31

133 4 3
                                    

"Hubby, nakakatuwa naman dito sa probinsya kasi mas tahimik at payapa ang paligid tapos napaka-approachable pa ng mga tao."

Nagpalit lang kami ng damit kanina at kumakain na kami ngayon ni hubby ng mga mangga na may sawsawang alamang na bigay pa sa amin kanina ni Nanay Dada, ang caretaker ng bahay. Dito kami pumwesto sa ilalim ng isang punong mangga na hindi kalayuan sa bahay na tutulugan namin mamaya. Hindi kasing laki ng bahay na naandito sa farm sa Batangas ang bahay ni hubby sa Maynila pero maganda at alagang-alaga pa din.

Kumakain at nagpapahinga muna kami ngayon at maya-maya ay sisimulan na naming libutin itong beach resort na may kasama ding mini farm. Kanina ko pa nga gustong maglibot pagkadating na pagkadating namin kaya lang ay ayaw naman pumayag ni hubby hangga't hindi pa kami nakakakain at nakakapagpahinga.

"You want to live here instead?"

"Pwede pero syempre gusto ko ay kasama kita kapag dito ako titira."

Kinindatan ko siya at nakita ko naman ang pamumula ng mga tainga niya kaya napangisi ako. Tumabi ako sa kanya sa upuang kahoy at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang inuubos ko ang mangga na hawak-hawak ko.

Wala ni isang nagsasalita sa aming dalawa pero nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko. Minsan talaga, hindi mo kailangan ng mga mabubulaklak na salita para sumaya ka dahil minsan, makasama at maramdaman mo lang siya, masaya ka na.

Nang mapagdesisyunan naming maglibot na, nagpakuha siya ng isang kabayo sa isa sa mga trabahador. Sabi ko kasi ay sa mini farm muna kami maglibot bago doon sa mismong beach resort.

"Hubby, bakit isa lang? Dapat tig-isa tayo."

Although hindi ako marunong mangabayo at medyo natatakot ako, gusto ko pa ring masubukan.

"Next time," sabi niya sabay kindat sa akin.

Maya-maya, dumating si kuya na inutusan ni hubby kanina na may kasamang isang puting kabayo. Nagpasalamat kami pagkatapos ay iniwan na kami ni kuya.

"May pangalan ba siya, hubby?"

Nilapitan ko ang kabayo at sinuklay-suklay ang buhok nito gamit ang mga daliri ko.

"Popo."

"Hi, Popo! Ako nga pala si Addi, ang magandang asawa ng amo mo."

Humalakhak si hubby. Pansin ko talaga na kapag binabanggit ko ang tungkol sa kagandahan ko, palagi siyang tumatawa na parang nagsasabi ako ng isang joke. Hindi ba siya nagagandahan sakin? Joke ba ang kagandahan ko? Siraulo itong si hubby a!

"Popo, tadyakan mo nga ang amo mo. Palagi na lang kasi niya akong pinagtatawanan."

Lumapit sa amin si hubby at inakbayan ako. Natatawa pa rin siya at halatang pinipigilan lang niya ang sarili niya.

"Wife, ikaw na ang amo niya ngayon. Do you still want him to kick you?"

"Ako na ba?"

Tumango siya at halatang nagpipigil pa rin sa pagtawa.

"Popo, joke lang. Huwag mong seseryosohin ang sinabi ko sa'yo kanina."

Humalakhak ulit si hubby na akala mo'y nanonood ng isang comedy movie. Nang matapos siyang tumawa, niyaya ko na siyang sumakay kay Popo. Inalalayan niya ako para makasakay ako kay Popo nang maayos bago siya sumunod.

Parang nakayapos lang mula sa likod ko si hubby habang pinapatakbo niya si Popo kaya langhap na langhap ko ang bango niya.

"Wife, are you happy?"

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon