Finale

16 0 2
                                    

Naging pasaway si Caleb sa buhay ni Sienna pero hindi siya nawalan ng pasensiya dito. Ang laging rason niya ay bata ito at kailangang pag-tuunan ng pagmamahal dahil ulila na ito ng lubusan. Si Pierre na kinikilala niyang ama ay hindi naman niya tunay na ama. Kaya kahit na ganon ang ugali ni Caleb ay naiintindihan ni Sienna.

Isang araw ay tinatawag ni Sienna na kumain na at hindi pa kumakain. Nasa trabaho si Pierre .

"Caleb, come and eat your lunch. You've been in front of Tv since this morning." Tawag ni Sienna

"No, leave me alone. I want my daddy and mommy."

"Your dad is at work right now. I'll call him to come home early today later on. But you have to come and eat first. Your going to get sick if you don't come and eat."

"I'll wait for my mom and dad to come home."

Lalapitan na sana ni Sienna si Caleb ng bigla siyang mahilo. At natumba siya. Nakita naman siya ng katulong nila kaya dali dlaing sumaklolo ito. Nagdilim ang lahat sa kanya.

"Mam, Sienna!" ninerbiyos ang katulong sa paggising sa kanya. Pero wala pa rin siyang malay. Tinawagan niya si Pierre at sa gulat nito ay pinagsisigawan ang katulong niya.

Ganon ang ugali ni Pierre. Lalo na pag mahal na mahal niya ang nasasaktan.

Dali daling, umuwi si Pierre. Kinakabahan siya sa ibinalita ng katulong niya. Pagdating sa bahay nila ay, nakita niya si Sienna na wala pa ring malay. Isinakay niya sa kotse at dali daling pinaandar.

"I hope it's not serious baby."bulong ni Pierre saka tiningnan sa salamin ang asawang wala pa ring malay.

Tiningnan niya ng pagalit na tingin si Caleb. Sinabi kasi ng katulong niya na si Caleb ang dahilan. Kaya niya nasigawan ang katulong niya ay dahil bakit hinahayaan na si Sienna ang mag-asikaso kay Caleb.

Nakarating na siya sa ospital ay dali dali niyang binuhat ang asawa sa loob....

Tinawagan din ni Pierre ang magulang nito.

"Hmmmmm...." Iminulat ni Sienna ang mga mata.

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.

Ng biglang magsalita si Pierre

"You in the hospital honey."nakangiting sabi nito.

Nagulat siya dahil ang natatandaan niya ay nasa bahay siya.

"Paano ako napunta dito?"tanong niya ulit.

"Nawalan ka ng malay kaya itinakbo kita dito."

Sa sinabi ni Pierre ay doon lang niya naalala ang lahat. Masakit ang ulo niya.

"Anong sakit ko?"

"Well, nothing serious baby, and I thank God. Dahil kung hindi ay makakatikim sa akin ang batang yan." Nakangiting sagot niya.

"Eh masaya ka yata?"

"Yes I am. I am going to be a daddy. The doctor said your 3 months pregnant."

"Ohhh. "nasambit niya. Wala siyang masabi. Napaiyak siya sa saya.

"Don't cry baby, hindi maganda sa naglilihi ang umiiyak."

Hindi naman niya naituloy ang pag iyak niya dahil sa halik ni Pierre sa labi niya. Nang bitiwan ni Pierre ang labi niya ay sinabihan ni Sienna na huwag masyadong istrikto kay Caleb.

"He needs your love Pierre."sabi ni Sienna.

" Ipinakikita ko naman na mahal ko siya. Itinuring ko na nga siyang anak. Ang ayaw ko lang ay yung pinalaki ni Kiera na spoiled ang batang yan. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say You WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon