41

75 3 1
                                    

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na agad ako kay hubby at diretsong umakyat sa itaas para makapagshower na at makapagpalit na ng damit na pansimba. Simula na kasi ng simbang gabi ngayon at sisimba kami ni hubby sa chapel dito sa loob ng subdivision. Gusto ko sana kasing makumpleto ang simbang gabi para maging pasasalamat ko na din sa lahat ng biyayang ibinigay sa akin para malagpasan ang mga pagsubok sa mga nakaraang buwang nakalipas.

Matapos ang seremonyas ko sa loob ng banyo ay nagbihis na agad ako ng dress na inihanda ko kanina pagkadating namin galing sa kompanya ni hubby. Pinili ko rin yung bra ko na may foam para naman kunwari ay may laman kahit papaano ang hinaharap ko, diba?

Simula kasi talaga noong nagpunta kami sa Baguio ay na-conscious na ako sa dibdib ko. Kahit na tinatawanan naman ako ni Danie ay may itinuro siya sa akin na isang exercise na baka daw makatulong sa akin. Hindi ko nga alam kung effective ba iyon o niloloko niya lang ako pero ginagawa ko pa rin naman kahit na nakakapagod. Wala pa namang isang linggo simula nang ginawa ko iyon kaya hindi ako nagtataka kung wala pang progress.

"Hubby, bakit hindi ka pa naliligo? Diba sisimba tayo ngayon?"

Nakapambahay pa din siya at nakatayo sa may tabi ng bintana na parang may malalim na iniisip. Kung sabagay, maaga pa naman talaga. Naligo lang talaga ako nang maaga para matuyo agad ang buhok ko at maipuyod ko ito mamaya.

Baka kasi banasin ako mamaya lalo na't medyo mahaba na rin ang buhok ko ngayon. Magpapagupit na pala ako ng buhok bago ako mag-birthday para naman umaliwalas ang pakiramdam ko.

"Can we talk first?"

Halos gabi-gabi na ata niyang tinatanong sa akin kung pwede kaming mag-usap at halos gabi-gabi na rin akong nagdadahilan para hindi kami makapag-usap. Natatakot kasi ako na baka sabihin niya sa akin na ipa-annul na namin ang kasal namin. Grabe naman kasi! Hindi ba siya makapag-antay? Umaga't gabi ko na ngang ginagawa yung exercise na itinuro sa akin ni Danie para mapabilis ang pagtubo nitong hinaharap ko tapos iiwanan na niya agad ako.

"Pero baka ma-late tayo kaya maligo ka na muna," sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hindi pa lang talaga ako handa na kausapin siya kaya kahit na may isang oras pa namang natitira bago magsimula ang misa doon sa chapel na malapit lang dito sa bahay ay pinapaligo ko na agad siya.

Kinuha ko yung bracelet na binigay niya sa akin sa sidetable na pinaglagyan ko nito kanina at umupo sa kama habang ikinakabit ito sa palapulsuhan ko.

Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko at kinuha ang bracelet sa kamay ko pagkatapos ay ipinatong ulit sa sidetable kung saan kinuha ko ito kanina.

Ito na ba talaga iyon? Hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng birthday ko o kaya ay sa January na lang namin idiscuss ang pakikipaghiwalay niya sa akin? Gets ko naman na lamang na lamang sa'kin si Mimi dahil bukod sa hinaharap niya, sobrang successful na din niya sa buhay pero baka pwede namang ipagpaliban muna namin ito since may pinagsamahan naman kami kahit papaano, diba?

Hindi ako makatingin sa kanya kaya kinailangan pa niyang hawakan ang baba ko para iharap sa kanya. Naiiyak na talaga ako. Ayoko ng ganitong atmosphere kapag kami lang dalawa ang magkasama.

"Pinapalampas ko lang ang ginagawa mong pag-iwas sa akin these past few days pero hindi ko na kayang palagpasin ito ngayon. Tell me, ano bang problema natin, wife?"

Napansin na pala niya iyon. Kung sabagay, sobrang manhid naman niya kung hindi niya pa mapapansin na iniiwasan ko siya nitong mga nagdaang-araw. Palagi kasi akong nagmamadaling kumain kapag magkasabay kami, madalas din akong magtulog-tulugan kapag nasa sasakyan niya kami lalo na kapag traffic at inuunahan ko pa siya sa pagtulog sa gabi para lang hindi kami magkausap. Baka kasi mamaya ay pirma ko na lang pala ang kulang at pwedeng-pwede nang i-process ang annulment papers namin kaya kakausapin niya ako para pakiusapan ako na pirmahan iyon.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon