Nag-enjoy si Sienna sa paglilibot sa maliit na lugar nina Kristel. Nagpunta din sila sa Lake at nakita nga niya ang mga kubo ng kuya nito. At lalong gumanda ang Lake. May mga bench na at at ang burol na nasa tabi ng lake ay may mga ilaw na din at mga kubo kubo. Nakalimutan saglit ni Sienna ang problemang dala dala niya. Nag-ienjoy siya sa mga nakikita niya. Nature lover kasi siya kaya madali lang siyang mainteract sa mga puno at mga bundok, mga halaman.
"So how is it? Do you like our place?"tanong ni Kristel.
"Alam mo namang gustong gusto ko ang lugar niyo noon pa." sagot naman niya sa kaibigan
Nakabalik na sila sa bahay nina Kristel at nag isnack dahil nagutom sila sa pamamasyal nila.
Dadalaw din daw mamaya ang bf ni Kristel kaya mamimeet niya ito.
Ng magring ang cp ni Kristel.
"Hello, kuya. "Sagot ni Kristel
"What!!! On the way ka dito? Bakit ka uuwi?" sunod sunod na tanong ni Kristel.
"Oh ok, bakit di mo na lang inutusan ang driver nina daddy kuya."
"Kasi may aayusin din akong mga papeles para sa resort, pupunta kasi yung investor sa birthday ni mommy Kristel kaya kailangan ay maiayos ko bago dumating yung time na yun."
"Ok kuya, magpapaluto ba ako?"
"Kaya nga tumawag ako Kristel. Magpaluto ka ng marami.Kasama ko ang gf ko."
"May bisita pala ako kuya. Kaibigan ko si Sienna. Yung sinasabi ko sayo sa phone noong nasa US ka pa."
"Ok im looking forward to meet her. Got to go na. Andito na si Laura Kristel. Love you sis."
Ganon silang magkapatid. Very close sila. Maloko lang ang kuya niya sa babae kaya kung minsan ay naiinis siya sa kuya niya.
"Sino na naman kaya ang gf na kasama ni kuya na dadating dito?"naitanong niya sa sarli.
"Uy Sienna, dadating si kuya Kevin. On the way na sila. Kasama daw niya ang GF niya."
"Ganon ba. Hindi ba masungit ang kuya mo?"
"Ay hindi, mabait yun. Lalo na sa mga magagandang babae. Kaya humanda ka. Anyway kasama daw niya ang gf niya kaya hindi makakalandi yung sayo."biro niya sa kaibigan.
"Ikaw talaga Kristel. May asawa na kaya ako. Kaya wala na yan sa akin." Nakangiting sagot ni Sienna.
"Hay naku hiwalayan mo na yang gagong asawa mo. Pinaiiyak ka rin lang. Manang,manang!!! sigaw niya sa katulong habang kinakausap si Sienna.
"Bakit Kristel?"tanong ng katulong nila.
Ipagluto niyo raw si kuya ng masasarap na pagkain may bisita siya. On the way na po siya."
"Ok walang problema anak."sagot naman ng katulong nila.
"Basta ihahanap kita ng lalaki rito. O kaya si kuya na lang pag hindi pa siya serious sa babaeng kasama niya ngayon."
"Loko ka.Mahal ko ang asawa ko kahit na ganon lang siya. Nasaktan lang ako ng sobra. Kung hindi lang siya nambabae ay matitake ko pa ang ibang ugali niya. Ang ayaw ko lang ay yung ishare sa iba ang pag-aari ko na."mahabang sagot niya kay Kristel.
"Mahal ka diyan, sinasaktan ka niya tapos sasabihin mong mahal mo siya. Guwapo din kaya si Kuya."biro niya ulit.
"Hay naku tigilan mo na nga ako."
Natatawa naman si Kristel. Pero birong totoo yung sinabi niya kay Sienna.
Ng wala ng masabi ay pareho silang umakyat sa taas at pumasok sa loob ng room. Nahiga at natulog. Hindi nila namalayan ang oras. Dumating ang kuya ni Kristel.

BINABASA MO ANG
Say You Will
RomanceThe love that Sienna has for Pierre... Will they overcome all the trials in their relationship?