39

92 3 1
                                    

Magdadalawang linggo na ang lumipas simula noong ginanap ang party ni mommy at katulad nga ng sinabi nina ate Rosie at kuya Gavin sa amin noong araw na iyon, hindi na nga ako pinipilit ni mommy na ipa-annul ang kasal namin ni hubby. Kapag bumibista naman kami ni hubby sa bahay tuwing weekend, hindi pa rin masyado iniimikan ni mommy si hubby pero alam kong she's trying her best para tanggapin si hubby para sa akin. Okay na din naman iyon, diba? Hindi magtatagal ay matatanggap niya rin talaga kami nang lubusan.

Habang nagtatagal ay nae-enjoy ko naman ang pago-ojt sa ASC, hindi lang dahil madali kong mapupuntahan si hubby kung gusto ko kundi dahil mas nae-enhance ko yung mga skills ko lalo na pagdating sa time management. Hindi na rin ganun kataray sa'kin si Mrs Vasquez pero patuloy pa rin ang pagtatambak niya sa'kin ng isang katerbang trabaho araw-araw.

Si Danie naman, araw-araw nagkekwento sa akin na asar na asar daw siya sa amo niyang unggoy. Mas gusto pa daw niyang si hubby na lang ang maging amo niya kaysa kay Nate na sari-sari ang pinapagawa sa kanya. May isang beses nga daw na pinakanta ni Nate si Danie hangga't hindi nahahanap ni Danie yung mga files na pinapahanap sa kanya ni Nate.

Nang matapos ang morning break time namin, nagpaalam na ako kay Danie at bumalik na sa opisina ni Mrs. Vasquez. Sabay kasi kaming kumain sa canteen na may kasama pang kwentuhan sa loob ng tatlumpung minuto. Pagkapasok ko naman sa opisina niya, tumunog ang telepono na nakapatong sa lamesa niya kaya agad-agad niya itong sinagot habang ako naman ay bumalik na sa aking lamesa at nagsimula na ulit sa pagtatrabaho.

Nang maibaba ni Mrs. Vasquez ang telepono, agad niya akong binalingan.

"Addi, iwan mo na muna 'yang mga ginagawa mo at pinapapunta ka ni Mr. Stern sa opisina niya dahil may mahalaga daw kayong pag-uusapan."

"Sige po, Ma'am."

Inayos ko muna ang mga gamit sa lamesa ko bago ako lumabas ng opisina ni Mrs. Vasquez.

Ano naman kaya yung mahalagang pag-uusapan namin ni hubby at hindi pwedeng mamaya na lang namin pag-usapan kapag nag-lunch kami? Sabay-sabay kaming kumakain ng lunch nina hubby, Danie, Nate at Hunter sa opisina ni hubby. Palagi kasi kaming gumigising nang maaga ni hubby para makapagluto ng pagkain namin para hindi na kami bibili o magpapadeliver. Nagsasawa na rin kasi kami ni hubby sa mga fast food kaya isinuggest ko sa kanya na magluluto na lang ako.

Noong una, ayaw niyang pumayag. Kahit na gustong-gusto daw niyang matikman ang mga luto ko palagi, ayaw daw niyang mapuyat ako kaya yung mga kasambahay na lang daw ang paglutuin namin pero wala din naman siyang nagawa dahil nagpumilit ako. So ang nangyari, gumigising na din siya nang maaga para samahan at tulungan ako. Halinhinan kaming dalawa sa pagiging cook at assistant araw-araw kaya natutuwa ako dahil nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko, natututo pa ako. Kapag kasi siya ang cook, international dishes ang niluluto niya kaya unti-unti ay natututo na ako na magluto ng mga banyagang pagkain.

Pagkadating ko sa palapag kung saan matatagpuan ang office ni hubby, bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko lubos matukoy kung saan nanggaling iyon. Kinompose ko muna ang sarili ko bago ko hinawakan at pinihit ang doorknob.

"Ate Cass?"

Siya agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa opisina ni hubby kaya nagulat ako. Ganun pa rin ang ayos ng kanyang buhok tulad noong una naming pagkikita sa bahay niya.

"Long time no see, little sis!"

Mukhang mas maganda at mas maayos ang aura niya ngayon. Pakiramdam ko nga, mas mabait siya ng mga 10% ngayon kaysa noon.

Lumapit siya sa akin pagkatapos ay bumeso.

"Si hubby?" tanong ko nang hindi ko makita ni anino ni hubby sa loob ng opisina nito.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon