla siyang kinabahan.

Mabilis siyang pumasok  sa loob ng bahay at mabilis ding umakyat sa hagdanan. Nagtataka siya at madilim ang buong bahay.

  "Sienna! Sienna! Sienna!" Sigaw niya.

Pagkapasok sa loob ng silid nila ay, binuksan niya ang ilaw. Pabalibag na binuksan ang pinto ng banyo. Wala doon ang asawa.

Sienna! Sienna! Nasaan ka? Shit! Say something Sienna! Where are  you?"

Binuksan niya ang mga cabinet. Doon niya nalaman na umalis ang asawa. Dahil wala  ang mga damit ni Sienna.

"Shit,bakit umalis ka? Shit,!" sinuntok niya ang pintuan ng closet nila. Pinag susuntok niya ang mga pintuan. Pati pader nasuntok  din niya at doon nagdugo ang kamay niya.

biinalot niya ng panyo ang kamay na dumudugo saka mabilis na lumabas at bumaba sa hagdanan.

   Pero bigla siyang napahinto. Naisip niyang puntahan ang mga magulang ni Sienna pero ano ang sasabihin niya sa mga magulang nito.

  Nasuntok niya ulit ang mesa sa harap niya. Hindi na niya ramdan ang sakit. Parang biglang naimmune ang sarili niya.

   "Bakit ka umalis Sienna. Kung may problema dapat sinabi mo sa akin." bulong niya. Ng hindi na niya kaya ay humagulgol siya.

Iiyak din pala siya ng dahil lang sa isang babae. Iiyakan din pala niya ang pag-alis ng asawa niya.

   Kumuha ng isang boteng whisky si Pierre at sa bote na siya mismo uuminom. Nilagok niya yun ng nilagok hanggang sa kokonti na lang ang natira. Umiikot na ang tingin niya. Ihinagis niya ang bote sa pader. Basa ito, saka nabuwal sa mismong sofa. At nakatulog.

Say You WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon