32

130 4 0
                                    

Inhale. Exhale.

"Addi! Ano ba? Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mong pabalik-balik. Itetext ko na ba si Zach para kumalma ka?"

"No!"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsagot ko at pag-upo sa tabi ni Danie. Bago ako pumasok kaninang umaga, kinukulit ako ni Zach na sasamahan niya ako ngayon pero ayoko at maaabala ko lang siya sa mga ginagawa niya sa opisina.

"Huwag ka na kasing kabahan, Addi. Kayang-kaya mo 'yan!"

Nakatapos na kasi si Danie sa defense niya noong isang araw dahil nauna ang section nila na mag-defense kaya kampante na siya. OJT na lang ang poproblemahin niya next sem at sure nang makakagraduate na siya.

Mabuti nga at naging successful ang defense niya. Sana ay maging successful din ang akin. Hindi ko naman hinahangad ang titulong best thesis, basta makaraos at maipasa ko ito ay ayos na ako.

Habang kinakalma ko ang sarili ko ay abala naman si Danie sa pagpipindot sa kanyang cellphone.

"Oy, baka tinetext mo si hubby, tatamaan ka talaga sa'kin Danielle!"

"Chill! Hindi ko tinetext si Zach."

Kahit na alam kong isa si hubby sa nagpapalakas ng loob ko, ayoko pa rin siyang itext o tawagan dahil baka mamaya, makapunta pa iyon dito.

"Addi, pupunta lang ako sa canteen at bibili ako ng tubig. Babalikan kita dito mamaya," sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niyang silya.

"Sige," sagot ko.

Natapos at naipasa ko na ang lahat ng requirements na dapat kong ipasa sa iba kong subjects noong mga nakaraang araw. Ito na lang talagang defense at makakapagbakasyon na din ako.

Mabuti pa nga ang Lim-Vianne University at bakasyon na kahapon pa kaya nagpapasarap na sa buhay ngayon ang mga kapatid ko pati na rin sina Yen at Pay na pare-parehas na doon pumapasok.

Anong oras kaya matatapos yung kaklase ko sa pagde-defense niya? Parang gusto ko nang sumalang nang matapos na ang lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Habang binabasa ko ang mga notes ko sa notebook, biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Danie

Addi, pumunta ka daw sa AVR. Ngayon na. Good luck, bes!


Wait. What? Defense ko na ba? Imposible. Parang kakaalis lang kani-kanina ng ka-blockmate ko na una sa akin tapos pinapapunta na agad ako. At saka, sa pagkakatanda ko ay sa Room 401 ang defense room at hindi sa AVR. Pero bakit ginogoodluck na agad ako ni Danie?

Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko pero wala na akong panahon para i-entertain silang lahat kaya mabilis kong inayos ang lahat ng gamit ko at pumunta sa 5th floor kung nasaan ang AVR. Baka mamaya ay mapagalitan pa ako ng mga panel kapag na-late akong dumating.

Inayos ko muna ang suot kong damit bago huminga nang malalim at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Pagkabukas ko, wala namang tao sa buong silid. Sasapakin ko talaga 'yang si Danie kapag nagkita kami mamaya at ngayon pa niya naisipang pagtripan ako kung kailang wala ako sa mood para makipagbiruan.

Tatawagan ko na sana si Danie nang biglang nakita ko na may isa siyang text kaya binasa ko muna ito.

From: Danie

Joke lang! Pinapaalis ko lang ang kaba mo, bumalik ka na dito sa third floor.


To: Danie

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon