Chapter 3
At dahil sa nangyari ay lagi ng dala ni Sienna ang CP niya kahit sa garden lang siya mag punta. Pero mula noon hindi naman na tumatawag si Pierre sa kanya. Gabi na din ito kung umuwi. Namimiss din niya ang pagtawag tawag nito.
Laging late kung dumating si Pierre, kaya isa gabi ay hinintay niya ito. Pero nakatulog siya sa kahihintay. Ng magising ay mag 1 am na. Napailing siya at umakyat na sa taas para ituloy ang tulog niya.
Pagkaayat naman ni Sienna ay dumating si Pierre, medyo nakainom ito dahil pinuntahan niya si Tara.
“Tulog na kaya ang asawa ko?”tanong niya sa sarili.
Hinagis niya ang susi sa salas. At saka umkyat sa taas. Ilang gabi na ring hindi niya ginagalaw ang asawa. Namimiss niya ito pero napag isip isip niya na hindi tama ang mga ginagawa niya. Naawa din siya kay Sienna. Parang ikinulong siya ito. Kaya itinigil na rin niya ang pagtawag tawag dahil ayaw niyang isipin ni Sienna na wala na siyang freedom sa poder niya.
Pumasok siya sa kuwarto nila. Nakita niyang tulog na tulog ang asawa. Naghubad siya at pumasok sa banyo. Naligo siya. Saka lumabas at nagbihis ng pantulog niya boxer.
Dahan dahan siyang nahiga sa tabi ng asawa. Amoy pa niya ang mabangong buhok nito. Kahit na natutukso si Pierre na halikan ang asawa ay hindi niya gagawin dahil ipinangako niya sa sarili na saka lang niya gaggalawin ang asawa pag alam niyang mahal na nila ang isa’t isa. Gusto niyang mabago ang impression ng asawa nito sa kanya.
Samantala gising na gising naman si Sienna, nagtulog tulugan lang siya pero alam niya na dumating na si Pierre at naligo na rin.
Nagmulat siya ng mata at nakita niyang tulog na si Pierre. Masama ang loob niya dahil ilang gabi ng ganito ang asawa niya. Hindi niya malaman kung galit ito sa kanya dahil sa nangyari. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagbago si Pierre sa pakikitungo nito sa kanya.
Halos hindi siya nakatulog magdamag. Nahihiya naman siyang mag-open at baka malaman pa ni Pierre na mahal na niya ito at nasasaktan siya sa pakikitungo nito sa kanya.
Kahit hindi siya nakatulog ay maaga pa rin siyang bumangon at naghanda ng almusal ng asawa nito.
Habang kumakain sila ay puro sulyap lang ang nangyayari sa kanila. Wala silang imikan. Tahimik na tahimik si Pierre. Hindi naman siya dating ganito. Kahit pa mukhang laging galit ito sa kanya ay minsan na niyang nakitang nagbiro ito. O dalawang beses. At namimiss niya ang dating Pierre na naninigaw sa kanya. Hindi siya sanay sa tahimik na Pierre.
Naiiyak siya pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang makita ng asawa niya na nasasaktan siya sa pakikitungo nito sa kanya.
Pati sa hapunan ay hindi na ito tumatawag sa kanya para sabihin kung ano ang gusto niyang dinner. Wala na yung mga tawag na itatanong kung ok siya, kung kumain na siya. Na huwag siyang lalabas ng hindi nagpapaalam sa kanya. Na kung gusto niyang bumili na kahit na ano ay itawag na lang sa kanya at siya na ang bibili. Or kung gusto niyang kumain sa labas ay sabihin lang sa kanya.
Lahat ng yun ay biglang nawala. At nasasaktan siya dahil nakasanayan na niya yung ganong treatement ni Pierre sa kanya.
Kung papasok din ay wala na yung goodbye kiss na lagging ginagawa ng asawa nito. Basta na lang ito aalis.
Pagkaalis ni Pierre ay hinugasan niya lahat ng pinagkainan nila. Naglinis siya ng buong bahay, para hindi siya laging nag-iisip kung anong nangyayari sa kanila ni Pierre.
Pagkatapos niyang mag-linis ay tanghali na. Lagi niyang dala ang CP niya sa dahil baka mamiss niya ang tawag ng asawa. Pero ni isang ring ay wala siyang naririnig.
Umakyat siya at naligo, pagkaligo ay nahiga siya, at bigla na lang siyang napaiyak..
“Kung kaylan mahala na kita saka ka naman lumalayo sa akin. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Alam ko na sa una ay hindi mo ako mahal, dahil pinakasalan mo lang ako dahil sa utang ng pamilya ko sayo. Pero hanggang ngayon ba wala ka pa ring pagtingin sa akin? “ bulong ng isip niya habang siya ay tahimik na umiiyak.
Saka niya naalala ang kangtang… SAY YOU WILL
“Can't believe,
I can't believe that you are gone
But I am trying to move on
Someone tell me it's just a bad dream
That it's just not true
Say you will be home for dinner or
Say you will be working late, but
Say you will come home to me
Like you used to do, cause I'm missing you so
Say you will lay down beside me and
Say you will just smile and kiss me and
Say you will be holding me
Like you used to do
Cause I still love you
Hindi na niya kaya pa kaya humagulgol siya . Umiyak siya ng umiyak hanggang sa makatulog siya. Hindi na siya nakakain pa ng tanghalian at hapunan.
Nagising na siya ay umaga na, dahil siguro sa puyat niya noong nagdaang gabi.
As usual ganon pa din ang pakitungo ni Pierre sa kanya.
Isang araw ay hindi na siya nakatiis. Dinayal niya ang number ng CP ni Pierre. Nagulat siya dahil babae ang sumagot.
“Hello, Tara here, Pierre is sleeping right now. Please call back later. Thank you” sabi ng babae sa kabilang linya.
Nabitiwan niya ang CP niya, hindi niya namamalayang, lumuluha na pala siya. Umiyak siya ng umiyak. Ng mahimasmasan ay, umakyat siya at dali daling nag-empake ng mga gamit niya. Kung ano yung dala niya noon yun lang ang inilagay niya sa bag niya.
Ayaw niyang maabutan siya ni Pierre sa bahay nito. Kaya dali dali siyang lumabas. Pagkalabas ay pinara niya ang taxi na napadaan.
Habang nasa loob ng taxi ay sige lang ang walang tigil na iyak niya. Parang hindi niya kakayanin ang iwanan ang asawa. Pero nanaig ang galit niya dito.
Hindi siya umuwi sa kanila dahil alam niyang susundan siya doon ng asawa niya.Umalis siya at nagpunta sa lugar na hindi siya mahahanap ng asawa niya. Masakit man sa kanya ay kailangan niyang gawin bago pa lalong mahulog ang loob niya sa asawa.
Hindi rin niya ipinaalam sa mga magulang ang paglalayas niya.Sa ngayon magulo pa ang isip niya .
Nagpahatid siya sa taxi driver hanggang sa Bus Station.
Ano ang gagawin ni Pierre pag nalamang umalis si Sienna. Mahahanap pa kaya niya ito? Ano ang kahihinatnan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Maghihiwalaya ba sila ng tuluyan?
At ano ang magiging buhay ni Sienna ngayon malayo siya sa taong nagturo sa kanya kung paano magmahal.
Abangan….

BINABASA MO ANG
Say You Will
RomanceThe love that Sienna has for Pierre... Will they overcome all the trials in their relationship?