Chapter 5
Kahit na nalulungkot si Sienna ay naramdaman pa din niya ang saya dahil nagkita kita na naman sila ng mga kaibigan niya. Matagal na ng huli silang magkita kita. Hindi pa nga nila alam na siya ay may asawa na. Nagtanong si Kristel nong nasa sasakyan na sila kung nag-asawa na siya, dahil nakita nito ang singsing niya.
Hindi niya ito sinagot. Iniba lang niya ang usapan. Pero matalas ang kaibigan niya. Alam nito na may problema siya kaya siya nandito sa lugar nila.
“Sienna, feel at home ka lang ha. Ihahanda ko lang ang pagkain. Kumain na siguro sina daddy.” Sabi ni Kristel sa kanya.
Pansamantala ay doon na muna siya sa kanila makikistay habang siya ay mag-uumpisa pa lang ng bagong buhay sa lugar nila Kristel.
Mababait na mga tao ang pamilya ni Kristel kaya kahit na nihihiya siya ay isinantabi muna niya yun. Pag naka-umpisa na siya sa pagtuturo sa school ay magpapagawa siya kahit na bahay kubo lang.
“Kristel, hindi ba talaga nakakahiya sa parents mo at sa kuya mo?” tanong ni Sienna.
“Tumigil ka na nga sa katatanong Sienna, sinabi na nina daddy at mommy na dito ka muna kasi para daw may kasama ako. Mga katulong lang ang kasama ko. Alam mo namang nasa manila ang business nina daddy. Si kuya naman, dumating na galing amerika. Pero nasa manila din dahil tinutulungan niya sina daddy sa business nila.Bukas luluwas na naman sina mommy at daddy kaya mag-isa ko na lang ulit dito..”
Hindi pa namimeet ni Sienna ang kapatid ni Kristel na lalaki. Panganay daw ito yun ang kwento ni Kristel sa kanila noon. Ayaw ni Kristel na hawakan ang business ng mga magulang kaya nagtuturo din siya sa school.
Pero nakita na ni Sienna sa picture ang kuya ni Kristel, dalawa lang silang magkapatid. At masuwerte sila dahil mayaman ang mga magulang nila. Kahit na anong gustuhin nila ay nakukuha nila. Hindi naman siya naiinggit, kaya lang hindi sana niya napakasalan si Pierre kung mayaman din sila. Yun ang nasa isip niya, na sana mayaman sila at hindi sila nakautang ng malaking halaga kay Pierre.
Ngayon pati puso niya ay bihag na ng lalaking nagbigay ng sama ng loob at pati puso niya ay nasasaktan pag naalala niya ang pambabae nito, at dahil mahal na niya ang asawa kaya siya nasasaktan at ang rason kung bakit napadpad siya dito sa malayong lugar na ito.
“Oh, bakit natahimik ka na diyan.May nasabi ba akong hindi maganda?”tanong ni Kristel.
“Huh, wala naman, may naalala lang ako.” Gulat na sagot niya.
“Oh para kasing ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka naman ganyan dati. Anyway handa na ang mesa Sienna. Alam kung gutom ka na.”
“Ikaw talaga, mamaya ikukuwento ko sayo ang buhay ko. “napapailing na sabi ni Sienna sa kanya.
“Siyanga pala, Kristel, hindi ba umuuwi ang kuya mo dito?”
“Hay naku, sanay sa city life yun, kung hindi lang naawa kina daddy at mommy hindi uuwi yun from America. Kaya minsanan lang kung umuwi dito. Pag may importanteng gagawin lang. In 3 months time uuwi yun, kasi dito magbibirthday si mommy.”
“Ganon ba, nakakahiya,nataon pang nandito ako. Pero I’ll try na lumipat, kahit pagawa lang ako ng kubo muna.”
“Isa pa Sienna babatukan na kita.Sinabi ng ok lang kina mommy at daddy eh. Bukas pag gising ka na ay , sasabihan ka rin nila na dumito ka muna.”
![](https://img.wattpad.com/cover/2536382-288-k601542.jpg)
BINABASA MO ANG
Say You Will
RomanceThe love that Sienna has for Pierre... Will they overcome all the trials in their relationship?