6

182 8 2
                                    


"Kuya Ferdz, nasa bahay na po ba si hubby?"

Sinundo ako ni Kuya Ferdinand, yung driver namin, sa school at pauwi na kami ngayon sa bahay.

"Wala pa po, Ma'am Addi."

Ang kukulit talaga ng mga nagtatrabaho sa bahay kasama na itong si Kuya Ferdz. Buti pa sina Hunter at Nate, isang sabi ko lang na 'wag na akong tawaging Ma'am, sumunod agad. Hahayaan ko na nga lang sila at napapagod na rin naman ako sa kakasabi sa kanila na huwag na akong tawaging Ma'am.

"Kuya, dumaan po muna tayo sa drive thru ng Mcdo. Nagke-crave po kasi ako sa fries."

"Sige po, Ma'am."

Bumili ako ng dalawang large fries at dalawang sundae. Tig-isa kami ni Kuya Ferdz. Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una pero napilit ko rin naman. Sayang naman kasi kung hindi niya kakainin, diba? Hindi ko naman kayang ubusin iyon lahat.

Pagkadating namin sa bahay, agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Naisip ko kasi na magresearch ng masarap na pwedeng mailuto para sa dinner namin mamaya.

"Nate? Anong ginagawa mo dito? Nandyan ba si hubby?"

"Pffftt... Sino?"

"Si hubby... I mean, si Zach."

Sa halip na sumagot ay tinawanan niya lang ako. Magkaibigan nga sila ni Zach kasi parehas silang bigla-bigla na lang tumatawa kahit wala naman talagang nakakatawa. Konti na lang, iisipin ko na talagang may mga sayad sila.

"Ohh? Bakit ka na naman tumatawa? May problema ba?"

"Wala. Ang ganda lang ng tawag mo kay Master."

Naiinggit siguro si Nate kasi hindi niya kasi iyon naisip sa tinagal-tagal nilang magkasama ni Zach.

"Daig ka noh? Hayaan mo na! Kapag may time ako, iiisip din kita ng pwede mong itawag kay hubby para magkaiba kayo ni Hunter."

"Pffttt... 'Wag na. Ayos na ako sa Master," sabi niya habang nagpipigil pa rin sa pagtawa. Napakamasayahin niya talaga kahit kailan kaya hindi ako nagtataka kung bakit baby face pa rin siya hanggang ngayong malaki na siya.

"Sure ka? Mas maganda kaya kapag naiiba para may originality."

Tumango-tango siya.

"Si Hunter na lang ang iisip mo, Addi. Alam mo kasi, matagal nang nag-iisip ang isang iyon ng pwedeng itawag kay Master pero dahil hindi niya mahanap ang utak niya, hindi rin siya makapag-isip hanggang ngayon."

Tamang-tama! Matutulungan ko si Hunter sa kanyang pinoproblema. Ano kayang mai-suggest sa kanya? Zaza o Zaczac? Both na lang. Siya na lang ang bahalang mamili sa dalawa.

"Sige! Ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi mo ba kasama si Hunter?"

"Hindi ko siya kasama. May pinakuha lang sa'kin si Master dito sa bahay niyo tapos babalik na rin ako ngayon sa office niya."

Tiningnan ko ang relo ko. 3:57 pm pa lang naman at masyado pang maaga para magluto ng dinner namin.

"Pwede ba akong sumama? Please?"

"Ahh... Ehh... Baka kasi--"

"Sige na! Hindi ako manggugulo doon. Promise!"

"Sige pero tatawagan ko muna si Master para maipagpaalam kita. Baka kasi malintikan ako doon pagdating natin," sabi niya sabay kuha ng cellphone sa bulsa niya.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon