Chapter 8

11 0 0
                                    

Nasa bahay na sila nina Kevin sina Sienna at Pierre. Umakyat saglit sina Pierre at Kevin para ilagay ang gamit niyo sa guest room. Naiwan sa baba sina Kristel at Sienna. Nakatingin si Kristel sa kanya. Naghihintay na ipaliwanag niya ang lahat. "Errr! Kristel huwag mo akong tingnan ng ganyan. Sinabi ko naman lahat sayo. Ang pangalan lang ni Pierre ang hindi ko sinabi."sabi niya ng hindi na siya makatagal sa titig nito.

"Bakit wala naman akong sinasabi sayo?"sabi naman ni Kristel na pilya ang ngiti .

"Iyang ngiti mo kasi, parang may gusto kang palabasin sa akin."

"Naalala ko lang yung sinabi mo na mahal mo ang asawa mo at saka mas guwapo si Pierre kesa kay kuya. Well, totoo ngang guwapo si Pierre. Actually crush ko siya noon pa."nanunudyo ang ngiti ni Kristel.

"Oh no!!."nailing na sabi ni Sienna.

"Yes he is my crushed. At saka crush lang naman. Jealous ka na kaagad. Kaya pala kahit na ganon ang turing sayo ni Pierre ay hindi mo maiwan iwan dahil nainlove ka na nga ng todo sa kapogihan niya.

"Sino ang nagseselos?"tanong ni Pierre na narinig pala ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at yung huli lang ang narinig ng dalawang lalaki. Hindi nila namalayan na nakababa nap ala ang dalawa.

"Ahhh, wala, may sinasabi lang si kristel sa akin." Nagbabanta ang tingin ni Sienna kay Kristel.

"Yung BF ko nagseselos." Ayon ni Kristel.

"By the way Sienna. Go move your things in the guest room. Doon ka matutulog mamayang gabi. "Utos ni Pierre sa kanya. Kahit kaylan ay dominante ang asawa niya. At yun ang kinaiinis niya.

Wala siyang nagawa kundi umakyat ng hagdan. Hinila niya si Kristel at baka pag hindi niya isama ito ay madulas pa ang dila niya. Dahil nakita niya sa mukha ng asawa niya at sa kuya ni Kristel ng hindi kumbinsido sa sinabi ni Kristel.

"Ano ba Sienna bakit hinila mo pa ako dito sa taas."simangot na tanong ni kristel.

"Ayaw kung maiwan ka doon. Baka madulas ang dila mo at sabihin mo pa doon sa magaling kung asawa ang pinag-usapan natin kanina. Lalong magmamalaki yun pag nalaman niyang mahal ko na siya ng sobra." Paliwanag ni Sienna.

"Ok ok. Bitiwan mo na yang braso ko."

Pumasok na sila sa kuwarto ni Kristel para kunin lahat ng gamit niya. Ayaw man niyang lumipat ng kuwarto ay hindi naman niya magagawa dahil kilala niya ang asawa niya. Wala itong pakialam nasaan man sila. Ayaw niyang makita nina Kristel at ang kuya nito ang awayan nilang dalawa pag hindi niya ito sinunod.

Naisip ni Sienna sana iwan siya ng asawa niya dito sa bahay nina Kristel. Pero ang puso naman niya ay against sa naisip niya.

Nailipat na niya ang mga damit niya pero bumalik siya sa kuwarto ni Kristel. Doon sila nagkuwentuhan ng tungkol kay Pierre.

SAMANTALA sa baba,nag-uusap sina Pierre at Kevin tungkol sa sinabi ni Kevin about kay Sienna.

"Pare kasalanan ko ba na magustuhan ko ang asawa mo. Hindi ko naman alam na asawa mo pala siya. At saka nauna ko siyang nakilala kesa sayo. Nag-aaral pa lang siya ay kilala ko na sa mga kuwento ng sister ko. At kasalanan mo din kasi ni hindi mo ipinakilala sa amin kung sino ang napangasawa mo. Itinago mo pa siya sa amin."pagpapaliwanag ni Kevin kay Pierre.

"Ito lang ang masasabi ko pare, huwag na huwag mong lalapitan ang asawa ko. Once na makita kong nilapitan mo siya ay kalimutan mo ng magkaibigan tayo."pormal na paalala ni Pierre

"Pare naman, paano ko hindi lalapitan kung dito mismo siya sa bahay nakatira. Umuwi na nga lang kayo para makaiwas ako sa gulo."birong sabi ni Kevin

Say You WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon