HABANG NASA GUIDANCE OFFICE.....
Ms. Gina: Ilang beses na kita pinagsasabihan Ken ahh..... gusto mo pa yatang ipokpok ko sa ulo mo yang Cellphone mo ehh.... Ano bang meron dyan sa cellphone mo at hindi ka nakikinig sa mga teacher mo? Palagi mong tinatakpan yang tenga mo ng earphone, kaya yung mga teacher naiirita pag nakikitang hindi ka nakikinig.
Ken: Aahh-
Ms. Gina: Sasagot ka pa? palaging mukha ng mukha mo yung nakikita ko sa kwartong ito.... kulang na lang gawin kitang assistant sa madalas mong pagpapakita dito.... may ilang araw ka palang pumapasok ahh.... pero pang-apat na guidance mo na 'to.
Ken: ehh kasi ano p-
Ms. Gina: Hayy naku.... kung anak lang kita, namaga na yang ulo mo sa kakabatok ko nang hindi ka na makaulit....
Ken: Ms. Gina, hindi mangyayari yun....
Ms. Gina: Ang alin?.... Baka gusto mong totohanin ko?!!
Ken: Una, hindi niyo ako mababatukan dahil hindi niyo ako anak.......at pangalawa,paano kayo magkaka-anak ehhh ASAWA NGA WALA KAYO..... HAHAHAHAHA.
Ms. Gina: Lokong bata ito ahh!!......
(Sabay bato ng libro na nakapatong sa lamesa)
(Natamaan sa ulo si Ken)
Ken: ARAYY... Sige mauna na po ako......MISSSSSS GINA..... Hehihi.
(Biglang kamot ulong umalis sa Guidance office)
Ms. Gina's POV:
Yung batang yun talaga, sakit sa ulo. Tatanda ako sa kanya ng maaga ehhhh.......
(Sabay dampot ng libro sa sahig)
SAMANTALA, HABANG NAGLALAKAD.....
Ken's POV:
Asarrr.... Ang sakit ng batong yun ahh....pwede ko siyang pakasuhan sa ginawa niya.
(Medyo napa-isip)
Palagi akong inirereklamo ng mga teacher ko ahh.... paano ba namang makikinig ako sa kanila eh ang layo ko sa kabihasnan... bukod sa mag-isa na nga lang ako, ako pa yung nasa pinaka likuran.... Gustuhin ko mang makinig... parang tidero at tindera sa palengke yung mga klasmeyt ko.... Mas gugustuhin ko pang makinig ng music sa bago kong cellphone kaysa pakinggan yung mga walang katorya-toryang usapan ng mga klasmeyt ko....
(Sabay tingin sa oras sa cellphone)
SYET, 10:35 na.... mala-late na ako sa Math subject ko...
(Simpleng tinignan kung may nag Message)
Tsss..... asa pa akong may magte-text saken....Eh tatlo lang naman yung may alam ng number ko..... si mama, si papa at si liz lang naman ung nagte-text sa akin....meron mang maligaw...WRONG SEND pa.... hayyy.. kelan kaya darating yung panahon na may kukuha ng number ko at makikipag text sa akin ng magdamagan?..
(Pagdating sa klasrum, nakita niyang nag-uumpisa na ang klase. Kaya, payuko itong naglakad papunta sa kanyang upuan)
Ken's POV:
Haayy.... ito na naman akong hangin na dadaan sa gitna papuntang likuran....
(Sabay upo)
Ang boring... nung highschool ako favorite subject ko ang Math.... pero ngayon kabilang na siya sa mga pinaka nakakatamad na subject. Ewan ko ba kung ung teacher ko yung problema o ako ang problema ehhh...
(Sabay tingin pa-ikot sa klase)
Syett... ang ingay nanaman... di ba sila nagsasawang magsalita?... di nila ako magaya, gwapo na tahimik pa.....
(Biglang napa-isip)
Mag-iingay sila dahil may kausap sila... hindi kagaya ko, SOLOER.... dahil hindi nakapasok ng dalawang linggo umpisa pa lang ng pasukan....kaya sila nauna nang magkaroon ng kagrupo at mga kaibigan kaysa sa akin.
(Habang nagmumuni-muni ay biglang bumukas ang pinto at may babaeng nagtanong)
"Ummm.... ito po ba yung BSBA section 2-C?"
Teacher: OO, ito nga. Bakit may kailangan ka ba?
"Nakasulat po kasi sa form ko na ito po yung section ko..."
Teacher: Ayy... ganun ba? Pumasok ka neh.
Ken's POV:
Kung ikukumpara siya sa ibang mga babae, di hamak na mas maayos siyang tignan...
(Sabay kuha ng earphone at inilagay sa tenga)
Teacher: Ano ang pangalan mo?
"Ummm.... Leslie, Leslie Villaranda po".
Teacher: Villaranda?..... mmmm katabi mo si Ken Villegas..
Leslie: Ma'am, saan po banda yung upuan ko?
Teacher: Doon sa tabi ng bintana, sa dulo..
Leslie: Sorry po ma'am... pero mukang may naka-upo na eh.
Teacher: Hoy, mister Villegas.... pwede bang umalis ka sa upuan mo? Umupo ka sa susunod na upuan....para masunod natin ang alphabetical order....... At ano nanaman yang nasa tenga mo? tanggalin mo yan...
Leslie: Sorry po kuya.... Sorry sa abala.... Pwede na po ba akong maka-upo?
Ken: Ayyy... oo... oo...
Ken's POV:
Mukang mamahalin yung suot niya ahhh...... siguro galing siya sa mayaman na pamilya?..... pero kung mayaman man siya, bakit kaya siya nag-aral sa public school gaya nito?
Ken: Ahh, miss.... pwede wag mo na akong tawaging kuya? Ken na lang ang itawag mo sa akin... hehehe
Leslie: Okay po kuya Ken...... ayyy Ken pala..... tawagin mo na lang din akong Leslie.... Hihi.
Ken's POV:
Yesss.... sa wakas...... Hindi na ako nag-iisa dito sa likuran...... (Sabay tingin kay Leslie). Leslie ha?...... Leslie, welcome sa likuran... hehehe..
Ano mga dre?.......... Gusto niyo pa bang basahin yung next chapter?.... HAHAK. XD
Pasensya na kung hindi pa masyadong magaling.... Please VOTE AND COMMENT.. HAHAK.
![](https://img.wattpad.com/cover/9622759-288-k838115.jpg)
BINABASA MO ANG
Ano ba ang "Love"? (On-Going)
Novela JuvenilSi Ken ay estudyante sa pampublikong paaralan ng "Pang-pang State University". Isa siyang estudyante na parang hangin lang sa klase nila... yung tipong walang pumapansin sa kanya, dahil ilang linggo siyang absent unang buwan pa lang nang pasukan...