24

81 2 1
                                    

Sa loob ng isang buwan, halos ilaan ko ang buong oras ko sa thesis na ginagawa ko kaya naman natapos ko agad ang kalahati nito sa tulong na din ng kinokonsulta kong si Mr. Arnold Falgui, ang aking thesis adviser. Ginawa ko rin iyon para maibsan ang pangungulila ko kay Zach na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap.

Sina ate Rosie at kuya Gavin naman ay patuloy pa rin sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal. Sumabay na ako sa kambal sa pagpunta kay Ms. Lyn Yu noong isang linggo para magpasukat at makapamili ng design ng susuotin ko sa kasal nina ate Rosie at kuya Gavin.

Sina Yen at Pay naman ay pumupunta sa bahay kapag weekend para bisitahin ako at ang kambal na medyo busy din sa mga gawain nila sa school. Yung dalawa nina Ross at Yen, six months na at going stronger pa rin samantalang sina Prey at Pay naman ay wala pa ring progress na nangyayari. Madalas ay dedma lang si Prey sa mga ginagawang pagpapapansin ni Pay pero hindi pa rin tumitigil at nawawalan ng pag-asa si Pay na balang-araw ay mapapansin din siya ng kapatid ko.

Napag-alaman ko na sina Nate at Hunter ang naghahalinhinan bilang pansamantalang CEO ng kompanya ni Zach ngayong nasa ibang bansa ito kaya naman madalang ko na ring makita ang dalawa.

Paminsan-minsan ay bumibisita si Bru sa bahay at dinadalhan ako ng mga luto niya na ikinatutuwa naman ng aking ina. Akala niya siguro ay makakalimutan ko na may asawa na ako kapag palagi kong nakakasama si Bru.

"Danie!"

Kumaripas ako sa pagtakbo para lang maabutan ko siya. Kanina ko pa talaga siya tinatawag pero hindi naman niya ako pinapansin. Galit kaya siya sakin? Pero bakit? Wala naman akong matandaang kasalanan na ginawa ko sa kanya.

"DANIE, MAY STAIN KA!"

Para siyang naging bato sa kinatatayuan niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maabutan siya. Nang makarating ako sa pwesto niya, hindi ko maipaliwanag ang facial expression niya. Natatawa ako pero pinipigilan ko dahil baka masapok niya ako nang wala sa oras.

"Danie, joke lang. Wala ka naman talagang stain. Sinab---aray ko naman!"

Hindi nga niya ako sinapok pero hinampas naman niya ako sa braso. Ang brutal talaga ng bestfriend ko kahit kailan.

"Nakakaasar ka talaga, Addi! Ang dami-daming tao tapos iyon pa ang isinigaw mo. Ang lakas ng trip mo noh?"

"Mas malakas ang trip mo kaysa sa'kin. Bakit kasi ang bilis-bilis mong tumakbo? Iniiwasan mo ba ako?"

Kinakausap naman niya ako paminsan-minsan kapag nagkakasalubong kami dito sa school o kaya ay magkatabi kami sa klase pero puro tungkol lang sa school kaya feeling ko ay may mali. Hindi ko alam kung sadya lang siyang busy din sa thesis katulad ko o may dinadamdam na siya sa akin pero hindi niya lang masabi-sabi.

"Obvious ba?"

"Bakit? Ano bang nagawa ko? Sorry na. Last day ko na ngayong week dito sa school tapos hindi mo pa ako papansinin."

Wala akong pasok bukas dahil kahapon habang vacant ako, kumuha na ako ng exam na bukas pa sana ibibigay sa amin. Mabuti nga at pumayag yung prof ko na bigyan agad ako ng advance examination para hindi na ako papasok bukas. Iyon lang naman kasi ang ipapasok ko 'pag nagkataon.

"Ang drama mo! Tara na nga sa room, at baka ma-late pa tayo."

"Yehey! Hindi na siya galit."

Napailing na lang siya pero nakita ko naman na ngumiti siya pagkatapos. Sabay na kaming naglakad papunta sa room namin habang sinasabi ko sa kanya yung tungkol sa paga-out-of-town namin.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon