9

149 3 0
                                    

"Hubby, mamaya ka na naman matulog!" sabi ko habang tinatapik ang braso niya.

"Wife, it's already 11pm. I have to sleep now," sagot niya habnag nananatiling nakapikit ang mga mata.

"Pero wala na akong kasama kapag natulog ka na."

"Hindi naman ako aalis. Matutulog lang ako," sabi niya kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Hubby naman!"

"What? Matulog ka na rin kaya. May pasok ka pa bukas, diba?"

"Hindi pa nga ako inaantok."

At saka busy kaya ako sa pagda-download ng mga apps dito sa phone niya. Kasi naman, ang ganda-ganda ng cellphone, wala man lang mga application na magaganda. Mabuti pa ang cellphone ko, kahit hindi kasing ganda ng kanya, may mga apps naman na pamatay.

Nakapagdownload na nga ako kanina ng clash of clans, instagram, twitter, messenger at snapchat sa cellphone niya tapos ngayon, dinadownload ko naman ang wattpad. Naghahanap pa din ako ng iba pang apps. Sayang naman kasi ang space kung hindi magagamit, diba?

"Sige. Ganito na lang, matulog ka na pero dito muna ako ha! Mamaya na lang ako lilipat sa kwarto ko kapag matutulog na ako."

"Okay. Good night!" sabi niya tapos mabilis akong hinalikan sa pisngi. Ang daya! Hindi man lang ako sinabihan na iki-kiss niya ako. Edi sana, napunasan ko muna ang pisngi ko. Paano na lang kung oily 'yon? Nakakahiya!

"Good night din!" sabi ko pagkatapos ay nagpatuloy na sa ginagawa kong pag-iinstall.

Sa wakas! Natapos din mag-install ang wattpad. Account ko na lang muna ang gagamitin ko at paniguradong walang account si hubby sa wattpad.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kakadownload ko ng mga applications dito sa cellphone ni hubby at sa kababasa ng mga stories sa wattpad at hindi ko rin namalayan na malapit na ding maglobat itong cellphone ni hubby. Hindi ko naman naitanong kanina kung saan nakalagay ang charger niya. Paano ko kaya ito icha-charge?

"12:57am na pala. Patay! May pasok pa ako bukas este mamaya."

Tumayo na ako sa pagkakadapa ko sa kama ni hubby tapos napatingin ako kay hubby na himbing na himbing na natutulog.

"Alam ko na! Magpipicture muna tayo hubby para naman may maipost ako sa IG bago matulog."

Inihanda ko na ang cellphone niya at nagpose. Kunwari photobomber si Hubby.

"Yehey! Tapos na din. Ipo-post ko muna tapos matutulog na talaga ako."

Ano kayang magandang caption? Kahit na ano na nga lang at tinatamad na akong mag-isip.

Nilagay ko na ang cellphone ni hubby sa side table niya tapos tumayo na ako at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto.

"Good Mornight Hubby!" sabi ko kahit na alam ko namang hindi niya ako naririnig. Atleast, nagpaalam ako bago ako umalis.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ni hubby, sumilip muna ako sa labas.

"Bakit ang dilim? Paano ako makakapunta sa kwarto ko ngayon? Nasaan na kaya sina ate Shaki?"

Katabi lang ng kwarto ni hubby ang kwarto ko pero natatakot pa din akong lumabas. Sobrang dilim kaya tapos naiwan ko pa ang cellphone ko doon sa kwarto ko. Wala akong magagamit na ilaw ngayon. Bakit kasi nila pinatay lahat ng ilaw?

Sinara ko na lang ang pinto at bumalik sa kama. Gisingin ko na lang kaya si hubby tapos magpasama ako sa kwarto ko. Baka magalit siya sa'kin kapag ginising ko siya tapos sabihin niya na sinira ko ang tulog niya tapos hindi na niya ulit ako papahiramin ng cellphone niya.

My Perfect Nightmare (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon