Chapter 11

10 0 2
                                        

Dalawang araw bago ganapin ang party ng birthday ng mommy ni Kevin ay nasa Mulawin na sina Pierre at Sienna.

Hindi alam ni Pierre na nakastay sa isang cottage ang amerikanang naging ex-gf niya. Si Kiera. At hindi rin niya alam na inimbitahan ni Kevin si Tara.

Natapos ang pinagawa ni Pierre na simpleng nipa hut sa tabi ng Lake. Doon sila nag-stay ni Sienna. Nagulat si Sienna sa bahay na pinagawa ni Pierre. Napakasimple pero napakaganda. Katabi mismo ang lake at nahahawakan ang tubig sa may balkonahe ng bahay. Parang nakalutang lang ang bahay sa tubig.

Ang labas ng bahay ay simpleng bahay kubo lang pero matibay ang mga kahoy na ginamit. Pati bubong nito ay simple lang. Sa loob naman ay kompleto sa gamit. Flat Tv, fridge, dining table, sofa at iba pa. Balak ding pakabitan ni Pierre ng internet connection pag nagawa na ang satellite na pinapatayo nila.

Napakayaman ni Pierre. Yun ang kinaiinggitan ng mga babae kay Sienna. Ang yaman at ang kapogihan nito. Nagtataka ang iba kung bakit daw ito pumatol sa isang mahirap lamang. Hindi pinansin ni Pierre ang mga balitang lumalabas sa mga magazine. Umabot na kasi sa mga taynga ng reporter ang ipinakilala ni Pierre na asawa nito sa office niya. Kaya pati reporter ang sinusundan siya,saan man siya pumunta. Nasisiguro din ni Pierre na maraming mga reporter mamaya dahil sa kanya at kay Kevin. Habulin din ng paparazzi si Kevin.

Nakahiga si Sienna sa kama dahil kanina pa siya nahihilo. Hinatid sila ng helicopter na pag-aari ng asawa niya. Nagpaalam si Pierre sa kanya na lalabas muna at ichecheck ang mga nipa huts na nagawa na.

Malaking celebration ang magaganap sa resort. Ang una ay ang birthday ng mommy ni Kevin, 2nd ay ang opening ng resort.

Dala rin ni Sienna ang gown na binili ni Pierre para sa kanya. Kulay itim ito na ang haba ay hanggang taas ng tuhod niya. Medyo mababa ang neckline at pati likod nito ay mababa rin. Bumili rin ito ng mataas ang takong na sapatos na bumagay sa kanya.

"Sweet ng asawa ko ah."lambing pa niya kay Pierre kinagabihang dumating ito na dala dala ang pamparty na gamit para kay Sienna. Puro mamahalin pa ang brand ng damit at sapatos niya.

Naningil naman si Pierre kinagabihan.. Nasanay na siya sa pagka-arogante at pagkasuplado ng asawa. Hindi naman siya pinapakitaan ng ganong ugali mula noong malaman ng asawa niya na mahal din niya ito. Sa mga kabusiness partner niya minsan naririnig niya sa phone kung papaano barahin ni Pierre ang mga ito.

Nakatulog siya . Napagod siya masyado mula pa kahapon na kadarating nila. Pinuntahan siya kaagad ng kaibigan niyang si Kristel.

Mabilis lumipas ang oras.....

"Huh!!Hmmm," napabangon mula sa kama si Sienna. Naalimpungatan ito. Hindi niya akalaing makakatulog siya ng ilang oras. Tumayo siya at hinanap ang asawa.

Lumabas siya, pero wala sa salas at kusina. Pumasok siya ulit sa kuwarto nila at naligo. Pagkaligo ay nagsuot siya ng favorite niyang short na jeans saka fitted na blouse na cartoon ang character. Nasuot siya ng tsinelas na havianna saa lumabas. Hahanapin niya si Pierre dahil gutom na siya. Paglabas niya ay naglakad siya sa tabi ng lake na pinalagyan ng special at matibay na kahoy na sahig para daraanan. Hallway..

May mga upuan ding puro ukit kahoy na narra. Napakaganda ang lugar na iyon. Mawawala ang bigat na dinadala ng mga taong ngapupunta doon. Relaxing place sabi nga ng iba.

Naglalakad na siya ng mapansing niyang nakatingin ang isang grupong puro mga mukhang mayayamang lalaki sa kanya. Nakaupo sila sa isang upuan habang nagkukuwentuhan.

Tumigil siya sa paglakad dahil nakaramdam siya ng hiya. She lowered her head at kunwari ay tinitingnan niya ang suot suot niyang step-in. nag-angat siya ng ulo ng makarinig ng yabag na palapit sa kanya. Saka hinawakan siya sa braso.

Say You WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon