14

126 5 0
                                    

Nandito kami ngayon nina Nate at Hunter sa National Bookstore. Bumibili ako ng mga kakailanganin ko sa school habang inaantay namin si Payton na ngayon ay on the way pa lang papunta dito.

FLASHBACK

"Akala ko, magpa-pass ka na naman, Hunter babes! Huhubadin ko na sana ang damit ko," sabi ni Nate.

"Naawa kasi ako sa'yo. Baka mapahiya ka kapag naghubad ka. Wala ka pa namang abs."

"Aba! Sinong walang abs sa ating dalawa? Baka gusto mong ipakita ko pa sa'yo ngayon ang pinaghirapan kong mga pandesal?"

"Hoy! Mamaya na nga kayong dalawa mag-away. Excited na akong utusan si Avery!" saway ko kina Hunter at Nate. Ako na kasi ang mag-uutos o magtatanong sa kapartner ng susunod na matatapatan ng bote.

"As if!" sabi naman ni Avery kaya pinaikot ko na ang bote. Kay Kuya Gavin! Kay Kuya Gavin! Paulit-ulit kong bulong. Si Avery kasi ang kapartner ni Kuya Gavin kaya kailangan siya ang matapatan ng bote para si Avery ang tatanungin ko ng truth or dare.

Unti-unting humihina ang pag-ikot ng bote hanggang sa mapatapat kay...

"YES! Sabi ko na nga ba! Ohh, Avery, truth or dare?"

"Pfft..."

Yung apat, halatang nagpipigil ng tawa nang mapatapat ang bote kay kuya Gavin dahil nanlilisik na naman ang mga mata ni Avery.

"Psh! Truth!"

Bakit kasi hindi na lang dare ang pinili ni Avery? May maganda pa naman akong naiisip na ipagawa sa kanya kung sakaling dare ang pinili niya.

Teka nga! Mag-iisip pa nga pala ako ng tanong.

"Kung liligawan ka ulit ni kuya Gavin, may pag-asa pa ba siya sa'yo?"

Parang nagulat sila sa tanong ko, lalong-lalo na si kuya Gavin na halatang-halata ang pagkagulat sa mukha. Si hubby lang talaga ang walang pinagbago ang facial expression.

Tiningnan ni Avery si kuya Gavin na nananahimik sa tabi niya at biglang nagsimulang ngumisi na parang may binabalak na hindi maganda.

"Pass!"

"Woah! Paano ba 'yan Gabo, anong huhubadin mo, 'yang damit mo o 'yang pants mo?"

"Damit na lang."

Oh my gulay! Parang hindi ako ready dito ah! My eyes! Magkakasala ang mga mata ko. Bakit kasi nag-pass pa si Avery? Oo o hindi lang naman ang isasagot niya.

Si hubby lang ata ang hindi nagpa-pass sa amin kahit gaano pa kahirap ang dare sa kanya. Si Nate naman, madalas nagpa-pass kaya ito namang si Hunter, nakikigaya din. Feeling ko, nagbabawian lang silang dalawa. Nagpass din ako kanina ng isang beses kasi dinare ako ni Nate na itabi ko sa pagtulog yung picture ni Lola Anna. Kaasar lang! Alam na ngang takot ako tapos tatakutin pa. Ayan tuloy, nahubad ni hubby yung relo niya.

Huhubadin pa lang ni kuya Gavin ang damit niya nang biglang tumayo si hubby.

"Hubby, saan ka pupunta?" tanong ko habang hawak-hawak ko ang laylayan ng damit niya.

"I'm sleepy. I will just take a nap."

"Eh? Hindi pa tayo tapos! Andaya mo naman. Wala na akong kapartner!"

Tumingin si hubby sa direksyon nina Nate at parang kinakausap niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Ayoko na din pala. Nagugutom na ako. Pakain ulit ako Master ha!" sabi ni Nate pagkatapos ay pandalas na tumayo at umalis papunta sa kusina. Napapansin ko talaga na ang gutumin ng isang iyon! Ano kayang alaga niya sa tiyan?

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon