(Habang naghahanap ng unifom ni Leslie.... tumingin si Ken sa bintana)
Dino: Ano pa bang hinihintay natin? Umpisahan na lang kaya nating maghanap?....
Princess: Tama si Dino........... Dapat makita na natin yun kaagad, magdidilim na kasi ehhh...
Leslie: Salamat guys......
Dino: Wag ka munang magpasalamat Leslie, ipapangako kong maibabalik namin ang uniform mo...
Kens' POV:
Ito na naman.... nagiging O.A. nanaman si Dino...... Naaalibadbaran ako sa pinagsasabi mo ehhhhhh..........
(Tumingin si Ken sa bintana at may napansin siya...)
Ano yun?
Mukang alam ko na kung sino yung nagnakaw ng uniform ni Leslie.... Pero, bakit niya naman kaya ginawa yun?..
Leslie: Guys, itigil na natin ito.... Tingin ko hindi na natin makikita yung uniform ko....... at isa pa, magdidilim na, kailangan ko ng umuwi...... Kayo rin magsi-uwi na rin kayo.... baka hinahanap na rin kayo ng mga kasama niyo sa bahay..... Salamat na lang sa pagtulong sa'kin...
Dino: Hindi ako titigil, hanggat hindi ko nakikita yung uniform mo...
Leslie: Salamat Dino.... Sige mauna na ako.... Bye na sa inyong tatlo.....
Ken: Bye, ibigay ko na lang sayo bukas kapag nakita namin..
(Umuwi na si Leslie, at ang tatlo na lang ang patuloy na naghahanap)
Dino: Sige Ken at Princess, mauna na ako.... Mukang hinahanap na ako sa bahay namin ehhh. Kayo na lang yung magpatuloy maghanap ng uniform ni Leslie...
Ken's POV:
Hindi pala uuwi hanggat hindi nakikita yung uniform ahhh?..... KWENTO MO SA PAGONG!!....... umalis lang si Leslie, aalis ka na rin? Hindi man lang marunong tumupad sa kayabangan nya... TSK,TSK, TSK.
Ken: Oh sige, ingat na lang...
(Pagkatapos umalis ni Dino ay nag-yayaya na ring umuwi si Princess)
Princess: Ummm.. Ken? Tingin ko kelangan ko na ring umuwi, medyo madilim na ehhh...... Kung ayaw mo pang umuwi, mauuna na lang ako... mukang hindi na kasi natin makikita yun ehhh... at isa pa, marami pa akong gagawin sa bahay..... goodluck na lang, sana makita mo...
(Sabay kuha ng gamit)
Ken: Teka lang....
(Hinawakan sa braso si Princess)
Bakit mo ginawa yun?
Princess: Ang alin?
Ken: Bakit mo kinuha yung uniform ni Leslie?
Princess: Pinagbibintangan mo ba ako, na ako yung kumuha ng uniform ni Leslie?
Ken: Wag ka nang magkaila Princess..... Alam kong ikaw yung kumuha ng uniform ni Leslie...
Princess: Paano mo naman nasabi na ako yung kumuha na ako yung kumuha ng uniform niya, Eh kaibigan ko siya? Alam mong hindi ko yun magagawa sa kanya... Tutulong ba ako sa paghahanap, kung alam ko sa sarili kong ako yung kumuha ng uniform niya?
BINABASA MO ANG
Ano ba ang "Love"? (On-Going)
Novela JuvenilSi Ken ay estudyante sa pampublikong paaralan ng "Pang-pang State University". Isa siyang estudyante na parang hangin lang sa klase nila... yung tipong walang pumapansin sa kanya, dahil ilang linggo siyang absent unang buwan pa lang nang pasukan...