Season 1 - Epilogue

205 6 3
                                    

Habang papalapit nang papalapit ang kotse na sinasakyan ko sa simbahan ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko sa 'di ko matukoy na kadahilanan. Pakiramdam ko nga ay mas mabilis pa ito kaysa sa pagpapatakbo ni Manong Ferdz sa sasakyan ngayon. Hindi na naman kami magkasabay ni hubby dahil ayon sa sulat na iniwan niya sa night table kanina noong nagising ako ay may lakad daw sila nina Nate at Hunter kaya naisip ko na baka sa simbahan na lang kami magkikita mamaya.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong nag-away kami ni hubby at ngayon ay araw na ng kasal nina ate Rosie at kuya Gavin pero hindi pa rin kami nagkikibuan. Sa iisang bubong pa rin kami nakatira at sa iisang kama natutulog pero hanggang nakaw lang kami ng tingin sa isa't-isa. So near, yet so far!

Maaga siyang umaalis ng bahay at gabing-gabi na din umuuwi kaya si Manong Ferdz ang naghahatid sa akin sa kompanya kapag pumapasok ako at sumusundo sa akin kapag umuuwi ako sa bahay. Ni hindi ko nga siya nakakasabay kumain kaya niyayaya ko pa ang mga kasambahay namin para lang hindi ako maging malungkot sa hapag-kainan.

Umaasa pa rin naman ako na magkakaayos din kami. Naghahanap lang talaga ako ng magandang tiyempo at kakausapin ko na siya.

Walang nakakaalam na hindi kami magkaayos maliban sa mga kasama namin sa bahay. Sinabi ko kina Avery at Danie na naayos na namin ni hubby ang problema namin para hindi na nila ibring-up yung topic about doon at hindi na nila sabihin ito sa pamilya ko. Mabuti nga't naniwala sila sa kwentong ginawa ko. Ayoko rin kasing idamay silang dalawa sa away namin kasi mas lalo lang gugulo ang sitwasyon kapag madaming nakikisawsaw.

"Ma'am Addi, naandito na po tayo."

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko man lang namalayan na nakababa na pala si Manong Ferdz ng sasakyan at ngayon ay pinagbubuksan na ako ng pinto. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na naglakad patungo sa harap ng simbahan kung saan sinalubong agad ako ni Danie nang mahigpit na mahigpit na yakap.

"Grabe, girl! Kanina pa kitang inaantay. Akala ko talaga ay mauunahan ka pa ng bride sa pagdating. Bakit ba ang tagal mo? At nasaan si Zach?"

OA naman ng isang ito! Kalahating oras pa nga bago magsimula ang kasal kaya medyo tinatamad pa akong pumunta dito kanina. Mas excited pa kasi sila bi Avery sa ikakasal kaya nagplano sila na pumunta kami nang maaga nang makapag-picturan kami. Ano ito? Photoshoot?

Sasagot pa sana ako sa tanong niya nang biglang magsilapitan sa amin sina Avery, Yen at Pay kasama ang isang professional photographer na ini-hire para sa kasal nina ate Rosie at kuya Gavin ngayong araw kaya nauwi ang lahat sa pagpapakuha ng litrato. Hindi lang isang litrato ang ipinakuha namin dahil humirit pa nang humirit ang mga kasamahan ko sa photographer at nakisali pa sa'min sina Prey, Ross, Nate at Hunter.

Nagpalinga-linga ang mga mata ko pero hindi ko mahanap ang gusto kong makita. Nasaan na kaya ang isang iyon? Bakit hindi siya kasama nina Nate at Hunter? Don't tell me na hindi siya aattend ngayon.

Natigil lang kami sa pagpapakuha ng mga litrato nang tawagin ni daddy sina Prey at Ross kasabay nang pagyayaya ni Avery na pumunta sa CR para mag-retouch. Walang tigil pa din ang paggala ng mga mata ko sa paligid dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Maya-maya ay magsisimula na ang kasal pero bakit hindi ko pa rin siya nakikita?

"Tara na, ihing-ihi na ako!"

"Addi, hindi ka ba sasama?"

Umiling lang ako. Mabuti na lang at hindi na nila ako pinilit dahil wala talaga akong balak sumama sa kanila ngayon.

"Hunter, iyon na ata ang girlfriend mo o!"

Sumigaw si Nate kaya nakuha niya ang atensyon ko. Tinuturo niya ang isang babaeng nakatalikod sa amin na ngayon ay kinukuhaan ng litrato ng isa sa mga photographer na nag-aantay sa pagdating ng mga bisita. Tinapik lang ni Hunter ang balikat namin ni Nate pagkatapos ay pinuntahan na niya ang babaeng itinuturo ni Nate.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon